Chapter 15

11.7K 341 4
                                    


Andrei

"What were you boys thinking? Dinudumihan niyo ang image ng university! We value discipline and friendship in here yet you two were fighting each other! Sino ang nagpasimula ng away?" Sermon ng guidance operator.

"Si Jonas po Miss Dublin. Naabutan ko sa banyo si Bryan na nakahilatay sa sahig at si Jonas lang ang tao na nandoon. Pinagsusuntok ko siya kasi kaibigan ko si Bryan. Pinaghiganti ko lang yung kaibigan ko." Sambit ko.

"Is it true Jonas? Answer my question with yes or no only."

Kaunting katahimikan...

"Yes... Totoo po."

Nakahinga ako ng maluwag nang aminin ni Jonas na siya ang puno't dulo ng gulong nangyari kanina. Dapat lang talaga na umamin siya kasi hindi makatarungan yung ginawa niya.

Nag-aalala na din ako ngayon sa lagay ni Bryan. Sana okay lang siya.

"Okay. This will be your first and last warning. Kapag nangyari ito ulit, I'm sorry. You'll be dropped out from the university whether you like it or not. You may now go back to your classroom."

Pagkatapos ng counseling ay lumabas na ako ng guidance office. Inunahan ko si Jonas dahil ayokong makita ang pagmumukha niya.

Ang plano ko ngayon ay puntahan si Bryan sa clinic para tingnan ang kanyang lagay.

Habang naglalakad patungo sa clinic ay napansin ko madami-dami ang mga estudyante sa hallway. Tumingin ako sa relo ko. Recess time na pala.

Habang naglalakad ay bigla kong nakasalubong si kuya Jacob kasama ang apat niyang kaibigan.

"Andrei? What the hell happened to your face?!" Nag-aalala niyang sabi.

"W-wala 'to kuya... I have to go." Patay malisya kong sagot.

Maglakakad na sana ako palayo nang hawakan niya ako sa braso at hinila ako pabalik sa kinatatayuan ko kanina.

"I said... what happened to your face?" Seryoso niyang tanong.

I sobbed.

"May nakaaway lang ako na kaklase. Pero okay na ang lahat. May warning na kami mula sa guidance office kaya hindi na mauulit pa ang gulo." Sagot ko.

"Ano ang pangalan ng kaklase mo? Gusto ko siyang makausap."

"Kuya huwag na. Kalimutan na lang natin iyon, okay? Ayoko na ng gulo. If you'll excuse me, may importante pa akong pupuntahan."

"Fine. Kung ayaw mo akong makipagusap sa gumuwa sa'yo nito, si kuya na lang ang tatawagan ko."

"No! Kuya please 'wag mo sabihin kay kuya Justin! Baka magwala pa 'yun dito. Kuya please—" Sambit ko.

"Sorry boys. Kayo na lang muna pumunta ng canteen. Family business lang." Sabi niya sa kanyang mga kaibigan.

Kinaladkad ako ni kuya hanggang sa dulo ng hallway. Maya maya ay dinukot niya ang cellphone niya mula sa kanyang bulsa at nag dial ng numero.

"Oh, Jacob, napatawag ka?" Boses ni kuya Justin ang narinig ko.

"You busy?"

Kuya (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon