Chapter 23

8.7K 587 805
                                    

060322 #HatemateWP Chapter 23

Dumeretso kami ni Luke sa kusina. Nakasunod lang naman ako sa kaniya kaya feeling ko tuloy ako ang baguhan sa bahay na 'to. Hindi naman siguro, 'no? Unless kakilala na siya n'ung kambal before me.

Ang dami kong gustong itanong, pero for some reason ay di ko magawa. Balak ko pa naman sanang i-interrogate siya kahit very light lang, para lang sure akong nasa good hands si Je. Mukha nga siyang matino, pero di na ako nagtitiwala sa itsura.

Hindi naman siya gaanong katangkaran, parang mas matangkad pa si Jo. May pagka-wavy ang buhok niya at medyo singkitin ang mga mata. Feeling ko dagdag sa appeal niya na mukha siyang malinis. Or tingin ko lang ba 'yon dahil mabilis akong ma-attract sa mga gano'n?

Sumulyap siya sa akin habang kumukuha ng mga baso. Inagaw ko 'yon sa kaniya at nagpresintang ako na lang ang mag-akyat. "Nakapunta ka na dito dati?" nangangapa kong tanong. Tumango siya.

"Last week lang," sagot niya. Binitbit niya 'yung plato ng turon bago kami bumalik sa taas.

Nagkatinginan pa kami ni Tita bago ako umakyat. Tinanguan niya ako bago ilipat ang tingin sa likod ni Luke. Di ko tuloy matantiya kung okay ba kay Tita si Luke or what. Gusto naman niyang magka-jowa ang kambal, pero baka hindi pa rin mawala sa kaniya ang pagiging protective.

Tumigil kami ni Luke sa puwesto ko kanina. Umupo siya sa isang step habang nag-stay akong nakatayo kasi na-o-awkward-an akong tumabi sa kaniya. Inilapag ko lang sa tabi niya ang tray ng mga basong hawak ko dahil baka mabitiwan ko at mabasag.

Busy ako tingnan ang tuktok ng ulo niya, wondering kung paano niya niligawan si Je kasi di ko talaga ma-imagine, nang lingunin niya ako. Napaayos tuloy ako sa pagkakasandal ko sa pader bago iiwas ang tingin. Narinig ko siyang tumawa. "May itatanong ka ba?"

Binalik ko ang tingin sa kaniya. Tumango ako. Nginitian niya ako bago umisod sa gilid at tapikin ang space sa tabi niya.

Hay. Tinabihan ko siya sa hagdanan. "Ano'ng itatanong mo?"

Di ko nga alam kung saan ako magsisimula. Ang dami kong gustong malaman! Pinaka-curious ako sa kung paano maging girlfriend si Je e. Parang siya kasi 'yung tipo na ang hirap talaga i-picture out na lumalandi. Parang ang out of character, parang wala siyang romantic bone, gano'n. "Gaano katagal na kayo ni Je?"

Kumunot ang noo ko nang hindi agad siya nakasagot. Nilipat niya ang tingin sa tapat na parang nag-iisip.

My gosh, matagal na ba sila? What if may times na sinubukang sabihin sa 'kin 'yon ni Je, pero dahil ako lagi ang dumadaldal, hindi niya nasasabi?

"Hm . . . isang buwan?"

Nakahinga ako nang maluwag. If super tagal na tapos di ko alam, magdadamdam talaga ako. "Sa'n kayo nagkakilala? Matagal na ba kayong magkakilala?"

Umiling siya. "Nito lang college."

Bumalik ang pagkakakunot ng noo ko. Di naman kami always magkasama ni Je, pero magkasama kami most of the time! Di ko rin naman nakikita si Je na nagbababad sa cellphone niya nang may kausap or kahit ka-chat man lang. Lagi siyang nasa harap ng gadgets niya for school purposes, or kapag manonood siya sa Netflix after tumapos ng plates. Or puwede ring hindi ko napapansin dahil hindi ko talaga siya pag-iisipan na magbo-boyfriend.

Sila ba 'yung tipo na hindi masyadong nag-uusap? Parang di ko kaya 'yon, pero siyempre hamak na iba silang dalawa sa 'kin. But still, ang weird pa rin na hindi ko man lang na-sense! Gano'n na ba ako kalunod sa thoughts ko kay ano na di ko napapansin ang nangyayari sa paligid ko?

"Paano?" follow-up ko.

"Iba na lang itanong mo," aniya at bahagyang natawa. Napanguso ako. Ayaw niya bang sagutin dahil si Je ang gusto niyang magsabi sa 'kin n'un? Or gusto niya private at between them na lang 'yon?

Hatemate Part Two (Lovestruck Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon