Chapter 14

9.7K 592 1.1K
                                    

0212222 #HatemateWP Chapter 14

Naghilamos ulit ako sa sink nang kumalma-kalma. Pagharap ko ulit ko kay Deion, suot na niya 'yung backpack ko paharap. Dumukot siya ng panyo sa slacks niya at inalok sa 'kin pero umiling ako.

"May panyo ako sa bag." Basag ang boses ko.

Akala ko huhubarin niya 'yung backpack ko at iaabot sa 'kin, pero lumapit lang siya. Siya na ang humigit sa zipper ng bag ko pabukas. Habang hinahanap ko ang panyo ko sa bag (na siya pa rin ang may suot), ramdam ko tuloy ang tingin niya. Buti na lang may bangs akong puwedeng pagtaguan.

Isinara ko ang zipper ng bag ko. Napaangat ang tingin ko kay Deion nang likumin niya sa isang kamay niya ang bangs ko. Nang ma-realize kong pangit yata ang magiging view niya dahil mukhang paga ang dalawa kong mata, binaba ko na ulit ang tingin ko sa sahig habang tinutuyo ang mga pisngi ko.

"Ang pula na ng mukha mo . . . ." puna niya. "Tahan na."

Tumango ako. Tinapik ko ang kamay niya para bitiwan na niya 'yung bangs ko. Baka mukha akong shih tzu.

Binitiwan niya rin naman 'yon, pero sunod naman niyang nilikom 'yung mas mahaba kong buhok. "Pawis ka na. Wala kang panali?"

Kinapa ko ang wrists ko pero walang panali roon. Binuksan ko ulit ang bag kong suot niya at naghanap do'n pero mukhang naiwan ko yata sa apartment.

Umiling ako kay Deion. Nagbuntonghininga siya bago pakawalan ang buhok ko. Sinuklay ko na lang 'yon gamit ang mga daliri at pinabayaang nakalugay.

"Tara na, 'wag tayo dito. Baka masita tayo ng janitor," aniya. Nasa siko ko ang kamay niya habang paalis kami sa area ng restrooms. Wala nang tao sa gym. Wala si Ate Maggie o si Mark. Buti naman.

"Okay ka lang?" tanong niya. Tumango ako. "Bakit ka nando'n? Hinintay kitang bumalik."

Nagkibit-balikat lang ako. Lalong nanliit ang mga mata ko nang salubungin ng liwanag sa labas. Sobrang saturated orange ng liwanag ng langit kaya kahit ang daan, nakakasilaw. O masakit lang talaga masyado ang mata ko kaya gano'n.

"Ayaw kong pag-usapan," sagot ko.

Huminga nang malalim si Deion bago tumango. Wala yata akong choice kundi isama siya pauwi. Di ko na siya aawayin tutal siya naman ang nagbitbit ng bag ko at nakahanap sa akin sa CR.

Saka tahimik lang din siya. Mas okay nga 'yon. Ayaw ko ng nakakarindi kapag ganitong sitwasyon. Ang laking pagod talaga ng pag-iyak. Parang gusto ko na lang gumapang sa daan hanggang sa makauwi.

Naalala ko bigla 'yung sinabi ni Shana. Alam ko namang di 'yon totoo pero naba-bother pa rin ako na gano'n ang tingin niya sa 'kin. Paano kung hindi lang siya ang gano'n ang iniisip?

Ayaw ko naman silang kausapin ni Maxine dahil bakit ko kailangang patunayan ang sarili ko sa kaniya? Hindi naman niya ako kilala. Paano kung i-deny lang din niya 'yong mga narinig ko?

Nakakainis talaga. "Deion."

Mabilis na napalingon sa 'kin 'tong kasabay kong maglakad palabas ng campus. "Hm?"

"'Yung sa midterms at finals sa Design," panimula ko. Tumango siya. Sumulyap lang siya saglit sa dinadaanan namin bago ibalik ang tingin sa 'kin. Nilipat ko ang tingin sa daan. Nakakahiya makipag-eye contact 'no. Ang pangit ko pa naman pagkatapos umiyak.

"Daan muna tayong faculty," dugtong ko. Bukas pa naman 'yon nang ganitong oras. Kung wala si Ma'am du'n, e di bukas na lang. On time naman pumapasok si Ma'am lagi.

"Bakit?" tanong niya. Hinagip niya ang siko ko at tumigil siya sa paglalakad. Tumigil din tuloy ako.

"May sasabihin lang ako kay Ma'am," sagot ko. Pumihit na ako papunta sa way ng faculty ng college namin. Sumunod lang siya, hindi pa rin inaalis ang hawak sa braso ko.

Hatemate Part Two (Lovestruck Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon