BLOOM ONE

4 0 0
                                    

"ASAGAO! Wakey up na! We will be late on school!! Oniyuri! Sumire! Kerisacki!"

Asar kong natakpan ang tenga ko ng unan. Kahit nasa labas lang si Suikazura, he's so loud and noisy! It's irritating me!

"ASAGAO!!!" naiinis kong nadampot ang alarm clock tyaka malakas na ibinato sa may pintuan. "Eh?... Why so galit na?"

Gusot ang mukha na napabangon mula sa kama ko. Ang ayoko sa lahat ay ginugulo ang pagtulog ko. I still have a headache because of damn thesis that we were working last night.

Tinatamad akong tinungo ang banyo ng silid ko tyaka tumapat sa malamig na tubig na ibinuga ng shower. Hinayaan na mabasa ang mga suot kong damit.

Kamito Asagao is my name. I was an orphan and raised by samurai sensei. Hindi ko alam kung ano ang background ni Tanda. Basta ang palagi niyang ikinukwento sa amin noon nang ampunin niya kaming lima, isa nga daw siyang kilalang samurai noong lumang era sa Japan, noong panahon na bata pa siya.

Ang pangalan ni Tanda ang tanging alam ko. Nang hanapin namin sa internet ang mga Asagao? Walang info na lumalabas o kahit na family na may kaugnayan kay Tanda. Kaya until now palaisipan pa rin sa akin kung sino si Tanda bukod sa pagiging samurai sensei niya.

Siya rin ang bumuo ng grupong kinabibilangan ko ngayon. Isa na roon ang lalaking nag-iingay kanina lang.

Si Samuel Suikazura, ang pinakabata sa grupo. Childish sa edad na disiotso. He loves sweet and being a maingay. Ang paborito niyang gawain ay ang guluhin ang umaga namin at tahimik naming buhay. He's good in dancing and to play a guitar. May isa pa siyang pag-uugali na hindi naaalis, ang pagiging torpe sa babaeng nagugustuhan. Hindi mo iyan mapapaamin na gusto niya ang isang babae.

Ang opposite niya ay si Mathew Oniyuri, the cassanova genius. Ang horny sa grupo, palaging may kasamang babae. Mahilig sa larong landian lang walang seryosuhan. He can play a drum just like his flings. And a beatboxer na kasing ingay niya kapag may pinapaligayang babae.

Daniel Kerisacki. Ang lalaking pinagkaitan yata ng saya sa buong katawan. Seryoso at blangko ang ekpresyon. Isang writer at theater actor ng MU na mas nakadagdag sa pagiging seryoso ng personalities ni Kerisacki. Sa piano siya magaling at sa paggawa ng kanta.

Lastly, ang tahimik at palaging puyat na lalaki. Kuroba Sumire. Animelover, computer geek, the hacker at online gamer. Tahimik na minsan ay napagkakamalan na masungit. Sa violin siya mahusay sa pagtugtog.

Ang pagkakapareho naming lima ay ang asul na kulay at singkit na mga mata. Kapareho rin ng mga matang taglay ni Sensei Karim Tanjiro. Kaya hindi nagiging issue sa amin ang pagiging ampon ng matandang samurai. Bukod sa mabait ang sensei ay napagkakamalan talaga kaming magkakadugo dahil sa mga asul na mga mata.

"Sumire! May gel ka ba?" ang tumatakbong si Suikazura ang nabungaran ng pagbukas ko ng pintuan ng aking silid.

"Ang ingay mo, Dude!" ang inaantok pang si Oniyuri ang nalingunan ko. Kakalabas lang rin niya sa pintuan ng kanyang silid.

"Danny boy?! Penge gel? Ayaw akong pagbuksan ng pintuan ni Sumire!" nakabusangot na wika ni Suikazura sa naghihintay na si Kerisacki.

Inayos ko na ang pagkakasakbit ng backpack ko. Ang inaantok na mukha ni Sumire ang iniluwa ng pintuan ng kanyang silid. Bitbit ang bag ng laptop, nilagpasan niya kami. Walang emosyon na naglalakad na pababa ng hagdanan.

Napapailing na lang akong sumunod sa kanya. Sinakyan ang nakaparadang motor ko. Sumunod na sumibad paalis ng dorm.

Lumikha pa ng makapal na alikabok ang ginawa kong pagdrift sa parking area ng Mcneil University. Napangisi nang mapagawi ang paningin ko sa karatulang nakasabit sa tapat ko. No parking, please.

SAKURA (Psycho Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon