Chapter 10

14.6K 433 24
                                    


Andrei


"Hanggang dito na lang po ako kuya Rencio." Wika ni kuya Luke.

Nagpaalaman siya sa amin kanina na uuwi siya sa bahay nila para bisitahin ang mama niya since walang pasok bukas.

Binuksan ni kuya Luke ang car door at bumaba mula sa kotse.

"Salamat po sa pag hatid. Mauna na po ako sa inyo mga sir... sir Andrei. Magandang gabi po sa inyo, ingat kayo sa byahe."

"Sige po kuya Luke. Mag-iingat din po kayo."

Ngiti ang itinugon niya sa akin pagkatapos ay marahan niyang sinara ang pinto.

Hindi nagtagal ay nagpatuloy na kami sa byahe. Tahimik lang kaming lahat. Pagkatapos ng kalahating oras na byahe ay nakauwi na kami sa wakas.

Pagpasok ko ng bahay ay agad ako na umakyat patungo sa kwarto ko.

Malapit na sana ako nang marinig ko ang boses ni kuya Justin na tinatawag ang pangalan ko.

"Andrei! Hey, Andrei!"

I rolled my eyes and turned around with an uninterested look in my eyes.

"Alam ko. Pagagalitan mo na naman ako for being a slowpoke. As if you don't do it often to me." I sarcastically said.

"Yes. I'm glad you admit that you're a slowpoke."

I smirked and rolled my eyes again.

"Tapos ka na? Kasi magbibihis na ako." Masungit kong sabi.

"You little—"

"Sige ituloy mo, kuya . You want to push it further? Gusto mo na pala akong saktan ng pisikalan? Go ahead."

He was about to punch me in the face in that moment but I luckily managed to stop him.

Seryoso niya akong tiningnan sa mga mata.

"Hey hey hey what's happening here?" Narinig ko ang boses ni kuya Jacob na nasa likod lang ni kuya Justin.

Neither of us minded him.

"Andrei, I just want to tell you that you shouldn't be too close with that guy. God! He's your personal assistant. Hindi mo ba napapansin? Pinagtatawanan ka ng mga kaklase ko dahil kinakaibigan mo ang alalay mo. Secondhand embarassment is severe kung alam mo lang!"

Bahagya akong lumapit sa kanya at seryoso ko din siyang tiningnan sa mga mata.

"Wala akong paki kung pagtawanan pa ako ng buong university. At least parang tunay na kapatid ang turing sa akin ni kuya Luke... isang bagay na hindi mo magawa para sa akin."

Pagkatapos ng paghaharap namin ni kuya Justin ay iniwan ko siya at padabog na sinara ang pinto ng aking kwarto pagpasok ko.

Umupo ako sa aking kama at doon na ibinuhos ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan umagos.


Justin


Kuya (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon