CHAPTER 23

5.9K 244 17
                                    

Lumipas ang ilang linggo at medyo nahahalata narin ang bulto ng tiyan ko. Napatitig ako sa salamin habang suot -suot ang maternity dress na binili mismo ni Zach sakin.

Napapangiti ako dahil hindi ko inakalang may ganun pala siyang side, he became even sweeter na siyang laging nagpapakilig sakin.

Hinimas ko ang tiyan ko at napalis ng ngiti ko nang maalala ang napag-usapan namin kagabi, about sa ama amahan ko na dati akala ko totoo kong ama! I hate him so much, totoo nga palang pinapatay niya si mommy para lang makuha ang yaman!

He's a gold digger! Magbabayad siya sa ginawa nya, sa ngayon ay hinahanap na sila ng mga tauhan ng mga devil's. Kailangan niyang pagbayaran lahat ng ginawa niyang kasalanan!

Nag-aalala parin ako dahil hindi pa nakauwi si Zach, at iniisip ko kung ano na nangyari doon sa pinuntahan nila. He said he have to go to Colt's house, isang kaibigan niya dahil inatake daw ito ni Kelvin La Costa.

Naalala ko ang napag-usapan nina Roux at ng stepfather ko, that kelvin hides in person of River Ville na kapatid ni Roux.  Natatakot tuloy ako baka kasi, kung ano na ang nangyayari doon.

Nakaramdam ako ng gutom kaya lumabas ako ng room at bumaba. Pero nagulat ako nang makita ko ang isang babae na nakaupo sa sofaz napatitig siya sakin mula ulo hanggang paa, at ganun din ako sa kaniya. Hindi ko alam bakit kinabahan ako sa hindi malamang dahilan.

Maya-maya ay tumayo siya at ngumiti sakin.

"Hi, im here to see Zach... anyway I'm Agatha and you are?" Sabay abot niya ng kamay niya para makipag-shake hands sa akin.

"I'm C-Coke" inabot ko rin yung kamay niya at napatango sya sakin.

"By the way, ano ka nga pala niya? Are you his stepsister?" Muntik na akong mapangiwi dahil sa sinabi niya.

Hindi ako nakasagot agad dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. Nang bumuka ang bibig ko ay walang salitang lumabas, napalingon nalang ako nang bumukas ang main door.

Pumasok doon si Randall at napatitig ako sa kaniya, alam kong magkagalit parin sila ni Zach kaya kinabahan ako dahil baka maabutan siya nito.

Habang naglalakad siya papalapit ay napakunot ang noo niya habang nakatitig din kay Agatha.

"Agatha? What are you doing here? I mean, kailan ka dumating?"

"Randall, kahapon lang. How are you? Si Zach nasaan? I want to see him"

Napalingon si Randall sakin at hindi ko maipaliwanag ang mukha niya, napakunot noo pa siya nang mapadako ang mga mata niya sa tiyan ko na may maliit na umbok.

"I don't know where he is, akala ko nga nandito. Kanina ka pa dito?" Napatingin ako sa kanilang dalawa, mukhang kilalang kilala nila ang isat-isa.

"Ahm, not so, dito na ako dumeretso galing Baguio"

At ngayon ko lang nakita ang maleta sa gilid ng sofa... napakunot noo ako at bigla nalang sumama yung pakiramdam ko, sino ba siya? Nakita kong napabuntong hininga si Randall at napalingon sakin.

"Si Zach?" Tanong niya sakin at hindi ko maipaliwanag ang mga titig niya sa mga mata ko.

"Umalis, pumunta sa bahay ni Colt... excuse me" naglakad ako at pumunta ng kusina. Natigilan ako nang may narinig akong mga boses at alam kong mga katulong ang nag-uusap mula sa loob.

"Nako Edna, dumating na si ma'am Agatha. Paano na ngayon si ma'am Coke? Paano pagmalaman niyang si ma'am Agatha talaga yung legal wife ni seniorito at hindi si ma'am Alondra"

Umurong ang paa ko dahil sa narinig ko.

"Oo nga, si ma'am Alondra naman talaga ang naging dahilan kaya nagkagulo sila ni ma'am Agatha. Pero ewan, hindi ako sure d'on"

DEVIL'S WRATH 3: Zachary ZaresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon