BLOOM FOUR

4 1 0
                                    

"Happy Birthday, Asagao!"

Napahinto ako sa pagpasok sa art room, ang sumunod na klase ko for this afternoon.

Nagkalat sa loob ng art room ang mga makukulay na balloons, at mga birthday decoration na halata kong pinaghandaan nila.

"Anong kalokohan ito?" malamig kong tanong sa mga kaklase ko sa art lesson na kinuha ko.

"Sorpresa? Tanga lang, Asagao?" napangiwi ako sa pag-ihip ni Magnolia sa hawak na paingay sa tapat ng tenga ko.

"Happy Birthday" ang nakangiting mukha ni Sakura ang nakaagaw ng atensyon ko.
Nasa tapat ng mukha niya ang cake na may kandila sa gitna. Hindi ba siya napapagod na habulin ako?

Blangko ang ekpresyon na umangat ang kanan kong kamay, marahas na tinabig ang hawak niyang cake. Napasunod pa ang paningin ni Sakura sa pagkahulog nito, hindi kumukurap na tinitigan ang nasirang cake.

"Pakilinis ang kalat niyo! May tatapusin pa akong canvas!" malakas ko pang hinawi ko si Sakura.

Narinig ko ang pagbangga niya't pagbagsak sa lamesa. Subalit hindi ko siya pinansin. Kailangan ba na mag-alala ako para sa kanya?

"Saki...

"Tarantadong ito!" naiinis na naisatinig ni Edelweiss.

Hindi pa ako nakakalayo sa kanila nang may humawak sa balikat ko. Iniharap ang katawan ko sa direksyon niya. Isang solid na suntok ang tumama sa panga ko.

"Damn!" I groaned in pain.

"Asagao!"

"Gabby!"

"Wala kang karapatan na saktan ang prinsesa ko!" mabagsik niyang sigaw. Mabilis akong gumulong paiwas sa panibagong sipa na pinakawalan niya.

Nasa likuran niya ang isa pang lalaki na bestfriend niya, si Narcisuss Hukaido.

Nilabanan ko ang talim na mayroon ang mga mata ni Gabriel Green, ang nag-iisang anak ni Mr. Green.

Tumayo ako at muling iniwasan ang suntok na pinakawalan ni Gabriel. Hindi ako gumaganti ng suntok even a kick na lalong ikinainis niya.

"Bakit hindi ka lumalaban?" hiniklat niya ang kwelyo ng suot kong polo.

"Lumabas na kayo ng art room. Inaabala niyo ang klase namin" napahinto siya sa sinabi ko. Hindi makapaniwalang tiningnan ang mukha ko.

"Duwag ka!" naiinis niya akong binitiwan. Nagpagpag ng nagusot na uniform. "Wala akong nakikitang special sayo. Tanging ang masamang ugali mo lang, kaya hindi ko maiwasan na magtaka. Ano bang nagustuhan sayo ng prinsesa ko?"

Itinago ko ang pagkuyom ng kamao ko bago nginisian si Gabriel. May gusto ba siya sa sintu-sintong bulaklak?

He sighed. "Tumawag si Lola Ayie, she's summoning us in Cavite" baling niya sa mga kasamahan.

Napasulyap pa siya kay Sakura na lumapit sa akin tyaka naglahad ng panyo. Siya na ang naglagay nito sa kamay ko nang hindi ko kuhanin.

"Pack up all your things. This will be a long vacation," she said.

Mabilis rin siyang naglaho at lumitaw sa harapan ni Gabriel.
Kinuha ang kamay ni Gabriel na pinansuntok sa akin. Tinalian ng panyong inagaw niya mula sa kamay ni Primrose.

Mas humigpit ang pagkakuyom ng kamao ko nang masaksihan kung paano akbayan ni Gabriel si Sakura. Nakangiting kinurot ang medyo may katambukan na pisngi ni Sakura.

"Selos ka?" nangi-ngising pang-aasar sa akin ni Magnolia. Hinipan na naman ang hawak na paingay. "Not a happy birthday, Dude!"

LINGGO ang lumipas after Sakura together with her cousin left the MU. Isang linggo na napanatag at tumahimik ang buong araw ko.

SAKURA (Psycho Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon