CHAPTER 5

10.9K 421 28
                                    

Napaiyak ako at mas lumakas lalo ang ulan, napatili ko ng kumulog ng sobrang lakas at parang dumaan mismo sa harap ko yung kidlat. Napatahip ng sobrang lakas ang dibdib ko dahil malaki ang takot ko sa kulog at kidlat.

"Z-Zach! P-Please" malakas na sigaw ko dahil sa takot na nararamdaman ko ngayon. Napaubo ako at pati yung tubig ulan ay nalulon ko. 

Kumidlat ulit at napahagulhol na ako ng iyak dahil alam ko na ang kasunod ng kidla, may susunod na matinding kulog. Nanginginig ako sa sobrang takot at parang mababaliw na ako. Tinawag ko ulit ang pangalan at sa pagkakataong ito ay lumabas na siya at dinala ako sa loob.

Kumulog ulit ng sobrang lakas at sa sobrang takot ay napayakap ako sa kaniya. Niyakap ko siya ng sobrang higpit at wala parin akong tigil sa kakaiyak. Hindi ko alam kung bakit niyayakap ko siya ngunit hindi ko na kaya ang takot na nararamdaman ko.

"T-Tama na. Tama na please a-ayoko na" ngunit bigla nalang niya ako binuhat at dinala sa loob ng shower room. 

"Disobeyed me again dahil hindi lang 'yon ang gagawin ko" napaiyak ako habang pinapaandar niya ang shower.. Gusto ko siyang pigilan nang hinubaran niya ako. Napapikit ako sa sobrang bigat ng nararamdaman ko. 

Pinatay niya na ang shower at binalot niya ako ng puting towel at muli akong binuhat palabas ng banyo. Inilapag niya ako sa couch at kumuha siya ng damit sa closet. Nakaigting ang panga niya habang sinusuotan niya ako ng damit. Umakyat ang kakaibang init at hiya sa buong mukha ko nang pinasuot niya sakin ang underwear ko. 

Umupo siya sa tabi ko at tinitigan ng malalim sa mga mata, napayuko ako at naramdaman ko ang mainit na palad niya na pumatong sa kamay kong nasa ibabaw ng hita ko.

"I'm sorry" hindi ako makapaniwala sa narinig ko mula sa kaniya. Naramdaman ko nalang na hinila niya ako at napasandal ang ulo ko sa dibdib niya kaya hindi ko maiwasang muling mapaluha.

"I didn't mean it, inis na inis ako kanina dahil sinuway mo na naman ang sinabi ko. Ang sabi sa akin ng katulong hindi ka raw bumaba para kumain ng agahan at tanghalian. And I hate the way you disobeying me Coke, ikaw rin naman ang may gustong magalit ako"

Eh sa ayoko ngang kumain eh, naiinis din ako sa lahat. Naiinis ako sa kaniya, kay Dad kay Roux. Lalo higit sa lahat naiinis ako sa sarili ko!

"Bakit hindi ka kumain? Hindi ka ba nagugutom?" hindi ako nakasagot sa tanong niya kaya kumalas siya sakin. Nagkatitigan kaming dalawa at bigla nalang niya hinipo ang pisngi ko kaya parang hinalungkat na naman ang loob ng tiyan ko.

"Tsk, sorry about that takot ka pala sa kulog at kidlat. Believe nadala lang ako ng inis ko nang marinig ko ang sinabi nila sa baba, ayaw mo raw kumain"

"Kausapin mo ako Coke, huwag mo akong tingnan ng ganyan" nag-iwas ako ng tingin dahil kung makipag-usap siya sakin ay parang hindi niya lang ako pinaulanan sa labas kanina. Kahit naman hindi normal sa akin na humingi siya ng sorry dahil sa ginawa niya ay masama parin ang loob ko.

"Hindi mo na naman ba ako papansinin katulad ng ginawa mo sa buong linggo dahil may nangyari sa atin nang gabing 'yon?" gusto ko siyang sumbatan ngunit hindi ko yata kaya ang magsalita dahil baka maiyak na naman ako. At gusto ko ring magmakaawa sa kaniya na pakawalan niya na ako.

"Coke, I said talk to me" maotoridad na sabi niya at nakasalubong na ngayon ang kilay niya. Bumuka ang bibig ko ngunit walang salitang lumabas sa bibig ko.

Nakatitig lamang siya sakin at hindi ko alam kung paano simulan ang pagmamakaawa na gagawin ko ngayon sa harap niya. Bakit hindi nalang niya ako pakawalan? Totoo naman ang sinabi kong hindi ko kaano-ano si Roux eh, walang namamagitan sa amin.

"You're ignoring me again?"

"Z-Zach" 'yon lang ang nasabi ko dahil parang may tinik na bumara sa lalamunan ko dahil sa paraan ng pagkatitig niya sakin.

DEVIL'S WRATH 3: Zachary ZaresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon