Chapter 17

10.8K 319 4
                                    


Andrei


"Pasok na ako sa kwarto ko sir Andrei, tawagin nyo lang ho ako kung may kailangan kayo." Wika ni kuya Luke paglabas namin sa kwarto ko.

Nagpatulong kasi ako sa kanya kanina ayusin ang mga art materials ko tapos dinispose na rin niya ang mga hindi ko na ginagamit. Nakatambak na kasi ang mga ito sa kwarto ko kaya mas mabuti kung itapon na lang kesa magtambak doon dahil sa hindi ko na ito ginagamit.

"Sige po kuya Luke, maraming salamat ulit." Tugon ko.

Binigyan ako ni kuya Luke ng abiso pagkatapos ay tahimik siyang pumasok sa kanyang kwarto, habang ako naman ay bumaba at tumungo sa kusina para uminom ng isang basong tubig bago matulog.

Pagkadating ko sa kusina ay naabutan ko si kuya Justin na naka upo sa counter top. He is busy with his laptop with a cup of tea beside it.

"Kuya, gising ka pa pala." Bati ko.

"Andrei? Bakit gising ka pa? It's almost ten, you should be asleep by now." Tugon niya.

"Iinom lang ako ng tubig tapos aakyat na ako para matulog."

Hindi siya sumagot sa halip ay tumango lang siya ng dalawang beses.

Kumuha na ako ng baso at inipisan ito ng tubig at ininom. I heaved a deep breath after drinking to ease my lungs. Pagkatapos ay balak ko na sana bumalik sa taas nang magsalita si kuya.

"Andrei... by the way."

"Po?"

"The new architect is visiting the university tomorrow... I just wanted to inform you since I know you really want to be an architect too."

"Talaga? Bakit naman?"

"Magtatayo ang university ng panibagong campus. I also heard the architect's a top notcher on the board exam from Cebu, probably one of the reasons why they hired him."

"That's great to know. If I just had the chance, sana makilala at makausap ko si architect nang malapitan."

"You go for it, bunso. I know you'll be a great architect in the future too." He said and gave me a warm smile.

"Thank you kuya for believing in me. Well you know, second year high school pa lang ako pero passionate na talaga sa future career ko. And your words of motivation really keep me going. Thanks a lot."

"You're always welcome bunso. You know how supportive I am with you and your kuya Jacob."

Napangiti ako dahil sa kanyang sinabi.

Sandaling katahimikan ang naganap at pareho kami ni kuya na nakatitig lang sa isa't isa. Hindi ko na matiis ang awkward atmosphere kaya iniba ko ng direksyon ang aking tingin at binasag ko na rin ang katahimikan.

"I guess I'll go ahead... good night kuya." Wika ko.

Napatawa ng mahina si kuya. "Yeah... you really should. Good night bunso." Tugon niya.

Hindi ko na tiningnan si kuya bagkus ay naglakad na lang ako palayo at lumisan sa kusina.

Kinabukasan...

Katatapos lang ng morning assembly pero hindi pa rin inaanunsyo ng coordinator na bumalik na kami sa aming classroom.

"Good morning students! Please help me welcome our new architect, Mr. Giovanni C. Navidad. A round of applause please." Anunsyo ng school director na si Mr. Zamora sa mic.

Kuya (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon