BLOOM FOURTY TWO

1 0 0
                                    

Asagao PoV.
Walang kaemo-emosyon kong tinanaw ang nasirang paaralan ng MU. Ilang oras na kaming nakatambay sa tapat ng nasira,  natutumba at kinakalawang na gate ng paaralan. Nag-iingay ito kapag nahahampas nang malakas na hangin.

I still don't understand myself. Why I always came back here?

Yes, nag-aral ako sa MU since elementary and senior highschool. But the fact here is... I always felt this, there is something that I forgot while studying in MU. May nakalimutan ba ako sa nakaraan ko, important memories?

Malinaw naman ang ilan sa mga memories ko kasama sina Lolo Karim, Lolo Hinata at ang Papa ko. Even my friends at ang mga Himoro, na kailanman ay hindi ko naisip na makakasundo ko pala?

"Young Master?" Napabalik ako sa realidad mula sa paglalakbay sa mga alaala ko. "Ipagpaumanhin niyo po kung magtatanong ako sa inyo? Napapansin ko po kasi na ilang taon na po tayong pabalik-balik sa MU sa kabila ng limang taon na ang nakalipas simula ng naipasara ito?"

Hindi ko nilingon ang personal driver na kinuha ni Lolo Hinata para sa akin. Wala na kasing lakas ang isang braso ko, na until now, hindi ko maalala kung napaano ba? Kung bakit naparalisa at nabaldado. Kaya ang kaliwang braso't kamay ko na lamang ang palaging ginagamit ko sa mga gawaing gagawin ko.

Napahawak ako sa braso ko, kapag inaalala ko ang dahilan nito. Gusto kong maiyak, gusto kong magalit at sobra akong nasasaktan? Hindi ko rin alam kung bakit. O kung para saan ang matinding kalungkutan na palaging lumulukod sa sistema ko.

Ipinikit ko ang mga mata ko, napangiti ng mapait nang muli lumitaw sa balintanaw ko ang malabong imahe ng isang nakangiting babae. Dahilan ng ilang taon nang paninikip ng dibdib at nagpapahirap sa hininga ko.

Who is she? Bakit niya ako ginaganito? Bakit niya ako pinahihirapan ng sobra? Bakit miss na miss ko na siya, at gusto kong makita ang mukha niya?

Malinaw nasa akin na hindi si Lara ang babae. Dahil lahat ng mga memories ko na kasama si Lara ay sobrang malinaw. Mula sa pagkabata namin hanggang sa magkagusto ako at mabasted ni Lara. Lahat ng mga iyon... naaalala ko pa.

Hindi katulad ng malabong imahe ng babae, dinaig pa ang kadiliman ng gabi na wala ang liwanag ng buwan. Masyadong madilim kahit ang boses niya... hindi ko rin maalala, tanging ang matamis niyang ngiti ang malinaw sa alaala ko.

Muli kong sinilip sa nakabukas na bintana ng kotse ang magubat na university. Bakas sa paaralan ang bawat pinsala, mula sa mga tama ng mga de kalibreng baril, malakas na pasabog at kaguluhan na ayon sa mga nakalap kong information...bago nagsara ang university, isang clan war ang naganap sa pagitan ng isang grupo at mga Himoro. Nadamay sa kaguluhan ang university.

"Young Master, bakit po kayo umiiyak?" Ako? Umiiyak?
Wala sa sariling napahawak ako sa pisngi ko, basa nga ito! Umiiyak nga ako! Pero bakit?

"Hindi ko alam..." Napahikbi pa ako sa hindi ko malaman na kadahilanan. Pakiramdam ko may kulang sa akin. Pakiramdam ko may nawawala sa buong pagkatao ko. "Umalis na tayo."

"Young Master...

Marahan na itinaas ko ang tinted glass window ng kotse. Nakatulalang napatingin sa side mirror nito.

Patuloy pa rin ang pag-agos ng mga luha ko. Hawak ang sumisikip kong dibdib, napahawak ako sa sarahan ng bintana. Akmang iaangat na ito nang mapansin ko ang dalawang babae na nakatayo sa isang sulok ng gate ng university. Kailan pa sila nandiyan!? Bakit hindi ko sila napansin kanina pa?

"Saki!!"

"Stop the car!!" Wala sa sariling napasunod sa utos ko ang driver.

"Young Master!!"

SAKURA (Psycho Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon