CHAPTER 3

45.3K 1K 41
                                    


SEAN'S POV

Sa pang-apat na pagkakataon ay napabuntong hininga ako. Sumandal ako sa swivel chair at pilit na pinapakinggan si Mr. Michiko

"So we are planning to launch our new model of phones in the middle of April and----"

Hindi ko na siya pinatapos at nagsalita na ako "What are you trying to say? "

"I'm saying that if you are interested to invest in our business then it would be our pleasure Mr. Martinez"

Hinawakan ko ang noo ko at minasahe ito. Hanggang ngayon ay hind parin maalis sa isip ko si andrea. Damn that girl! Ano bang ginawa niya sa akin at hindi siya maalis sa isip ko? It's been a few days since I've been thinking about Andrea and this is making me insane. Maybe I'm just stressed, that's it.

"Mr. Martinez"

"Bullshit" sabi ko dahilan para magulat si Mr. Michiko

Tumayo ako at inilagay ang dalawa kong kamay sa mesa at hinarap si Mr. Michiko. Halata sa mukha niyang kinakabahan siya pero hindi ko nalang ito pinansin

"Just bring the contract in my office and I'll sign it" sabi ko at umalis na

I need to pull myself together and think straight. This is not me. Andrea is corrupting my mind and this is not good. I should fire her

Bigla akong napatigil sa paglalakad ng maramdaman kong hinawakan ni Dina ang braso ko

"What do you need?" Hindi ko alam na kanina pa pala siya nakasunod sa akin

"Kailangan niyo po ba nang massage? Mukhang stress po kasi kayo" sabi nito at ngumiti

Tinabig ko lang kamay niya at nagpatuloy sa paglalakad. I badly needed a massage pero hindi siya ang gusto kong magmasahe sa akin

Pumasok ako sa kotse at sumandal sa upuan. Gusto kong pumunta sa office at magpahinga doon pero hindi pwede, I'll just see andrea there and I might blurt out nonsense things when she's around



ANDREA'S POV

Inayos ko na ang lahat ng gamit ko na nasa mesa at tumayo. It's already 5 pm kaya pwede na akong umuwi

"Uuwi ka na ba?" Nagulat ako ng biglang sumulpot sa harap ko si denise, katrabaho ko. He's Kim's best friend so that makes him my bestie too

"Oo, may gagawin pa kasi ako" sagot ko

"Pwede bang ihatid na kita?" tanong nito

I smiled politely "No need, i can handle myself"

"Please?"

"Sige na nga"

Napairap nalang ako at tumango. He has been insisting on taking me home, and sometimes I decline his offer dahil palagi siyang nanlilibre sa akin

Nauna na ako sa kanyang maglakad at pumasok sa elevator habang siya naman ay naka-sunod lang sa akin. Nang makalabas kami sa building ay agad na naghanap si denise ng taxi

"Mag Jeep nalang kaya tayo?" tanong ko sa kanya

"Hindi pwede, marami akong pera ngayon kaya magta-taxi tayo"

"Are you sure?"

"Of course"

We were still waiting for a taxi when a black car suddenly stopped in front of us. It was sean's car. Ibinaba nito ang bintana ng sasakyan niya at tumingin sa akin.

"Andrea"

"Good afternoon sir" sabay na bati namin ni denise

Hindi tinignan ni sean si denise at naka-titig parin sa akin

"May pupuntahan tayo, andrea"

Sa pagkakaalam ko ay tapos na ang lahat ng appointment nito ngayong araw. Ano kayang kailangan niya sa akin?

"Uuwi na po kasi ako sir, kasama po ko si denise" sagot ko "But I can call dina for you"

He sighed and looked at denise "You're from the marketing department, right?"

"Ye-yes boss"

"Gumawa ka ng narrative report about this month's sale at ilagay mo sa table ko, I need that tomorrow"

"Pero sir---" muntik ng napabulalas si denise

"No buts or else you're fired"

"R-right away, sir" sabi ni denise at nagmamadaling bumalik ulit sa building

"So" a small smirk appeared on his face "Sasama ka na sa akin ngayon, tama ba?"

Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kanya. Kung hindi ko lang siya boss ay baka kanina ko pa siya nasapak. He's not even asking, he's demanding. Dapat ay humingi ako sa kanya ng overtime pay

"Saan tayo pupunta, sir?" tanong ko

"Sa bahay niyo"

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya "Anong gagawing natin doon sir?"

"Just get in the car" he said and rolled his eyes

"Okay" ang sungit talaga

Bubuksan ko na sana ang passenger seat nang bigla siyang magsalita "You'll be the one to drive the car andrea"

"Right"  I forgot that I am his secretary

Lumipat siya sa passenger seat kaya pumunta na ako sa driver's seat. Tahimik lang siya buong byahe kaya hindi na ako muling nagsalita pa

The Sectetary's Secret- CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon