CHAPTER 25

26.9K 585 26
                                    

ANDREA'S POV

Maaga akong pumasok para makausap si sean. Hanggang ngayon ay hindi ko parin siya nakikita at parang sasabog na ang utak ko dahil gustong gusto ko na siya makausap

Gusto kong humingi ng tawad sa kanya pero sigurado akong hindi niya ako agad mapapatawad. Kasalanan ko rin naman ito dahil tinanggi kong may relasyon kami sa ibang tao. Mukhang nasaktan ko talaga siya ng sobra

"Good morning, sir" bati ko sa kanya nang makita ko siyang papasok sa office niya

"Good morning" walang kabuhay buhay na sabi niya

Papasok na sana siya sa office niya pero hinawakan ko ang kamay niya at pinigilan siya. Tumingin siya sa akin pero wala parin akong makitang emosyon sa mukha niya

"May kailangan ka?" tanong niya

"Sorry, alam kong nagkamali ako" mahinang sabi ko

Tinanggal niya ang kamay ko na nakahawak sa kanya "I need more time, hayaan mo muna akong mapag-isa"

Pagkatapos niyang sabihin yun ay pumasok na siya sa office niya at naiwan akong mag-isa. Hindi ko siya masisisi dahil kasalanan ko namam talaga kumg bakit siya galit sa akin

"Kung itatanggi niya rin na may relasyon kami sa harap ng ibang tao, sigurado akong masasaktan din ako"

Wala akong ibang nagawa kundi ang umupo sa swivel chair ko habang patuloy parin na nag-iisip kung ano ang susunod kong gagawin

"Remove all your clothes and I'll forgive you"

Napatayo ako nang maalala ang sinabi ni sean. Kung kailangan kong maghubad ulit para mapatawad niya ako, gagawin ko

Luampit ako sa office ni sean at pumasok dito. Nakita kong nagtaka siya nang makita akong papalapit sa kanya

"What are you doing here?" tanong niya

Kinagat ko ang ibabang labi ko "I'm asking for your forgiveness"

Nanginginig ang mga kamay ko habang hinuhubad ang white sleeve ko. Isa isa kong tinatanggal ang mga butones ng damit ko habang tinatago ang kabang nararamdaman ko

"I'm sorry, sean. Hindi ko na uulitin yun" sabi ko

Hinimas niya ang labi niya gamit ang gitnang daliri niya habang seryosong nakatingin sa akin. Mahina kong ipinilig ang ulo ko nang mapuno ang utak ko nang mga mahahalay na bagay tungkol sa kanya

"Go on, I might change my mind" sabi niya at sumandal sa upuan niya

Tumango lang ako at pinagpatuloy ang ginagawa ko. Nang matanggal ko na ang lahat ng butones sa tshirt ko ay  hinubad ko ito. Ngayon ay nakikita niya na ang suot kong bra

Lihim akong napalunok nang makita ko siyang lumalapit sa akin. Akmang tatanggalin ko na sana ang bra ko pero pigilan niya ako

"Stop it. Hindi mo na kailangang gawin yan" sabi niya

"Pinapatawad mo na ako?"

Kinuha niya ang damit ko at isinuot ito sa akin  "Oo"

"Talaga?"

"Hindi ka naniniwala sa akin?" tanong niya

Hindi na ako nakapag salita nang hawakan niya ang pisngi ko at hinalikan ako sa labi. It was just a quick kiss

"Bumalik ka na, okay? Wag mo na akong alalahanin" sabi niya at nginitian ako, isang pekeng ngiti

"Babalik ako mamaya" sabi ko at lumabas na ng pinto

Bakit pakiramdam ay hindi niya parin ako pinapatawad? Iba yung sinasabi niya sa kinikilos niya

Nang tuluyan na akong makalabas sa pinto ay nakita ko denise. Agad ko naman siyang nilapitan at kinausap. Lalaki siya kaya baka alam niya ang nararamdaman ni sean

"Kapag ba tinanggi mong boyfriend mo yung isang tao, masasaktan ka ba?" tanong ko

Nagkibit balikat siya "Kailangan ko bang sagutin? Obvious na kasi ang sagot"

"Ayaw ko lang kasing may makaalam na may relsayon kami ni sean. Mali bang itanggi ko siya?" Napa buntong hininga ako "Para din naman sa kanya ang ginawagawa ko. I don't want to ruin his image"

Alam na ni denise ang relasyon namin ni sean at sigurado naman akong hindi niya ipagkakalat ito. Simula ngayon ay hindi ko na itatanggi si sean. Pero gusto ko parin na walang nakakaalam ng relasyon namin

"I get your point pero kung itatanggi mo yung isang tao, wag sa harapan nila. Sana sinampala mo nalang ang tao"

"Hindi niya na ba ako mapapatawad?"

"Siya lang ang makakasagot ng tanong mo. Who knows? Baka sobrang nasaktan mo talaga siya"

Matapos naming mag-usap ni denise ay iniisip ko parin si sean. Hindi ko pa nasisimulan ang trabaho ko at wala akong planong simulan ito hangga't hindi pa kami nagkakaayos ni sean

"Sean" tawag ko sa kanya nang makita ko siya lumabas ng office niya

"Ano?" walang ganang tanong niya at tumingin sa akin

Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. Ramdam kong tutol siya sa ginawa ko pero hindi niya ako tinulak at hinayaan niya lang akong gawin ang gusto ko

"Hindi ka ba nag-aalala na baka may makakita sa atin?" tanong niya

"Hindi na" tumingin ako sa kanya "Ayaw kong may makaalam ng relasyon natin pero hindi na ulit kita itatanggi sa iba"

Ngumuso siya "Bakit ba kasi ayaw mong may makaalam na girlfriend kita? Wala ka namang asawa o boyfriend diba?"

"I don't want to ruin your image—"

Naputol ang sasabihin ko nang makita kong papalapit si laurence sa amin. Bibitaw na sana si sean sa akin pero mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya

"Makikita niya tayo" sabi niya "Kung lalayo ka sa akin, may panahon ka pa para gumawa ng rason"

Ngumiti ako"Hindi na kita itatanggi"

"So may relasyon nga talaga kayo?" bungad sa amin ni laurence

Bumitaw ako kay sean "Oo, boyfriend ko siya"

"Sinasabi ko na mga ba eh. May kakaiba sa inyong dalawa" hindi makapaniwalang sabi niya "Sayang naman, naunahan pa ako ni sean"

Napangiti ako nang maramdaman ko ang paghawak ni sean sa kamay ko at hinila ako papalapit sa kanya

"Stay away from my girlfriend. Papatayin talaga kita kahit magkaibigan pa tayo" seryosong sabi niya

Mas lalong lumapad ang ngiti ko sa labi. He's back.  Sean's possessiveness is back. Akala ko hindi niya na ako mapapatawad. Ayos lang na ipagdamot niya ako sa ibang lalaki, ayos lang na maging possessive siya sa akin basta pansinin lang niya lang ako palagi at wag siyang magalit sa akin

The Sectetary's Secret- CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon