EPILOUGE

3 0 0
                                    

Tiningala ko ang napakataas na gate ng university na hinintuan ng mga paa ko. Hinayaan na bumagsak ang puting nyebe sa bangs kong tumatakip sa mga mata kong walang buhay.

"ID name? Code?"

Inilislis ko ang manggas ng suot kong leather jacket, pinalitaw ang gintong bracelet na nakuha ko mula sa final exam ng mga Himoro para sa kanilang taonang pagkuha ng mga bagong assassin na hahasain.

Itinapat ko ang bracelet sa kulay pulang dot bilang scanner. "Welcome to Himoro University! Scarlet Snow Spring."

Napakurap lang ako sa malalim na boses ng lalaking bumati sa akin mula sa intercom ng gate ng university. Pinanood ang marahan na pagbukas ng malaking gate sa aking harapan. Nahawi pa nito ang makapal na nyebeng naipon sa may driveway.

"Ms. Spring? I'm Kuroba Sumire, the head security of Himoro University. And I am the incharge of welcoming you here. Welcome?" niyukuan ako ng lalaking iniluwa nang bumukas na gate, tanda ng paggalang.

Hindi ako sumagot, napatitig sa mukha ng lalaki na nagpakilalala bilang si Kuroba Sumire.

Napatabingi ang ulo ko dahil nawe-weirduhan ako sa pinaggagawa ng lalaki. Hindi ba siya aware na I can speak tagalog? And can understand him?

Ayon kasi sa mga narinig ko before humigpit ang pagpasok ng mga assassin wanna be...ang ilan sa mga miyembro ng Himoro Clan at ng Katana. They can speak tagalog because some of them is came in the Philippines just like me.

"Grabe, parang kaharap ko si Saki," rinig kong bulong ni Mr. Sumire.

Iminuwestra niya na sumunod ako sa kanya. Maybe, he will guide me in the right way where can I live.

I sighed.

Kung hindi lang kailangan ko ng matutuluyan after the mess I made on Arachnid. I won't be here dahil ayokong mapalapit sa mga taong dahilan kaya ako binuo.

"This your dorm, Ms. Spring. You can use your bracelet as an ID, clearance and key to all doors of HU facilities." kinuha niya ang kamay ko at siya na ang nagtapat ng bracelet ko sa scanner rin ng pintuan.

"Sir Sumire?" masiglang bati sa kanya ng babaeng may hawak na suklay nang malingunan niya kami sa bumukas na pintuan. Tinaasan niya ako ng isang kilay bago pasimpleng inirapan.

"She is Scarlet Snow Spring, your new dormmate and one of the newbies." Pakilala sa akin ng nakangising matandang lalaki.

"Scarlet Snow? What a brat name!" napapailing na wika ng babaeng panandalian lang na napasulyap sa direksyon ko bago nagpatuloy sa paglalagay ng nail polish sa kanyang kuko sa paa. "Natalia Park is my name. Don't forget, sissy girl!"

"Daramine Withers." pakilala naman ng babaeng nerdy girl. May bangs rin siya gaya ko, kaya lang naka-side ang bangs niya. May hawak naman si Daramine na phone na hula ko, naka-online game ito ngayon. "Dara na lang. Hey...wait? Can you understand tagalog? What country are you from?"

Nakamot ko ang pisngi ko. Nanatiling walang reaksyon ang mukha ko na binalingan ng tingin ang bawat pintuan ng limang silid. Tila nasa isang unit ng isang hotel ang silid na kinaroroonan namin ngayon plus the five door as our bedroom, I guess?

May mini kitchen at sala sa loob ng silid.

"Philippines. And yeah... marunong ako ng tagalog."

Narinig ko kung paano mapasinghap si Mr. Sumire.

"Bakit hindi mo sinabi!? Nagpakahirap pa naman akong mag-english!!" reklamo pa ni Mr. Sumire.

"Hindi ka nagtanong."

"May point siya, Sir. Ako nga pala si Roxanne Jones, pinay ring gaya mo." Pakilala naman ng babaeng nakasuot ng apron. May hawak na sandok ang kaliwang kamay. "They call me here as Roxie."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 28, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SAKURA (Psycho Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon