BLOOM TWENTY THREE

0 0 0
                                    

Kamito PoV.
"MERRY CHRISTMAS!!!"

Napahinto ako sa pagpapaypay ng mga iniihaw kong tilapia. Nakangiting sinulyapan ang mga magpipinsan. Napatingala pa ako sa kalangitan na pinaiilawan ngayon ng mga makukulay na fireworks.

"Merry Christmas, My Ace." napababa ang paningin ko sa mukha ni Sakura. Inginuso ang labi ko para ipakitang gusto ko ng kiss.

Nakangiting pinaunlakan niya ako. "Merry Christmas...A happy christmas, gummy bear."

"Merry Christmas, Asagao!" bati sa akin ni Willow na kinuhanan ang iniihaw na barbeque ni Nagato. "Even you, Nagi," baling niya sa inaantok na si Nagato.

"Same." tipid lang na bati ni Nagato.

"Merry Christmas, Asagao!!" malakas na sigaw sa akin ng mga kaibigan kong nakayakap sa mga nobya nila. Maliban nga lang kay Kerisacki. Nakaupo lang sa isang sulok, nakatingala sa pinaiilawan na kalangitan. Bakas ang matinding kalungkutan sa mga mata niya.

"Merry Christmas, Kamito!" mas napangiti ako sa matandang lalaki na lumapit sa akin. Kumuha rin ng isang stick ng barbeque at inihaw na tilapia.

"Merry Christmas, too, Doc." napangiti siya sa sinabi ko. Naupo sa steel chair na ginagamit ko kanina lang.

"Dito muna ako, kwentuhan muna tayo, Kamito." nagpaalam sina Willow at Nagato na binitbit ang lagayan ng mga naihaw na.

Hinalikan ni Sakura ang pisngi ko bago nakangiting iniwan kami ni Papa. "May naalala akong tao sayo..

Napabalik ang paningin ko sa iniihaw na isda. "Hindi ako marunong sa kusina. Na to the point ay kinaiinisan niya." namimiss niya ba si Mama? "Mahilig rin siya sa inihaw na isda at karne. Mas trip pa nga niya ang may sunog na parteng naihaw"

Mama. "Girlfriends?" hula ko. Kahit aware na ako sa isasagot niya. First love niya si Mama. Kaya alam kong tanging si Mama lang ang minahal ni Papa.

"You're funny. I have only one. My first, and my last."

"Where is she?"

"Heaven. I hope she was there... She's an angel for me. She save me from falling apart from reality to fantasy?" nagugulat ko siyang nilingon. Falling apart from reality to fantasy? "Dahil sa matagal na pagkakakulong ko sa lab ng mga Hayashi. I almost lost my sanity. Kung hindi ko lang nakilala si Harucka baka nagaya na rin ako kay Akagie at Tita Ayie na may kahating katauhan sa isipan."

"You love her?" itinago ko sa ngisi ang ngiting gustong sumilay sa mga labi ko. Ma. Wag kang kiligin diyan sa heaven ah?

"No words can express how much I love my sweet Harucka. Sa sobrang pagmamahal ko sa kanya ay naisama na rin niya ang puso ko nang mawala siya." malungkot niyang pinagmasdan ang mukha ko. "Pero kapag nakikita ko ang mga mata mo? Naalala ko siya, nabibigyan ako ng konting tuwa kahit hindi kita kadugo."

Natawa ako ng mahina. Hindi niya kadugo? Kung alam niya lang!

"Ang weird noh? Ang gaan-gaan ng loob ko sayo. Parang gusto kong makasama ka parati gaya ng nararamdaman ko para kay Harucka ko?" nakangiting nilingon ko ang mukha ni Dr. Takahoma.

"ASAGAO! UBOS NA ANG ISDA RITO! PENGE PA KAMI!" malakas na sigaw ni Edelweiss na halatang lasing na dahil sa hindi maayos na pagkakatayo.

Sinulyapan ko ang kinaroronan ni Kerisacki. Nakatago sa malalamig niyang tingin ang pag-aalala para kay Edelweiss. Nakabantay sa kilos ng huli kung sakali man na masobrahan sa alak.

Katuwang si Dr. Takahoma, buhat namin ang huling batch ng inihaw na mga tilapia.

"Last na ito." saad ko.

SAKURA (Psycho Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon