CHAPTER 3

11.8K 392 12
                                    

Pagkatapos nang gabing 'yon ay hindi na ako makikipag-usap pa sa kaniya. Kahit pa na gusto kong magmakaawa na pakawalan niya na ako. Hindi ko rin matanggap na binigay ko ng ganon-ganon nalang ang sarili ko sa kaniya.

Nawala ako sa katinuan, natangay ako ng mainit na halik niya sakin kaya nagawa ko 'yon. Inaamin ko may kasalanan din ako, dahil hindi ko naman siya gaanong kilala at alam kong gagamitin niya ako laban kay Roux at Dad ngunit hindi ako nag-isip nang gabing inangkin niya ako.

Kung meron man akong pagtaniman ng galit 'yon ay ang sarili ko. How can I do that? Kinidnap niya nga ako diba tapos nagawa ko pang magpaangkin sa kaniya? How stupid I am!

Halos ayaw ko nang makita ang pagmumukha niya, ngunit kapag nandito siya at kinakausap ako au hindi ako sumasagot. Basta nalang din siya magagalit at magwawala sa harap ko dahil ni isang salita ay walang lumalabas sa bibig ko. Dahil sa depression na nararanasan ko ngayon hinahayaan ko nalang na gawin niya ang nais. Ang gamitin ako laban kay Roux.

Ngunit sobrang nagagalit siya kapag malaman niyang ayaw kong kumain. Kaya ayoko nang kumain pa dahil gusto ko nang mamatay na ng tuluyan.

"Don't fucking pissed me off Coke! Don't use that cold treatment dahil sa nangyari sa ating dalawa, I admit that I was wrong but I know that we both want ourselves. Hindi kita pinilit, why don't you admit it na pareho nating ginusto 'yon?"

Dahil sa inis na nararamdaman ko ay napalingon ako sa gawi niya. Ginusto man ng katawan ko 'yon o hindi ayoko na siyang makaharap pa.

"Umalis kana, iwan mo na ako rito" tumalim ang mga titig niya sakin nang sabihin ko 'yon. Napaatras ako nang hawakan niya ako sa magkabilang braso at tintigan ng malalim sa mga mata.

"Listen to me woman, you have no right for treating me like this. Kinakausap kita sa loob ng isang linggo just to talk about what happened between us tapos 'yan lang ang sasabihin mo?" nakipagtagisan din ako ng tingin sa  kaniya at wala na akong pakialam kung sasaktan niya ako pagkatapos.

"Anong gusto mong sasabihin ko? Salamat dahil kinidnap mo ako sa kasal na ayaw kong mangyari? Salamat dahil may gagamitin kana laban kay Roux at Dad? Salamat dahil naangkin mo kaagad ako ng ganoon kadali, is that what you want to hear from me?"

Hindi ko napigilang mapaiyak habag sinasabi 'yon. Sa isang linggo na pananahimik ko at nailabas ko ang lahat ng sama ng loob ko. Tinanggal ko ang kamay niya na nakahawak sa braso ko ngunit hindi niya hinahayaang mangyari 'yon.

"Hindi ko alam k-kung anong alitan ninyo ni Roux, kung buhay man ng kapatid mo ang tinangay niya sayo pumapayag narin akong buhay ko ang magiging kapalit."

"I'm sick with this, pagod na ako kaya huwag mo akong pilitin na kumain dahil sapat nang makaganti ka sa kaniya kapag namatay ako. Maaari mo din akong patayin ngayon din gamit ang baril mo"

Deretsa kong sabi sa kaniya ngunit inirapan niya lang ako at umupo sa tabi ko, nagpumiglas ako nang hilahin niya ako at niyakap. Napaiyak ako dahil sa ginawa niya at gusto ko siyang pagsasampalin.

"Don't be stubborn, I'm here to talk about what happened between us. Isang linggo akong pabalik-balik rito para kausapin ka, but you're just ignoring me. Alam kong nararamdaman mo rin ang atraksiyon na nararamdaman ko, hindi mo hahayaang angkinin kita nang gabing 'yon kung wala Coke"

Natigilan ako dahil sa sinabi niya, nagpumiglas ako sa pagkahapit niya sakin at napatitig ako ng masama sa kaniya. I know I have a crush on him pero noon 'yon, hindi na ngayon.

"Hindi ko alam ang sinasabi mo, ayoko nang makaharap ka umalis ka na"

"Don't talk to me like that Coke Arrozo" malamig na sabi niya at matalim akong tiningnan sa mga mata.

DEVIL'S WRATH 3: Zachary ZaresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon