Chapter 32

9.8K 451 1.1K
                                    

wala na tau sa exciting part :"-( hahaha last three parts! (33, 34, epilogue)

091922 Chapter 32 #HatemateWP

"Kain ka pa?" pabulong na tanong ni Deion sa 'kin. Umiling ako.

Inayos niya ang kumot na nakatalukbong sa legs namin. Inayos ko rin ang pagkakabalot n'un sa balikat at katawan ko bago magsumiksik sa tabi niya. Nang sumulyap sa 'kin ang ate niya ay itinago ko ang mukha sa likuran ng braso niya at hinigpitan ang yakap sa mga tuhod ko.

Nasa kabilang couch sina Ate Niko at si Mark na parehas namang nanonood ng movie at parehas ding panay ang nakaw ng tingin sa 'min ni Deion. Nakahiga si Ate Niko at nakaupo sa bandang paanan niya si Mark. Magka-share din sila ng kumot.

Tinapik ni Deion ang tuhod ko bago ilapag sa center table ang bowl ng mixed nuts. Pagkatapos ay bumalik siya sa maayos na pagkakaupo at inilalim sa kumot na tumataklob sa 'min ang parehas na braso niya. Ramdam kong tinapik niya ang binti ko kaya nilingon ko siya kasabay ng pagsandal ko nang ayos sa couch. Gumapang ang kamay niya papunta sa tuhod ko at hindi na umalis doon.

"Lamig ng kamay mo," pabulong kong comment.

Pinigilan kong makiliti nang i-drum ni Deion ang mga daliri niya sa tuhod ko. "Talaga?"

Tumango ako. Nahuli ko siyang sumilip saglit sa kabilang couch bago yumuko at mag-lean sa 'kin para bumulong nang direkta sa tainga ko. Pasimple ko siyang siniko dahil huling-huli ko ang halos synchronized na pagtingin sa 'min nina Ate Niko at Mark. "Hawakan mo nga."

"Talandi ka," saway ko. Mahina siyang natawa. After minutes nang di niya pinakakawalan ang tingin ko at di niya inaalis ang pigil na pigil niyang ngiti, bumigay rin ako. Di naman kami halata dahil nasa ilalim ng kumot ang mga kamay namin, saka in fairness, malamig talaga.

Dahil nahihiya akong masyadong magpagabi, nagpahatid na ako sa apartment bago pa lumagpas ng alas-sais. Nakarating kami around seven p.m.. Sumama siya sa pagbaba ng sasakyan.

"Ba-bye," sabi ko pagkarating ko sa hagdanan.

Lumapit siya at hinagip ang laylayan ng jacket niyang suot ko—pinahiram niya sa 'kin bago kami umalis ng condo. Pinagtama niya ang zipper at hinigit 'yon pataas. Tatawa-tawa siya nang hampasin ko siya sa kamay dahil sinadya niyang i-angat 'yon to the point na pati ilong at bibig ko ay nahagip ng zipper. "Hatid kita sa Monday? Sabay na kayo ni Mark, baka umuwi na rin ako."

"Okay," sagot ko. Bumaba ang kamay niya sa magkabilang laylayan ng sleeves at hinigit-higit ang parteng lumalagpas sa kamay ko. "Uwi ka na."

"Good night."

"Good night. Shoo!"

Mukhang labag sa loob niyang naglakad siya palayo. Panay pa ang lingon niya sa 'kin. Baka madapa pa siya.

Panay ang sulyap niya sa 'kin kahit habang binubuksan ang pinto ng sasakyan. Gumaya siya sa 'kin ng pagkaway bago tuluyang pumasok sa loob at i-start ang makina.

* * *

Posible ba 'yung dalawang araw lang naman kaming hindi nagkita ni Deion, pero miss ko na siya agad?!

E sa loob nga ng two years na kahit anino niya hindi nagparamdam, di ko naman siya na-miss nang ganito.

Factor din sigurong hindi siya masyadong nagpaparamdam, when supposedly nagpaparamdam siya, di ba? Understandable naman dahil family time dapat ang holiday break, pero may kung anong something yata siyang nilagay sa mga pinakain niya sa 'kin nitong mga nakaraan kasi ang lala ng pagka-miss ko sa kaniya. Mula no'ng umuwi ako, wala na akong ginawa kundi maligo, kumain, matulog, maghintay sa chat ni Deion, tapos repeat.

Hatemate Part Two (Lovestruck Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon