CHAPTER 22

6.9K 270 40
                                    

Ramdam na ramdam ko ang malalim na titig ni Zach sakin habang ginagamot ko ang sugat n'ya sa tagiliran, daplis lang ng bala kaya hindi masyadong malaki.

Ayaw n'ya kasi sa kahit sinong nurse, sinusungitan niya ito, yun pala ay gusto n'yang ako ang gagamot sa sugat niya. Okay lang din naman sakin dahil hindi naman ako natatakot sa dugo o sugat.

Buti at nakauwi kami agad, sinusungitan ba naman niya ang mga staff ng kaibigan niya, malamang talagang pauuwiin nalang s'ya.

"Mahapdi?" Tanong ko sa kaniya nang dinampian ko ng pampalinis sa sugat yung sugat niya.

Ngunit hindi ko narinig ang sagot niya kaya napaangat ako ng tingin. Nakatitig lamang siya sakin at nagtama ang mga mata namin. Sobrang seryuso ng tingin niya na tila kaya n'yang tunawin ang buo kong pagkatao.

"How long have you been in a relationship with that bastard?" Napakurap ako nang mapagtanto kung sino ang tinutukoy niya.

Parang umurong ang dila ko dahil hindi ko akalain na itatanong niya iyon sakin. Hindi ko rin maipaliwanag ang mga titig niya nang hindi agad ako nakasagot.

"Bakit? Zach, hindi na importante 'yon"

"I'm just asking. Just answer me"
Napatango ako sa kanya at nag-iwas ng tingin.

"We lasted almost two years" agad akong napayuko at nilagyan na ng gauze pad ang sugat niya.

"Really? How sweet is that?" Parang naiinis na sabi niya  magtatanong siya sakin at titigan ako na para bang may nagawa na naman akong mali.

"Bakit ganyan ka makatingin? What's wrong with you? Sinagot ko naman ang tanong mo ah?" Naiinis ko ding tanong sa kaniya. Napakunot noo siya at nag-iwas ng tingin.

"Tsk!" 'yon lang ang narinig ko tsaka bigla nalang n'ya ako niyakap.

"Did you really fell in love with him?"
Napatawa ako sa sinabi niya, yung tanong niya kasi tila kami parin ni Randall.

"I'm in love with you Zachary" agad s'yang napakalas at napatitig sakin. Nakita ko kung paano namula ang tenga nya kaya napangiti ako ng wala sa oras.

"Silly stop smiling, hindi ka pa nakakain baka papagurin na naman kita" tinampal ko siya sa braso pero napatawa lang siya sa ginawa ko.

"I love you baby" napatitig ako sa kaniya nang sinabi niya 'yon.  Nanigas naman siya nang mabilis ko s'yang hinalikan sa labi tsaka lumayo.

"I love you too Zach" mabilis ko s'yang naitulak nang hinapit niya ako papalapit sa kaniya.

"Wanna make love with me baby? Gutom kana ba talaga?" Napatawa ako sa kaniya dahil napakaadik niya.

"Yes, nagugutom na po ako, nagrereklamo na ang baby natin"

"Tsk. I just want to let you know that I'm worth it more than those almost two years. Iaalay ko sayo lahat ng meron ako, as long as you don't think about that bastard ever again! I'm disgusted with the fact that we only have one mother and I don’t want to think that we feel the same way for you. Talagang masasakal ko siya hanggang sa mawalan siya ng hininga"

Napakunot noo naman ako dahil sa sinabi niya, hinawakan ko siya sa pisngi kaya napatitig siya lalo sakin. Tila nanghihingi ng permiso yung abuhin n'yang mga mata.

"Zach don't say that. Magkapatid parin kayo kahit anong mangyari, at kahit anuman ang mangyari ikaw na ang nagmamay-ari ng puso ko. Hayaan mo na siya, alam kong nakakalimutan niya na ang pinagsamahan namin"

"Really? Kaya pala nang pumunta ako sa bahay niya ay may malaking portrait ka doon sa room niya which is ngayon ko lang naalala na ikaw pala 'yon dahil nakatalikod! And I know he still doesn't remove it until now, iyon ba ang nakalimot? Ang sabihin mo aagawin ka niya sakin!"

DEVIL'S WRATH 3: Zachary ZaresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon