BLOOM TWENTY ONE

1 0 0
                                    

Daniel PoV.
Nakasimangot na nilagok ang laman ng hawak kong baso tyaka nagsalin ulit ng panibago.

Simula nang isama kami ni Asagao na manirahan sa mansyon ng mga Mcneil. Madalang lang akong lumabas sa ibinigay nilang silid ko. Lalo na't wala na kaming klase dahil nagsimula na kahapon ang holiday break namin.

Dahil badtrip ako, ang bote ng alak na nabili ko sa convenient store ang deretso ko na itinungga.

Hindi naman ako magtatagal dito, nakiusap lang sa akin si Sakura na mag-stay muna sa mansyon kahit one week lang. But, Damn! Its freaking hell on me!! Past is still hunting me! The pain still on my chest and breaking me into a pieces.

Napasigok ako. Pinigilan na wag mapaiyak. Tama na ang minsan na umiyak ka nang dahil sa kanya, Kerisacki. Tama na ang minsan mong sinira ang buhay mo nang dahil sa walang puso na Himoro na iyon! Tama na ang minsan, wag mo nang hayaan na saktan ka pa niya!

I despise her!

Kapag isasara ko ang mga mata ko, bumabalik sa akin ang masasakit na alaala ng nakaraan. Na katulad ng mga nangyayari sa akin gabi-gabi sa ilang taon ng pagiging playboy ko. A tear escape on my eyes when past came back on me.

I choose to wear a get-up being nerd. Malayo sa mga get-up ng mga kasama kong pa-cool ang mga damit.

Dahil nga sa lumaki at binawi ako ng parents ko sa ampunan kung saan ako iniwan ng yaya ko. Ninakaw niya kasi ako sa hospital kung saan nanganak at nagtatrabaho noon si Mama as a nurse aid. Ayon sa kwento ng yaya ko, inalagaan muna niya ako ng dalawang taon before she decided to left me on the orphanage.

Natakot siya bigla sa mukhang taglay ko habang lumalaki ako, nakikita niya raw ang wangis ng Papa ko. Na ayon rin sa mga naging research ko about Kerisacki Clan and her stories, isang mabagsik at walang puso ang Kerisacki na naging ama ko. Isa rin ang mga Kerisacki sa mga angkan na bumuo ng Katana at ng buong K-City. Gaya ng angkan ng mga Asagao, Sumire, Nagato, Keriba, Suikazura at Oniyuri. Na according to the history of Katana na nabasa ko rin sa mga history archive ng library ng lolo ko, ang tawag sa pitong angkan na iyan noong samurai era, ang pitong talulot ng puting lotus.

Subalit sa tagal ng panahon na lumipas, naghiwalay ang mga talulot. Tinahak ang mga magkakaibang daan na minimithi sa kanilang buhay. Hinila at pinitas ang kanilang talulot mula sa bulalak ng lotus nang dumapong hangin ng pag-ibig. Tanging ang nag-iisang nagyelong talulot ng lotus ang naiwan sa Katana, ang angkan ng mga Himoro.

Kaya heto kami ngayon napalayo nang lubusan sa mundo ng Katana. Malayang gumagalaw. Walang batas na sinusunod. At hindi namin nararanasan ang fixed marriage na nagaganap sa Katana.

Napahinto ako sa paglalakad sa gitna mismo ng hallway nang matanaw ang isang grupo ng cheerleading squad. Natuon pa ang paningin ko sa babaeng ngumunguya ng chewing gum. May ngisi sa labing sinasagot ang sinasabi ng kanyang katabi.

Pakiramdam ko, huminto bigla ang mundo ko sa pagtatama ng paningin naming dalawa. Kumabog ng malakas tyaka hihinto at kakabog ulit ang dibdib ko.

Naka-bunny tail style ang pagkakapusod ng kanyang buhok. Ang mapipilantik niyang pilikmata at bilugang mga mata na akala mo ay kaharap ko ngayon ang isang walking barbie doll. Nagyayabang rin ang tangos ng ilong ng babae. At ang labi niyang pouty ay tila ba kaysarap lasapin ng paulit-ulit.

Nakagat ko ang pang-ibabang labi. Wala akong interes sa babae, iyan ang napatunayan ko na noon pa man. Dahil bata pa lang ako ay ayoko na sa kanila. Pero nang makita ko ang babaeng ito? Sa kauna-unahang pagkakataon ay pinakabog niya ang dibdib ko. Napukaw niya ang interes ko!

SAKURA (Psycho Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon