Chapter 19

9.9K 316 15
                                    


Justin


Kay bilis talaga ng takbo ng panahon... lumipas ang mga araw at linggo. Akalain mo, tatlong araw na lang ay pasko na... tapos isang linggo na lang ay bagong taon na.

Nandito kaming tatlo sa bahay ng tita namin, kapatid ni mom. Kinuha nya kami kasi hindi makakauwi si dad ngayon sa Pinas, kaya pinapunta kami ni tita dito para dito na daw kami mag celebrate ng pasko at bagong taon. Si Luke naman ay umuwi sa kanila. Tuwang tuwa nga sya dahil binigyan sya ng bonus ni dad pero syempre ang kalahati nun ay mapupunta sa pambili ng gamot ng mama niya.

Pero tila nawala yung excitement ko sa holiday break dahil nalulungkot ako sa sitwasyon namin ni Andrei.

Ilang linggo na kaming hindi nag-uusap at hindi na rin nya ako pinapansin simula nung araw na yun. Pinagsisihan ko yun, inaamin ko. Alam kong nagulat at naguluhan si Andrei sa binalak ko nung araw na yun. Ang mas nakakalungkot pa ay tila naging introvert si Andrei... hindi kasi sya malapit sa mga anak ni tita Loraine at tila wala ring plano makipaglapit ang mga pinsan ko sa kanya. Naaawa na nga ako sa kanya eh. Sa tuwing nagkakasiyahan kami sa labas ay sya palagi ang naiiwan sa loob ng bahay. Kapag galing ako sa labas pagkatapos maglaro ng basketball kasama ang mga pinsan ko ay makikita ko si Andrei na nakaupo lang sa terrace habang pinapanood ang mga ibon sa kalangitan... at minsan naman ay nakikita ko siyang nag s-sketch sa sala mag-isa.

Nakakapang hinayang lang rin isipin na ni minsan hindi tinanong ni tita o ng mga pinsan ko kung okay lang ba si Andrei o kung may problema ba ito. Tila lahat ng tao dito sa bahay ay walang paki sa kanya, maliban sa amin ni Jacob syempre. Nahuhuli ko rin minsan na kinakausap sya ni Jacob pero tahimik pa rin siya. Puro tango at ngiti lang ang tinutugon nya.

Subukan ko kayang kausapin sya? Pero kaya ko ba? Ma pride akong tao eh. Kahit alam kong ako ang may kasalanan sa isang tao iiwas pa rin ako sa kanya dahil ayoko masaktan yung alter ego ko.

Naglakad ako patungong kusina para uminom ng tubig dahil nauuhaw ako. Tumigil ako at nagtago sa gilid nang marinig ko ang boses ng dalawa kong pinsan na naguusap. May divider na gawa sa kahoy ang sala at kusina kaya hindi nila ako makikita na palihim na nakikinig sa kanila. Yung daddy nga pala ng mga pinsan ko ay isang mechanical engineer sa barko, kaya wala sya dito. Apat ang mga anak ni tita. Dalawang lalaki at dalawang babae. Babae yung panganay... kasing edad ko, lalaki yung pangalawa... kasing edad ni Jacob, lalaki din yung pangatlo... isang taon na mas bata kay Jacob, at babae naman yung bunso... 12 years old. Yung mga boses na naririnig ko ay boses nina Keifer at Erica, yung pangatlo at yung bunso.

"Yeah... that Andrei guy is really weird. I wonder why mom invited him to our house. He's not even our real cousin." Sabi ni Erica.

"Oo nga... I bet he's a nerd. Wala siguro syang kaibigan sa school." Sabi ni Keifer at nagtawanan silang dalawa.

Aba... ambabata pa nitong mga pinsan ko pero ang gagaling mang husga ng tao. Hindi nila alam na nasasaktan ako sa mga pinagsasabi nila kay Andrei dahil hindi iyon totoo. Hindi weird at nerd si Andrei. He's charming, bright, and enthusiastic. Kahit hindi nila pinsan at kadugo yung kapatid ko, wala pa rin silang karapatan na iparamdam sa kanya na hindi sya belong dito. Hindi yun tama.

Bumuntong hininga ako at naglakad patungo sa kusina. "Oh hey, Keifer... Erica... kanina pa ba kayo diyan?" Pakunwari kong tanong.

"Ah... kararating lang po namin dito... galing po kasi kami sa labas naglalaro ng... badminton. Nagpapahinga lang po kami saglit." " Si Keifer ang sumagot.

Kuya (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon