Chapter 11

13.9K 407 10
                                    


Andrei


Kinabukasan.

Nagising na ako ng alas 10 ng umaga dahil late ako natulog kagabi.

Nakatulog ako nun kakaiyak tapos nagising ako dahil sa gutom kaya bumangon ako para kumain. Syempre busog pa ako nun kaya nagpalipas na lang muna ako ng kalahating oras bago natulog ulit.

Pagkatapos kong manghilamos ay bumaba na ako para kumain ng breakfast. Pagkatapos kumain ng breakfast ay bumalik ako sa kwarto ko para humiga lang.

Habang nakatulala sa kisame ay biglang may kumatok sa pinto.

"Sir Andrei, gusto ka daw makausap ng papa mo sa telepono."

Agad akong bumangon para pagbuksan ng pinto si ate Nelly.

"Heto sir." Sabay abot ng telepono sa akin.

"Salamat po." Tugon ko.

"Walang anuman sir."

Sinara ko agad ang pinto pagkatapos lumisan ni ate Nelly para makausap ko ng pribado si papa.

"Hello, pa? Napatawag ka po?" Bati ko mula sa kabilang linya.

"Gusto ko lang kumustahin ang bunso ko. Kumusta ka na Andrei, anak?"

"Okay naman ako papa. Kayo po ba? Kumusta ka diyan sa States?"

"I'm doing fine, son. Thanks for asking..."

Napangiti ako nang malaman kong okay lang ang lagay ni papa. Syempre nasa 50's na siya kaya nag-aalala ako sa kanya.

"How about your PA son? Is he doing his job well?" Papa asked.

"Opo. Kuya Luke is very kind and helpful."

"Ang mga kuya mo? Hindi ba pasaway sa school?"

"Uhm... kuya Jacob's doing fine."

"Ang kuya Justin mo?"

Natahimik ako ng ilang sandali.

"Andrei? Is something wrong?"

Ngayon na siguro ang oras para tanungin ko si papa tungkol dito. Since kuya Justin was concern about me for being "too close" with my PA, maybe I should ask papa why there's a need for that.

"Wala naman, pa. May gusto lang po sana akong itanong sa'yo."

"You know you can always ask me anything anak."

"Bakit kailangan pa ako magkaroon ng PA, pa? Malaki naman na ako. Kaya ko na ang sarili ko. Kung hindi, nandyan naman sila kuya. They can protect me."

I heard him sigh.

"Anak, as much as you think you've grown enough. You're still a child. Gusto kong palagi kang ligtas sa lahat ng oras. I hired someone because I felt like your two brothers aren't enough. Luke can manage his time kasi wala naman siyang sinasalihan na extra curricular like your brothers. He can manage his time to watch over you."

Kuya (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon