CHAPTER 13

6.5K 230 13
                                    

Lumipas ang isang linggo at tulad ng ipinangako niyang hindi niya nauulitin ang ginawa niya, ay binigyan niya ng katuparan. Ngunit hindi parin ako mapakali sa tuwing tinitigan niya ako, tila meron siyang tinatago sakin. Ang mga titig na nanunuot sa buo kong pagkatao. May pakiramdam ako na may pinaplano siya.

Noong nakaraan lamang ay nakita ko si Randall sa sala, napatingala din siya sakin dahil hindi ako maaaring bumaba dahil baka makita kami ni Zach. Mabilis siyang nag iwas ng tingin nang dumating si Zach mula sa office room niya. Agad akong naglakad papunta ng room at nanghina ang mga tuhod ko.

Sino ba ang babaeng gusto makulong sa bahay na ito na tila ba isang empiyerno? Minsan hindi na ako bumababa dahil ayaw niya na masyado akong na e'expose sa labas lalo na kapag may ibang tao tulad ng mga kaibigan niya. Kailan ko ba makakausap si Randall? Alam kong hindi siya sang-ayon sa ginagawa ng kapatid niya sakin. Gustong-gusto ko nang umuwi kay Daddy, I missed him. Ngut nahihirapan akong isipin ang sitwasyon ko.

I'm pregnant and that demon is the father of my child, God! Anong klaseng parusa ito! Nahihirapan na akong sakyan lahat ng kagustuhan niya dahil natatakot akong bumalik siya sa kung anong uring  halimaw siya.

Napaigtad ako nang bigla nalang may yumakap sakin mula sa likod. "My Coke" nag-init bigla ang pisngi ko dahil sa sinabi niya. Naiinis din ako sa sarili ko dahil kaunting lambing niya lang ay tila naaapektuhan ako kahit alam kong hindi dapat! This is all wrong!

I stiffed when he gave me kisses on my neck. Hindi ako makahinga dahil sa tindi ng kalabog ng dibdib ko. I was disgusted with the way he seemed to control me, and I looked like a robot! Bigla nalang niya ako pinaharap sa kaniya and again he taste my lips which I liked more and I like even more. Para na akong tanga sa tuwing ginagawa niya sa akin ito!

Napahingal kaming dalawa pagkatapos at tinitigan niya ako sa mga mata. Gusto kong umiwas ng tingin dahil pakiramdam ko hinuhubaran niya na ako dahil sa tindi ng pagkatitig nya sakin. Those eye's! Those are the eyes of the devil that weaken me.

"I missed you" napalunok ako dahil sa sinabi niya, hindi ko magawang pigilan ang pagwawala ng puso ko at hindi ko na gusto itong nararamdaman ko tuwing magkatitigan kami. "Did you miss me?" nag -iwas ako ng tingin ng magising sa katangahang ginagawa ko. "Coke" tawag niya sa pangalan ko.

"Tell me that you're missing me" sabay halik niya sa tungki ng ilong ko. Kinakabahan na ako ng sobra at hindi ko maipaliwanag ang pakiramdam na ito kapag ginagawa niya sakin ito.

"Say it baby, c'mon" iwan ko ba't parang hinila ang dila ko. Damn this feeling! Mababaliw na yata ako, kahit anong kumbensi ko sa sarili ko na dapat magalit ako sa kaniya ay iba parin ang sinasabi ng puso ko.

"Baby, I miss you I promise. Hindi mo ba ako namiss? Bakit hindi mo na ako kinakausap?" mahinang bulong niya. Buong araw siyang nawala at ang totoo namiss ko nga siya.

"I m-miss you too" utal-utal kong sabi dahil nahihiya akong aminin ang nararamdaman ko. Then suddenly, he carefully caresses my cheeks.

"I miss you damn much baby" he said using his soft voice which made me tingles. Tanga na siguro ang babaeng kikiligin sa lalakeng kumidnap sa kaniya. Ngunit bakit ganito? Alam kong hinahangaan ko siya noon dahil sa tindi ng charisma at kagwapuhang meron siya. He's what  every women dream of ngunit nagbago lahat ng iyon nang malaman ko kung gaano siya kahalimaw.

Perp ngayon para na akong tanga! Pinagmumura ko na nga ang sarili ko! Matagal ko nang hindi naramdaman ang ganitong pakiramdam and seriously? Sa kaniya pa talaga? "Anyway, tomorrow morning we have to move in Zachary island."

"B-Bakit?" takang tanong ko sa kaniya, hindi ko man alam kung nasaan ang Zachary island na sinasabi niya ngunit 'yon kaagad ang nasabi ko dahil sa gulat. Gusto nya ba talaga akong itago at ilayo?

"Stop asking, basta dadalhin kita doon" nagpanting kaagad ang tenga ko dahil sa sinabi niya. "But why Zach? Balak mo ba talaga akong ilayo at itago? You said you love me right? So why are you doing this? Kung gusto mo nga talaga ako__"

"That's why I have to protect you Coke! Yes, this is all my plan. Ang itago ka sa maaaring kumuha sayo sa akin, do you understand?" napatitig ako sa kaniya nang hindi makapaniwala. "But how about Dad? May pamilya ako Zach, I m-miss him, kung mahal mo talaga ako gagawin mong legal ang lahat tama ba?" ngayon hindi ko na magawang basahin ang laman ng mga mata niya, they were all covered by anger.

"No! In the law of devil's, walang mangyayaring legal lalo na kapag kaaway namin ang pamilya" nag-init ang mga mata ko. I realized that he really doesn't love me. Hindi ko alam kung ano pa ang mga plano niya para lang paniwalain akong mahal niya ako.

"But I missed my family Zach. I miss my Dad, please, itigil niyo na ito pakiusap. Pwede namang idaan sa usapan ang lahat diba?"

"No! Stop saying that you're missing him! Dahil kung alam mo lang kung anong uri siyang tao ay hindi mo sasabihin 'yan!" naglandas ang mga luha ko dahil sa sama ng loob. Really? Is he referring to himself? "Talaga? Are you referring to yourself?"

Nakita ko kung paano nanigas ang anyo niya at madilim niya akong tinitigan. Tila gusto niya akong lamunin ng buhay. Napatili ako ng sinuntok niya ang pader sa gilid ko. Kinabahan ako ng sobra. I thought he was going to punch me straight in my face. Nakakuyom ang kamay niya at padabog siyang umalis, halos mawasak ang pinto nang pabagsak niya itong isinara. What I have done? Mali ba ang sinabi ko? Tama naman diba? Bakit niya ikinukompara ang sarili niya sa Daddy ko?

Oo minsan ko nang narinig sina Dad and Roux about that crime they're talking about. Pero wala pa akong sapat na alam kung ano 'yon, baka nag-uusap lang naman sila about the news or so whatever. Hindi masamang tao si Dad kagaya niya, kaya wala siyang karapatang sabihin 'yon sakin! Kung magkagalit man sila because of business hindi niya dapat sinabi 'yon! At baka nagkamali lang siya kaya pati si Dad ay dinadamay niya dahil sa pagkamatay ng pamilya niya! Kung anuman ang dahilan ay dahil baka madami talaga silang kaaway noon pa man! I hate him! Siya pa talaga ang magagalit?

Hindi na siya bumalik pa at hindi narin ako lumabas. Naiinis din ako sa kaniya! Wala nga siyang dapat ikagalit dahil una sa lahat napakalaki ng kasalanang ginawa niya sakin! Humiga nalang ako sa sofa ngunit di na kinaya ng tiyan ko, gutom na talaga ako. Napahimas ako sa belly ko, I am now 8 weeks pregnant at parang ayokong maniwala. May kaunting umbok na siya at hinimas ko siya ng paulit-ulit.

May tahimik ba kaming buhay ng anak ko sa puder ng ama niya? Pakiramdam ko, kapag hindi ako makaalis rito ay habang buhay nalang kami magtatago. O di kaya, ginagawa niya ito dahil ako parin ang pain para sa kanila ni Roux at Dad? I have this feeling, na ginagamit niya parin ako para ipanlaban kay Roux. He's such a demon!

DW3 > jayewel

DEVIL'S WRATH 3: Zachary ZaresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon