Chapter 22

10.1K 478 1.1K
                                    

051722 #HatemateWP Chapter 22

Wala namang nangyaring anything remarkable pagkatapos ng birthday ni Mark. Wala rin masyadong ganap sa org kaya hindi ko nakikita sina Shana, tapos ang chika sa 'kin ni Je ay naiiyak na si Jo dahil umaabot ng higit 100 pages ang readings niya per week kaya wala rin 'tong paramdam. Meaning, hindi ko kailangang dumikit kay Deion.

Di na rin big deal na hindi kami nag-uusap, kasi nga hindi naman 'yon required. Hindi naman siya special friend para kausapin ko araw-araw. Friends lang kami, walang special.

Di ko na rin masyadong in-overthink kung awkward ba kami or what. Di ko akalaing sasabihin ko 'to pero thankful akong tambak na naman kami ng mga ipapasa. Walang space for Deion sa utak ko kung takot akong ma-late ng submission or magkaroon ulit ng mababang grade.

Hindi ko na rin masyadong pinag-isipan 'yung narinig ko no'ng birthday ni Mark, partly dahil ine-expect ko na naman 'yon. I mean, hindi ko in-expect na may gusto siya kay Ate Maggie—may kaunting shock factor pa sa part na 'yon.

Pero ang hindi na shocking ay 'yung hindi ako ang gusto. Wala namang bago.

At dahil pamilyar na ako sa feeling, mas madali na siyang i-process . . . slight. Bad trip, siyempre, pero ano ba'ng magagawa ko?

Sino ba'ng naglapit sa kaniya sa akin? Ako rin naman e. Ang dami ko kasing alam. At surprisingly, kahit sa dami kong alam, hindi ko alam kung paanong iiwasang magkagusto sa lintik na Deion na 'yo—

"Billie?"

"Ha?"

Pag-angat ko ng tingin ko ay pinanonood ako nina Je, Mark, at Deion na parang may ginawa akong masama. Nang ibalik ko ang tingin sa hawak ko ay saka ko lang napansin na ginutay-gutay ko ang ilang pirasong yellow pad ko gamit ang ball-pen.

Napasimangot ako bago 'yon itago sa bag ko. Ayaw ko na sana siyang tingnan, pero sinamaan ko ng tingin si Deion para lang aware siyang naiinis ako sa kaniya at sa kaniya ko sinisisi ang pagkasayang ng papel ko. Umangat lang ang dalawang kilay niya sa 'kin, clueless as ever. Lagi na lang siyang clueless, buwisit siya.

"Uuwi na 'ko," sabi ni Je kaya lumipat ang tingin ko sa kaniya. Dali-dali kong sinuot ang bag ko at tumayo para sumunod sa kaniya dahil nandito sina Mark. Wala namang ibang reason para lapitan nila ako after ma-dismiss ang last class, puwera na lang sa . . .

"'Wag ka munang umuwi!" Napapikit na lang ako sa lakas ng boses ni Mark at sa bigat ng braso niyang bigla niyang inakbay sa 'kin. Napatigil si Je sa paglalakad at nilingon kami, parang naghihintay na kumawala ako.

"Bakit na naman?" tanong ko at puwersahang inalis ang braso niyang nakapulupot sa balikat ko. Okay lang sana kung si Mark lang, e kaso package deal nga sila ni Deion at ayaw ko n'un! Respeto naman sa nagmu-move on, jusko. Di ko na nga masyadong nararamdaman 'yung hapdi e.

"Samahan mo muna kami. Ikaw ang magliligtas kay Deion sa kapahamakan," aniya at binalik ang pagkakaakbay sa 'kin. Wala akong nagawa kundi sumabay sa paglalakad niya. Buti na lang at nahagip ko ang strap ng bag ni Je kaya napuwersa siyang tumigil. Kainis 'tong si Mark! At ano'ng paandar na naman 'yung sinasabi niya?

Bumagal din naman ang paglalakad ni Mark, walang choice kundi sumabay sa pace ni Je. Nakadagdag din siguro na hinawakan ni Je ang kamay ko, at medyo scary 'yung poker face niya kaya tumalab kay Mark. "Sumama ka na lang sa 'min, please?" pa-cute na sabi ni Mark kay Je. Dedemonyohin pa nito ang kasama ko.

"Je, hindi. Uuwi na tayo," kontra ko.

"Billie, parang awa mo na. Samahan mo na kami, please."

"Saan ba kayo pupunta?" tanong ko. Sinilip ko si Deion na nakasunod lang sa 'min. Inalis ko kaagad ang tingin sa kaniya dahil hindi optimal para sa moving on space ko na makita ang pagmumukha niya.

Hatemate Part Two (Lovestruck Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon