Chapter 2

22.2K 625 57
                                    

Warning: This chapter contains scenes that are not suitable for readers below 13 years old. Read at your own risk.

Andrei

Tumunog na ang bell, hudyat na uwian na namin. Nandito na rin kaming tatlo sa parking lot.

"Mauna na muna kayo, sasama lang ako sa classmates ko para bumili ng materials for our project. Doon na rin siguro kami kakain ng dinner. Jacob, alagaan mo ang bunso." Sabi ni kuya Justin.

"Uhm, kuya?" Tanong ko.

"Bakit, bunso?"

"Papabili sana ako sayo ng construction papers. Kung okay lang." Sabi ko

"Sure, ikaw talaga bunso. Construction papers lang nahihiya ka pa magpabili sa akin?" Pabiro niyang tugon.

"Eh kasi, baka maabala ko pa kayo ng classmates mo kakahanap nun. Akala ko rin 'di ka papayag."

"Okay lang sa akin, ano ka ba. Sige na uwi na kayo. Manong pakihatid na lang po sa mga kapatid ko."

"Masusunod sir."

"Hoy Jacob, ikaw ang kuya sa bahay, alam mo na ang gagawin." Utos ni kuya Justin kay kuya Jacob.

"No worries, bro."

Hindi nagtagal ay sumakay na kami sa kotse. Nakatingin lang si kuya Justin sa amin sa labas. Sinisigurado niya ata na mauna kaming mauwi bago siya dumiretso sa mall.

By the way, ewan ko ba kung bakit magkatabi kami ni kuya Jacob habang bakante naman ang front seat.

Baka ayaw niya rin dun? Ako, ayaw na ayaw ko talaga ako dun. Na trauma na kasi ako sa aksidente na nangyari sa akin noong bata ako. Kaya natatakot na akong sumakay sa front seat. I have a phobia of it.

Nagulat ako sa ginawa ni kuya. Pinwesto niya ang kanyang palad sa hita ko. What the heck?

Agad kong itinakwil ang kamay niya.

"What's your problem?" Tanong ko.

He just smirked. Tsk! Sa sobrang manyak dinamay pa ako. Gago talaga 'to si kuya Jacob eh.

I already confessed to my brothers that I am not straight. Pero hind ko alam kung bakla ba ako o silahis. Ewan.

Thankfully, hindi naman nagbago ang pakikitungo nila sa akin. They even promised to me na kapag may nambully sa akin ay babanggain daw nila.

Pero nagkagusto pa rin ako sa babae once kahit hindi ako straight. Ramdam ko talaga noon sa sarili ko na silahis ako kasi nagkagusto ako noon sa classmate ko. Pero nung iwan niya ako dahil sa States na daw sila titira ay sabay rin na nawala ang feelings ko para sa kanya.

Change topic, my brothers are famous in our university. Not just because they are handsome, but also because they are basketball varsities. Cool right? Kaya naman proud ako na naging kuya ko sila even though we're actually cousins, tinanggap pa rin nila ako bilang tunay kapatid.

Hindi alam ni papa Victor na hindi ako tunay na lalaki. Naghahanap pa lang ako ng lakas ng loob kung paano at kailan ko sasabihin sa kanya.

Pagkatapos ng kalahating oras na biyahe ay nakauwi na kami.

Nagbihis na ako at paglabas ko ay nakita ko si yaya Rose na papunta sa kwarto ni kuya Jacob. Mukhang may i-uutos si kuya. Bumaba na ako papunta sa kitchen para uminom ng tubig. Kanina pa kasi ako inuuhaw.

Kuya (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon