Introduction

37.3K 739 10
                                    

Note: This is a boyxboy story. If you don't like this kind of story, you are free to remove this from your library.

"Mommy!!! Daddy!!!" Isang nakakabinging iyak ng bata ang bumasag sa katahimikan ng isang liblib na kagubatan.

Nasa loob ang bata ng kotse ng oras na iyon. Basag lahat ng salamin at sira ang harapan ng kotse dahil sa lakas ng pagkakabangga neto sa puno.

Ang magkabilang gilid ng highway na dinaanan nila bago ang trahedya ay parehong kagubatan. Bagong gawa lang rin ang daanan kaya hindi pa madami ang dumadaang mga sasakyan.

Mahigit dalawang oras ang lumipas ay dumating na sa wakas ang ambulansya at agad na isinugod ang bata sa ospital. Ang mga bangkay naman ng kanyang mga magulang ay idinala sa morgue.

Nakatulog ang bata dahil sa pagod sa patuloy na pag iyak kanina dahil na rin sa pagkamatay ng kanyang mga magulang.

"Tito Victor? W-where are we? Where's mom and dad?" Sunod sunod na tanong ni Andrei sa kanyang tito kahit basag na basag na ang kanyang boses.

"Nandito ka sa ospital anak, just go back to sleep so that you can take a rest." Malambing na utos ng tito ni Andrei.

Kahit anong pilit ni Victor ay hindi niya maitatago ang lungkot na nararamdaman sa sitwasyon ng kanyang pamangkin.

Namatayan rin siya ng kapatid at hipag, ngayon naman ay responsibilidad niyang alagaan ang naiwan nitong unico hijo.

"No! I wanna see mommy and daddy. They promised that we will go to the mall today! Please tito... call my mum and dad!!" Pagpupumilit ng bata.

Nagsisimula nang bumuo ang luha sa inosenteng mga mata ni Andrei.

"I'm sorry Andrei... but your mom and dad are now in heaven, together with God." Malungkot na sabi ni Victor sa kanyang pamangkin.

"No! You're lying!" Sigaw ni Andrei.

Umiyak nang umiyak si Andrei hanggang sa hindi na rin napigilan ni Victor na maluha dahil sa lungkot at awa na nararamdaman niya para sa bata.

Niyakap niya ang bata at marahan niyang minasahe ang likod neto para kumalma.

"Hush now son, tito is here. I'll take care of you and you'll be staying in tito's house forever... Besides, may bago ka nang mga kuya. Diba only child ka? Now, you will have new playmates. Hush now Andrei, tito loves you so much. Please don't cry." Malungkot na sabi ni Victor habang tumutulo ang kanyang mga luha.

Ilang minuto ang lumipas at tumahan na rin ang bata.

"Tito?"

"Yes son?"

"W-will you still accept me... even if I'm not your real son?" Inosenteng tanong ng bata.

Matalinong bata si Andrei. Sa murang edad ay alam niya ang nangyayari sa kanyang paligid. Kagaya ngayon, alam niya at tanggap na niya na wala na ang kanyang tunay na mga magulang.

"Of course, hijo. Starting today, you are now my real son. I may not be the best like your mom and dad, but I'll do everything to give you the best in life. Hush now my little angel. You should take a rest."

Gumaan ang pakiramdam ni Andrei pagkatapos niya marinig ang sinabi ng kanyang tito. Sa kabila ng labis na lungkot na nararamdaman ay nagawa niya pa ring ngumiti.

Little did he know, it was already the start of his new life.



THIS IS IT! THE COMEBACK YOU'VE BEEN WAITING FOR!

"KUYA" the revised edition is now on-going.
Thank you for the support! ❤️

Kuya (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon