BLOOM THIRTY TWO

1 0 0
                                    

Edelweiss PoV.
Tulog pa si Papa ng pasukin ko ang silid niya sa infirmary ng DVU. Puno ng pag-aalalang naupo ako sa gilid ng kama niya tyaka kinuha ang kamay ni Papa.

"Pa...nangako ako kay Mama na aalagaan kita pero heto ako napabayaan kita. Sorry..." inilagay ko sa pisngi ang kamao ni Papa.

"Pinairal ko naman ang emotion ko. Nasira na naman ako nito." malungkot kong pinagmasdan ang natutulog na si Papa.

Kasalanan ko na naman kung bakit nakahiga siya diyan!

"Wala kang kasalanan, Eye. It's all Kerisacki's fault. Kung hindi ka niya inutusan na nilinisin ang buong mansyon nila para lang magpaimpress sa bruha na iyon. Kung hindi ka nila ipinakulong ng papa niya kagabi...sa mga oras na kailangan ka ng Papa mo, nasa tabi ka niya, prinoprotektahan gaya nang naipangako mo kay mama." galit na galit na wika ni Del, hawak niya rin ang kaliwang kamay ni Papa. May sakit at lungkot ang mga mata niya gaya ng nasasalamin sa mga mata ko.

Sumilay ang mapait na ngiti sa labi ko. Kahit ayokong sisihin si Kerisacki pero may punto naman si Del.

"Pinahina na naman ako ng pagmamahal ko para sa kanya." walang nakakaalam na, noong naging kami ni Kerisacki. Minahal ko siya ng seryoso, totoo ang mga ipinakita ko kay Kerisacki na affection. Malayo sa ipinakita ko sa kanila noon na pinaglaruan ko lang siya.

"Ginulo-gulo na naman niya ang sistema ko, ang lahat ng mga emosyon na naiayos ko na ngayon. He's starting to ruined me again." pumatak na ang luha sa mga mata ko.

"Tsk. Ano bang nakita mo sa unggoy na iyon at binabaliw ka niya!" litanya pa rin ni Del. Hindi ko na lang siya pinansin.

Kung nasaktan ko si Kerisacki noon, hindi niya alam na higit akong nawasak nang magkahiwalay kami. Na pahanggang ngayon nasasaktan pa rin ako lalo nasa masamang pakikitungo niya sa akin.

"Tsk. I want to meet that guy. Sino ang nagpaiyak sa prinsesa ko?" nanghihina na nagmulat ng mga mata si Papa. Mas napaiyak na ako nang makita kong magising si Papa.

"Pa...

Sinugod ko ng yakap ang leeg niya. "You're awake!"

"Ang masamang damo, mahirap puksain." natatawa niya pang biro. "Now tell me, prinsesa ko. Sinong nagpaiyak sayo? At ako mismo ang mambubugbog sa kanya!!" natawa na rin ako.

Pinahid ang mga luhang kumawala sa mga mata ko bago ako tuluyang lumayo sa kanya.

"Wala po iyon! Hayaan niyo na siya. Masaya na siyang hindi ako ang kasama niya. Beside, kayo lang naman ang mahalaga sa akin...ang Katana, ang ang buong Himoro Clan!"

Binigyan ako ni Papa ng seryosong tingin. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Ayokong mahalata niyang nasasaktan na ako. Ayokong mahalata niyang nahihirapan na naman ako sa feelings ko para kay Kerisacki.

"Ang tagamana ba ng mga Kerisacki ang dahilan kaya ka nagkakaganyan, Edelweiss Okomada?" nakagat ko pa ang labi ko.

Matalino si Papa, malakas rin ang pandama niya. Mabilis siyang makahalata!!

He sighed. Umangat ang kamay niya tyaka pumatong sa ulo ko. "Ang prinsesa ko, umiibig na nga."

Nang masiguro ko nang okay na si Papa. Nagpaalam na ako sa kanya na gagawin ko na ang trabaho ko sa Katana. Hinayaan niya lang ako, bumalik ulit siya sa pagkakatulog.

Nagkalat pa rin ang kapulisya at police line sa pinangyarihan ng bombing. Nakikipag-usap sa kanila sina Azalea at iba pang mga elders ng angkan.

Umiwas ako na mapansin ng karamihan. Ayokong madisturbo nila ang gagawin kong pagsisiyasat. Oras na para ipamalas ni Eye ang tunay na kakayahan niya. Ang forteng pinaghusay ko ng ilang taon sa institution, at sa HU.

SAKURA (Psycho Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon