Bonus Chapter

5.6K 177 16
                                    

Dahil mahal ko kayo, may handog ako sa inyo na Christmas gift. Yay! Merry Christmas and Happy New Year everyone! See you sa Book 2!

Andrei

Dalawang araw bago ang flight namin patungong Cebu.

Naisipan kong puntahan ang best friend kong si Bryan para makapagpaalam man lang sa kanya bago ako umalis. Sigurado akong magtataka sya kung bakit hindi nya ako nakita sa pasukan kaya mas mabuti nang sabihin ko na sa kanya na aalis ako.

Pagdating ko sa tapat ng gate ng bahay nila ay pinindot ko ang door bell. Ilang sandali lang ay lumabas ang isa sa mga helpers nila.

"Uhm... nandyan po ba sa loob si Bryan?" Tanong ko kay ate.

"Oo hijo." Sagot nya. "Sino sila at ano ang layunin?" Dagdag nyang tanong.

"Kaibigan nya po ako. Gusto ko lang ho sana syang makausap."

Ilang segundo lang ay pinagbuksan ako ni ate ng gate.

"Pasok ka hijo." Sabi nya.

Pagkatapos nya isara ang gate ay sumenyas sya sakin na sumunod sa kanya na ginawa ko naman. Pagdating namin sa living room ay pinaupo nya ako sa couch.

"Tawagin ko lang si sir ah..." sabi nya.

"Sige po, maraming salamat."

Umakyat si ate sa second floor para tawagin si Bryan habang ako naman ay matiyagang naghihintay dito sa living room. Ilang sandali lang ay bumaba na si Bryan mula sa taas at kasabay nun ay ang pagpapatuloy sa trabaho ng helper nila.

"Andrei, ikaw pala bro!" Bati nya. "Bakit 'di ka tumawag na pupunta ka pala dito samin? Di tuloy ako nakapag-ayos. Sorry kung nakapantulog pa ako ah... buong araw kasi akong naglalaro ng computer." Sabi nya sabay tawa.

"Okay lang Bryan, don't bother. Di rin naman ako magtatagal... may mahalaga lang akong sasabihin sa'yo."

Umupo sya sa kabilang sofa at pareho kaming magkaharap ngayon.

"Sure. Ano ang mahalaga mong sasabihin? I'll listen."

Huminga ako ng malalim.

"Aalis nako sa makalawa. Doon nako titira sa Cebu kasama ang kuya ko..." sabi ko.

Napakunot ang kanyang noo.

"Huh? Bakit naman kayo titira sa Cebu ng kuya mo ng kayo lang?"

"H-hindi... hindi si kuya Justin ang tinutukoy ko."

"Eh sino? Si Jacob?"

Napatawa ako.

"Naaalala mo pa ba si architect Gio? Yung bagong architect ng school?" Sabi ko.

Tumango sya.

"Kuya ko sya Bryan... he's my legitimate brother. Kami ang tunay na magkadugo."

Napakunot ulit ang kanyang noo dahil sa pagtataka, na inaasahan ko namang mangyayari. Alam kong mahirap talaga intindihin ang nangyayari sa buhay ko. But since he's my best friend, ipapaliwanag ko sa kanya ng mabuti paras mas maintindihan nya.

"So ibig mong sabihin... hindi mo ka anu-ano yung family na kinikilala mo ngayon? Hindi ka isang tunay na Pangilinan?"

Tumango ako.

"Paano nangyari yun?" Tanong nya.

At kinwento ko sa kanya ang tungkol sa pagkatao ko... simula sa hindi magkaanak ang kinikilala kong mama dahil may problema ito sa matres... na pinakausapan nya ang kanyang high school friend, ang tunay kong mama, na aampunin nila ako kapalit ng 50M pesos... na napapayag ang mga totoo kong magulang dahil baon sila sa utang. Sinabi ko rin na sa loob ng 9 years ay maayos naman akong pinalaki ng mga kinikilala kong magulang. Hanggang sa sunod akong napunta sa poder ni papa Victor pagkatapos ng incidenteng iyon na buong Pilipinas ang nakakaalam...

Kuya (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon