BLOOM THIRTY FIVE

1 0 0
                                    

Third Person PoV.
Napasimangot si Asagao nang makita ang sumusunod na mga kotse sa kanilang likuran. Sinulyapan niya pa ng tingin si Sakura na payapang natutulog sa passenger seat. Nakatulog sa sobrang pagod, tahimik na pag-iyak at sa mahabang byehe na ginugol nilang mag-asawa. Papuntang pier na pagmamay-ari ng pamilya ng kanyang asawa ang kanilang tinatahak na daan.

Kinuha ni Asagao ang kamay ni Sakura. Itinapat sa kanyang labi, napangisi. "No one can hurt you, gummy bear."

Binuksan niya ang suot na earpiece. Ikinonekta sa linya ng dalawang taong pinagkakatiwalaan niya sa loob ng Arcadia. Hindi ito alam ng kanyang Lolo, even his friends and Alexander Hayashi. Ang dalawang miyembro na lihim na nakuha niya ang serbisyo para maging black card.

"I need help. They following us. Track me, Jack."

[Nahanap na kita. Heart? Ikaw na ang bahala.] utos ng taong kausap ni Asagao sa isa pa nilang kasama.

"Thanks"

Nagising si Sakura sa pagsisimula ng pagbaril ng mga humahabol sa kanila. Bumalik ang kalamigan ng mga mata ng asawa ni Asagao. Ang kalamigan ng mga mata nitong una niyang nasilayan.

"Fasten your seatbelt, gummy bear. I'll drive recklessly." inabot ni Asagao ang labi nang nagulat na si Sakura, nilingon ang nakangising si Asagao.

"Do you have a gun?" naitanong pa ni Sakura.

Mabilis siyang sinulyapan ulit sa mukha ni Asagao. Tinaliman ng tingin. "No! Don't do anything stupid, gummy bear! You have a big tummy." paalala niya pa.

Niyuko ni Sakura ang malaking umbok niyang tiyan. Dumaan ang tipid na ngiti sa kanyang labi na hinahaplos ang pagkakaumbok ng tiyan niya.

"Please, makinig ka sa akin, gummy bear. Alam ko na gusto mo kaming tulungan. Hindi mo rin gusto na mapahamak kami... pero gummy bear, malaking tulong nasa akin na maging ligtas kayo ng magiging anak natin. Na walang masamang mangyari sa inyong dalawa. Kaya please...kahit ngayon lang, listen on me, okay? Para na rin kay baby."

Napabaling ang paningin ni Sakura sa side mirror. Kung saan malinaw niyang nakikita ang walang kahirap-hirap na pag-iwas ni Asagao sa kanilang kotse sa mga lumilipad na bala. Sa kabila ng bilis ng kanilang takbo at pag-iingat nitong wag silang mapahamak ng kanilang anak. Nagagawa pa rin ng asawa niyang tumupad sa salita at pangako, ang panatilihin ang kaligtasan nilang mag-ina.

Nakakamangha para sa normal na kakayahan ng isang tao ang nakikita ngayon ni Sakura sa kilos at galaw ng asawa niya. Sa isang iglap, tila nag-ibang kaayuan si Asagao.

"Okay. I will. I won't do anything unless they will hurt my unborn child. Hindi ko maipapangakong hindi lalaban, Ace."

"Alam ko. Pero hanggang kasama mo ako. Walang mangyayaring hindi maganda sa inyong dalawa. Pangako."

MAINGAT na napasok nila Anemone, Oniyuri at Nagato ang sekretong laboratory ni Alexander Hayashi. They are spreading all the different places of Alexander Hayashi, doing their own job.

"He will trending soon. I can't wait his epic reaction." natatawa pang wika ni Oniyuri. Tinapos na ang paglalagay ng mga C4 sa lahat ng sulok ng kinaroroonan niya. "I'm done!"

"I am too!" saad ni Anemone na palabas sa isang silid, ang lagakan ng mga chemical ng laboratory ni Alexander Hayashi.

"Guys? We have a problem!" kinakabahan na wika ni Nagato. Siya ang nakatoka sa paglalagay ng mga virus sa lahat ng mga computer ng laboratory. "You need to see this... Asap!!"

Dahil sa sinabi niya, lumitaw si Anemone sa kanyang likuran. Nagugulat siyang nilingon ni Nagato. "Patingin...

Hinayaan ni Nagato na silipin ni Anemone ang laman ng mga files na tinutukoy niya. "Hmmm...

SAKURA (Psycho Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon