BLOOM TWENTY NINE

2 0 0
                                    

Kamito PoV.
"Ace...

Napangiti ako nang marinig ko ang naiinip na boses ni Sakura. Nakatanaw pa siya sa ginagawa kong cookies. Tyaka muling babalik ang paningin niya sa ginagawa ko, ang pagsasaayos nang hindi maayos na design ng icing ng cake niya.

Isang doraemon na kulay pink ang ginagawa niya, at may pulang ribbon pa sa ulo nito.

Mahusay sa baking si Sakura kaya lang medyo hindi siya mahusay sa paglalagay ng mga icing sa cake, sa decoration. Magulo, at makalat.

Kung walang gabay ko, hindi magmumukhang doraemon ang ginagawa ni Sakura. Marahil ang Mama niya ang gumagawa ng design ng mga cake and cookies na ibinibigay niya sa akin. Na ngayon ay pinagsisihan kong hindi ko man lang tinanggap at kinain. Hindi ko man lang na appreciate ang efforts niya noon. Patunay ang nakikita ko ngayon sa kanya na pinaghirapan niya talaga ang mga ibinigay niyang mga cake at cookies sa akin.

"Hindi pa ba kayo tapos?" ang nakangiting Mama ni Sakura ang naupo sa mataas na bakal na upuan sa harapan ng island table. "Woh? My baby Saki is improving now. Nice design, baby!"

"Ace. Turo." proud na proud niyang wika. Nginitian niya pa ako.

"Oh? Really?" natutuwa akong nilingon ni Tita and mouthed 'thank you'. Nakangiti ko lang siyang tinanguan, nilingon ko ang oven nang tumunog ito.

"Tara, Saki. Bibihisan na kita. May surprise sayo si Kami. Wanna have some refreshment?"

Nangislap ang mata ni Sakura sa sinabi ni Tita Akagie. Napaatras pa ako ng mapunta si Sakura sa harapan ko.

"True? Ace. Surprise. Saki?" hindi  pa rin makapaniwalang tanong niya sa akin. Wala ba siyang tiwala sa salita ng Mama niya?

Iniyakap ko ang dalawang braso sa bewang niya. Sinigurado na hindi siya mapapadikit sa mainit na oven.

"Yup. So...

Hinawi ko ang hibla ng buhok niyang kumawala sa pagkakatali ng buhok niya, na ako rin ang gumawa. "Magpaligo ka na kay Mama para masimulan na natin. And don't be so hurry, I can wait you until you're ready."

Hinalikan ko ang labi ni Sakura bago siya pinakawalan.

"Wife? Nakakainggit sila noh?" sinulyapan ko ang nangingiti na si Tito Shiro. Niyakap niya pa ang leeg ni Tita Akagie mula sa likuran niya.

"Manahimik ka nga, Chitshiro! Samahan mo na lang si Asagao na i-set-up ang mga gagamitin sa surprise niya for Sakura. Halika na, baby Saki. You need to change your dress. You're a pretty mess."

Gaya ng utos ni Tita Akagie. Tinulungan ako ni Tito Shiro na i-set-up ang mga maliliit na christmas light paikot sa kanilang garden area.

May mga nagkalat ring kulay pink na candle light sa buong paligid ng garden. Tumutulong sa mga kumukutitap na christmas light na pailawan ang kabuoan ng lugar.

Nakalatag sa gitnang bahagi ng garden area ang isang pink ring makapal na tela na disenyong tigre. Ipinatahi pa ito ni Tita Akagie para sa gabing ito.

Nasa gitna naman ng makapal na tela ang isang ankle-level na lamesa. Nasa magkabilaang gilid nito ang kulay pink na mabalahibong couple pillow.

Napapangiti na isinasaboy ko sa paikot ng tela ang red rose petals, sinabuyan ko rin ng ilan ang loob ng tela.

"Nakakamiss ang gumawa ng surprises." nakangising nilapitan ako ni Tito Shiro.

Tiningala niya pa ang bilog na buwan na nakatulong sa ambiance ng garden, naging mas romantic. "Magbihis ka na rin baka tapos nang bihisan ni Akagie si Sakura. I'm sure, magtatalon na naman sa tuwa ang batang bulaklak na iyon kapag nakita niya ang surprise mo, Asagao. And thank you for making her happy tonight."

SAKURA (Psycho Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon