Chapter 24

10.2K 577 1.4K
                                    

061222 #HatemateWP Chapter 24

Papatak ng weekday ang birthday ko, at paulit-ulit na binilin sa 'kin ni Daddy Monday morning bago ako pumasok na uuwi ako no matter what. Ni-reason ko na sa kaniyang marami akong gagawin pero napagalitan pa ako dahil minsan lang daw ang birthday. Ang gulo nga niya dahil pinaalalahanan niya rin akong 'wag pabayaan ang grades ko. So saan ako lulugar?

Ang tanging solution lang do'n ay magsipag . . . which is tinatamad akong gawin. Pinauna ko na si Je na umuwi dahil hindi pa ako tapos sa mga gagawin ko. Hindi ako makaka-focus sa apartment kaya nagpaiwan ako sa lab kahit umiinit na dahil dumadami ang tao.

Napilitan lang akong umalis dahil sa gutom; bawal kasing kumain do'n. T-in-ake ko 'yon as sign na tapos na ako for the day at bukas ko na lang itutuloy ang mga gawain ko.

Umalis ako sa pagkakasandal sa pader nang imbes na tumila ay lalong bumigat ang buhos ng ulan. Hinihintay ko ngang tumila dahil wala akong dalang payong! Grabe naman 'tong kamalasan ko, pati birthweek ko, papatusin?

Bumalik ako sa pagkakasandal sa pader ng classroom nang makita 'yung ibang kadi-dismiss lang yata na nag-uunahan papuntang parking. Sana lahat may sasakyan. Kung todo lang talaga ang kapal ng mukha ko, baka hiniram ko na ang payong nila. May sasakyan naman sila e, ako maglalakad pa ako.

Lumapit ako sa gilid at sinahod ang palad ko para matantiya kung kakayanin ko bang sumugod. Base sa lakas ng tunog ng ulan, alam ko namang hindi, pero nagbaka-sakali pa rin ako. Binawi ko agad ang nakalahad kong palad nang mahagip ng tubig-ulan ang laylayan ng long sleeves ko. Kainis.

Naghahanap na ulit ng pagkain ang sikmura ko. Ako na nga yata ang umubos ng natirang sandwich sa malapit na kiosk pero dahil sa kahihintay na humina-hina ang ulan, gutom na ulit ako. Parang gusto ko tuloy bumalik ulit sa lab. At least may natatapos ako habang naghihintay.

Napako ang tingin ko sa puno sa tapat nang may ma-sense ang ilong ko. Hindi ko siya nilingon kahit narinig ko siyang tumikhim. Nag-survive naman ako ng buong araw nang di siya pinapansin e, which proves na káya ko 'yung gawin. Kaya ko rin 'yon ulitin bukas, sa susunod na bukas, at sa mga susunod pa.

"Uuwi ka na?" tanong niya.

Tumango lang ako at hindi na nagsalita. Though frankly, confused ako kung bakit siya nandito—hindi nandito sa tabi ko, kundi nandito sa campus in general. Akala ko umuwi na sila ni Mark kanina. Di ko na siya nakita paglabas ko ng CR after dismissal e, not like hinahanap ko siya or anything.

Bumaba ang tingin ko sa pinatutunog niya sa kamay niya pero hindi ko siya nilingon. Napailing na lang ako sa pagkalansing ng susi niyang pinaiikot niya sa daliri niya.

Hay, naku. Di ko na talaga kalilimutang magdala ng payong.

"Bakit nandito ka pa?" tanong ko, kasi, fine, curious ako. Napatawag ba siya ng prof sa office? Saka weird na wala siyang kadikit na kahit isa man lang do'n sa pares ng magpinsan.

Pinakita niya ang hawak niya sa kabilang kamay—graphing notebook. Nilipat ko ang tingin sa nagbabadyang bahang lalagpas na sa unang riser. Kainis talaga. Puti pa naman ang sneakers ko. Pero mukhang dito lang naman sa area ng tapat ng building naiipon ang tubig.

"Nagsusulat ako. Sa lab."

Tumango lang ulit ako. Hindi ko siya napansin kanina siguro kasi marami-rami ang tao. Architectural alphabet lang naman ang tinatrabaho niya, kayang-kaya niya gawin sa condo 'yon. Nakisiksik pa siya sa lab.

Hindi ko alam kung kailan niya balak umalis, pero hindi na ako nagbalak magtanong. May ilang minuto rin kaming tahimik na nanonood lang ng ulan nang maalala kong may ibabalik ako sa kaniya. Kinuha ko ang cap niyang nakatupi at nakalagay sa laptop pocket ng backpack ko.

Hatemate Part Two (Lovestruck Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon