Chapter 14

12.2K 341 10
                                    


Justin


Kinabukasan.

Sobrang sakit ng ulo pagkagising ko pa lang. Bwesit na hangover 'to.

Tumingin ako sa aking alarm clock. Mag a-alas dose na pala ng tanghali. Sa sobrang kalasingan ay hindi ko na matandaan kung anong oras ako nakatulog kagabi.

Pagbangon ko mula sa kama ay napadaing ako dahil sa sakit ng aking ulo. Bumuntong hininga ako sabay pikit pagkatapos ay dumiretso ako sa banyo para manghilamos. Pagkatapos ay bumaba na ako para kumain dahil nagugutom na ako.

Nanonood si Andrei ng TV nang mapadaan ako sa sala.

"Buti gising ka na kuya. Kung alam mo lang kung gaano ka kalasing kagabi. Naku ewan, ako ang mas nahihiya sa'yo sa mga kaibigan mo." Pabirong sabi ni Andrei.

"Talaga bunso? Ano ba ang nangyari sa akin kagabi?" Tanong ko.

Lumapit ako sa kanya at tumabi sa sofa.

Kinwento ni Andrei lahat ng kagaguhan na ginawa ko kagabi dahil sa sobrang kalasingan. Nakaramdam nga ako ng hiya nung kinwento na niya yung parte na hinahanap ko siya, na ayaw ko sumama sa mga kaibigan ko unless si Andrei na ang magdadala sa akin.

"Kuya?"

"Hmm?"

"Bakit hinahanap hanap mo ako kagabi? Alam mo naman na hindi kita kayang buhatin. Ang layo nga ng katawan ko sa katawan mo."

Bahagya akong napatawa.

"Ewan ko din bunso. Pero sabi nila, mas makatotohanan yung mga sinasabi ng lasing na tao. Sa tingin ko ikaw ang hinahanap ko kagabi kasi malaki ang tiwala ko sa'yo. Pantay yung pagmamahal ko sa inyo ni Jacob dahil pareho ko kayong mga kapatid. Pero iba ka. Ramdam ko din na malaki ang tiwala mo sa akin kahit madalas kitang iniinis. Yeah. Parang ganun na nga." Paliwanag ko.

Hindi ko inaasahan ang ginawa ni Andrei. Bigla niya akong niyakap. Napangiti ako at ang ginawa ko ay sinagot ko ang kanyang yakap.

"I knew you'd be a great big brother. And you proved it to me two years ago. Noong nagkasakit ako. I was scared because I don't want to skip school. Then you stayed to take care of me. Thank you so much kuya Justin. I really felt your warm welcome for me as a part of your family."

Ayoko maging emosyonal pero sobra sobra na itong kasiyahan na nararandaman ko. Sobrang saya ko para kay Andrei.

"You're always welcome here, Andrei. Pangako. I'll never fail you. I'll be the best big brother to you. Maaasahan mo palagi si kuya." Bulong ko mula sa likod niya.

Pagkalipas ng ilang sandali ay sabay na kaming kumalas sa aming yakapan.

Medyo awkward yung tinginan namin pero ramdam ko ang galak naming dalawa.

"You should probably eat." Sambit ni Andrei.

I chuckled.

"Yeah. Nagugutom na din ako."

Binigyan ako ni Andrei ng isang matamis na ngiti. Hindi nagtagal ay tumayo na ako at pumunta ng kusina para kumain.

Ang saya ko ngayon sobra.


Andrei


Days have passed.

Today is thursday at may long quiz kami sa English mamaya. Kaya ito ako ngayon, nag re-review during recess para makakuha ng malaking marka.

Kuya (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon