Chapter 19

10.5K 558 1.5K
                                    

040222 #HatemateWP Chapter 19

Tumuloy hanggang dulo ng linggo 'yung awkwardness. Hindi ko rin alam kung bakit. Nag-uusap naman kami kapag magkaharap, pero parang may nilagay na barricade sa pagitan namin.

Kaya hindi ko rin alam kung bakit sinundo niya ulit ako sa apartment pagpatak ng Sabado ng madaling-araw. Ang ine-expect ko, mag-isa akong uuwi at ang poproblemahin ko lang ay baka masandalan ko ang katabi ko sa van habang tulog ako sa biyahe. Di ko in-expect na makikita ko si Deion pagbaba ko ng hagdan. Wala pa naman sina Je dahil Friday ng gabi sila umuwi, so . . . kaming dalawa lang?

Tumigil ang mga daliri niya sa pagpapaikot ng susing hawak niya. Napatigil din ako tatlong steps away sa first floor. Kung surprised ako last week na sinundo niya kami nina Je, mas surprised ako ngayon dahil hindi naman kami nag-uusap nang ayos these past few days.

Di ko maibuka ang bibig ko para bumati ng good morning, dahil shet, ang awkward talaga. Parang hindi kami magkakilala, gano'n. Actually, mas malala pa nga 'to e. Kasi no'ng hindi pa naman kami magkakilala no'ng first day ng high school, hindi naman kami awkward. Well, at least ako, hindi ako awkward sa kaniya. At kung may awkwardness man, galing lang sa kaniya, at hindi naman ganitong levels. Ewan, basta! Hirap ipaliwanag. Basta may nag-ibang something.

Jusko. Gusto kong tumakbo ulit paakyat kahit sure naman akong naghilamos at nag-toothbrush ako.

Muntik nang mangyari 'yung pagtakbo ko paakyat nang maunang lumapit si Deion. Kinuha niya sa akin ang magaan ko namang bag nang walang sinasabing anything. Tapos, sumunod na lang ako sa kaniya kasi, una, hindi ko naman siya masabihan na hindi niya 'yon need buhatin. Pangalawa, hello, paano ako uuwi nang di 'yon nababawi e nando'n ang mga pera at damit ko?

"Thank you," nagawa kong sabihin kahit may kabang hindi ko alam kung saan nanggagaling.

Hindi ko nga alam bakit biglang ang awkward na namin e! Kasalanan ba 'to n'ung padded jacket niya? Nag-sorry naman na ako dahil baka hindi siya komportable roon sa ginawa ko. Hindi naman siya mukhang galit sa 'kin, pero ang awkward kasi talaga! Nakakainis kasi hindi ko ma-point out kung ano talagang root nitong lintik na awkwardness. Hirap tuloy alisin.

"You're welcome," halos bulong niyang sabi. Wala na akong nasabi roon kahit gusto kong maging comfortable ulit ang vibe sa 'min. Ano namang ire-reply ko sa you're welcome?

Hindi ko na rin tuloy kinuwestiyon kung ano'ng ginagawa niya rito. Baka hindi niya sagutin, e di ang awkward lalo? Daming dead air.

Pinto sa backseat ang binuksan niya. Nagtaka ako kung bakit kasi . . . wala lang. Hindi naman sa ine-expect kong sa harap ako uupo. Hindi rin naman sa ine-expect kong ako lang ang ihahatid niya. Naisip ko lang kasi . . . baka lang naman magmukha siyang driver kung nasa likod ako tapos walang nakaupo sa harap, di ba? Pero hindi ko rin naman sinasabing ina-assume kong wala siyang ibang . . . ano ba . . . ? Sine-service-an? Bagong business na niya dapat 'to.

Hindi ko alam kung bakit parang nabunutuan ako ng tinik sa dibdib nang makitang si Mark ang nakaupo sa unahan.

Sino ba'ng ine-expect ko? At paano kung hindi si Mark 'yung nasa front seat? E di hindi mabubunot 'yung tinik sa dibdib ko?

Bakit ba may tinik in the first place? Hindi naman isda ang dinner ko kagabi.

Sinilip ako ni Mark sa likod habang papunta si Deion sa driver's seat. "Good morning, Billie!" bati niya. Humaplos siya sa braso ni Deion pagkaupong-pagkaupo nito. "Sorry ka, akin 'to."

Nagusot ang mukha ko roon. Buti na lang nandito 'to; hindi masyadong awkward. Sasabihin ko sana na kaniya na pero narinig kong tumawa si Deion at mahina siyang minura kaya nagkandabuhol-buhol ang dila ko.

Hatemate Part Two (Lovestruck Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon