Chapter 12

10.1K 523 1K
                                    

012122 #HatemateWP Chapter 12

Finally, uwian na rin.

Malamig at madilim na sa labas. Pag-uwi ko, for sure bagsak ako agad sa kama. Dapat talaga kanina pa ako umuwi. Gumawa na lang sana ako ng excuse para nakasibat ako agad. E di sana mahaba-haba ang tulog ko. Lamog pa naman ako sa biyahe kaninang madaling araw.

Inipon ko ang buhok ko sa kanan at itinali. Pakiramdam ko nalutang na lang ang ulo ko sa sobrang drain. Ewan ko rin kung bakit parang bigla akong iniwan ng kaluluwa ko. Pakiramdam ko tulog na ang utak ko pero dilat pa ako at kailangan lang talaga gumalaw ng katawan ko para makauwi.

Napalingon ako sa kanan at bumalik 'yong kaluluwa ko for five seconds. Sa saglit na 'yon, umayos ng tayo at binalik agad sa harap ang tingin. Ano ba 'tong si Deion? Pakiramdam ko nagiging aso na ako sa talas ng pang-amoy ko sa kaniya e.

"Uuwi ka na?" tanong niya. Hindi na siya parang cloud na may dalang mabibigat na ulan. Nag-lighten up na nang kaunti 'yung mood niya.

Hah. Gawa siguro ni Ate Maggie. E di good for him.

Ako na lang ang magpapanggap na hangin. Ang hangin, 'di siya nairrinig. 'Di rin nagre-respond. At 'di rin siya papansinin.

Hindi ako sumagot sa tanong niya. Nasaan na ba ang kambal-tuko nito at bakit nandito 'to sa 'kin?

"Uuwi ka na?" ulit niya.

"Uuwi ka na? Uuwi ka na? Uuwi ka na?"

Humigpit ang pagkakahawak ko sa cellphone ko.

Nilingon ko siya. So ito ba 'yung result ng pananahimik for the whole day? Nagiging sirang plaka siya? Lintik.

"Hindi." Inalis ko ang tingin sa kaniya. Tumigil na siya sa kaka-uuwi ka na? niya. "Maglalaba ako."

"Ganitong oras? Saan?"

Hindi ako sumagot. Hindi ba siya marunong maka-sense ng sarcasm?

"Saan? Saan? Saan?"

"Uuwi na 'ko!" Jusko, walang pag-asang manalo sa lalaking 'to, sa lahat ng aspeto! For some reason, lagi na lang niya akong naiisahan e. Kaya nga gusto kong lumayo-layo, pero wala na, imposible na 'yon. Unless, mag-transfer siya ng schools or mag-shift ng program, dahil hindi naman ako puwedeng mag-transfer at wala akong balak mag-shift pagkatapos i-endure 'yung mga nangyari for the past few weeks.

"Okay," sabi niya. Dedma siya roon sa kasasabi ko lang na maglalaba ako. "Samahan na kita."

Napakamot na lang ako sa ulo. Kanina bad mood siya, 'di ba? Nilapit ko nga 'yung upuan ko sa kaniya 'tapos ayaw niya akong tingnan e. Bakit ngayon ganito siya? 'Labo nito e. 'Hirap intindihin.

"'Wag na. Nasa'n ba sina Mark?" tanong ko. Lumayo-layo na kasi agad ako pagkalabas namin. Nagba-bye lang ako nang mabilis as courtesy 'tapos sumibat na. 'Di ko naman in-expect na didikit sa 'kin 'tong isang 'to.

"Sinamahan si Mags pauwi. Kasama nila si Yael, baka raw 'di makauwi mag-isa 'yon e."

Nilingon ko siya. Nabura agad 'yong kalmado niyang mukha dahil bigla niya akong kinunutan ng noo.

Tinaasan ko siya ng kilay. Ano na naman?! Tumingin lang ako! Bakit bad mood na naman yata siya?

"'Problema mo?" tanong ko.

Sabi pa naman ni Mark kanina, kasalanan ko raw kung bakit parang naglalakad na sama ng loob si Deion kaninang umaga. Oras na para alamin kung totoo 'yon. Ngayon na habang hindi pa natatapos ang timer at nagsasalita pa si Deion.

"Tss." Siya ngayon ang umiwas ng tingin. Malalim ang simangot niya. Akala mo naman ang laki ng kasalanan ko sa kaniya, kung mayro'n man! "Nasabi lang si Yael e . . ."

Hatemate Part Two (Lovestruck Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon