BLOOM FIFTEEN

0 0 0
                                    

"Hi, handsome?"

Hindi ko pinansin ang pagtabi ng isang babaeng na kulang na lang ay maghubad sa aking harapan. May malagkit pa siyang tingin na ipinukol sa akin.

Sorry na lang siya. May Sakura na ako!

Inisang lagukan ko ang laman ng basong hawak ko. Pumihit paharap sa may dancefloor ng club na kinaroroonan ko.

[Nasa VIP room 181 na si Dr. Cheng. Kasama na niya si Hayashi. Plus his bodyguard, Knight of Crouching Tiger...] nandito si Knight?

Napangisi ako, si Knight ay mahusay sa pakikipaglaban. Mas malakas kumpara sa mga kasama niya sa crouching tiger.

Balita ko rin, nag-aral ang mga miyembro ng crouching tiger noon sa HU ng isang taon pero mas nangingibabaw si Knight sa grupo niya. Bukod sa malakas, may matalas na pag-iisip, isa rin si Knight sa mga naging top students at assassin ng HU noong panahon nila.

Napabuga ako ng hangin. Ang crouching tiger ang isa sa mga grupo ng mga assassin na tumalikdan sa sinumpaang tungkulin sa Katana. Mas ninais o nagpasakop sa kapangyarihan at pera.

Nangunot ang noo ko nang mapansin si Gabriel na may kaakbay na babae sa balcony ng bar. Nakatanaw siya sa direksyon ko bago siniil ang labi ng babaeng kasama. Napapailing na lang ako sa ginawa niya. Wala na ba talagang pag-asa na magkaayos silang dalawa ni Lara?

Nag-iwas na lang ako ng tingin. Wala rin naman akong magagawa o maitutulong sa problema nilang dalawa. Baka makagulo rin ako once na nakisawsaw pa ako sa hiwalayan nila.

Natanaw ko naman sa may dancefloor si Narcicuss. Nakayakap sa leeg niya ang isang babae. Nasa likuran nito ang kamay ni Narcicuss na base sa pagliyad at hindi mapakaling pagkakatayo ng babae...may ginagawa ang matinik na kamay ni Narcicuss sa loob ng skirt ng kasayaw niyang babae.

Napapailing na lang ako sa nangyayari. "That's new on you, Asagao. Manok na ang lumalapit sa palay, bakit hindi mo inasikasong pakainin? HEY! HANDSOME? One martini please...

"Hey! Im not a chicken, girl?" reklamo ng babaeng nasa gilid ko.

Napalingon ako sa taong naupo sa katabing high stool chair. Ang mukha ng palangiting si Willow ang nalingunan ko.

"But you look like one? Thanks!" anong ginagawa niya dito?

Kasama niya ba ang dalawang lalaki? Nagugulat kong sinulyapan ang direksyon nila Gabriel at Narcicuss. Natanaw ko rin sa may lodge area sina Primrose, Magnolia at Hinageshi.

"One? Find Dr. Cheng, he's holding the formula of Infinite Invega. Kailangan niyong mabawi iyon!" Dr. Cheng?

[Asagao! May problema tayo!]  narinig kong wika ni Kerisacki sa kabilang linya. [Nagkakagulo sila sa loob. Mukhang nagwawala si Sumire!] natawa pa siya sa huling sinabi niya.

Si Sumire? Bakit naman nagwawala ang isang iyon?

May pagtatanong sa mukha kong nilingon ulit si Willow. May ngisi sa labing nakatingala siya sa isang glass wall ng silid na tanaw ang dancefloor ng club. Ang silid na pinasok nila Oniyuri at Sumire?

"They are having fun now," she said.

Napatayo ako ng mabasag ang salamin ng silid at tumilapon si Azalea palabas. Sumadsad ang nakaluhod niyang kanang paa sa semento ng dancefloor na biglaang nahawi ang mga taong nagsasayaw.

[Nakalabas na si Cheng, Asagao!]  saad ni Oniyuri sa linya ng Black Cards.

[Ako na ang hahabo-Wait? Baby ko? Anong ginagawa mo dito?/ Just drive and follow that car!] si Hinageshi?

SAKURA (Psycho Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon