CHAPTER 4

11.2K 353 8
                                    

"Tsk. You're still the one I know, una na kami bro. Hey devil's we're going." 

Nakita ko si Randall na tumalikod narin kasama si Rolen, at pinsan din yata ng demonyong ito si Rolen.. At nagtataka ako kung sinong stepbrother ang sinabi ng butler niya. Hindi kaya si Randall? Bakit hindi man lang niya nabanggit sakin noon na may stepbrother siya? 

At nasaktan ako dahil hindi man lang siya tumingin ulit sakin at basta nalang tumalikod. Muli mabuhay ang sakit sa dibdib ko nang makita siya mahigit isang taon na. Huling pagkikita namin ay noong nagmamakaawa pa ako sa kaniya na huwah niya akong iwan. Iyon lang ang natatandaan ko at hindi na siya nagpakita pa.

"Man, we're going and keep her, I smell something fishy " rinig kong sabi ng isa sa kanila. 

"Alam ko, I can smell it too. And don't forget to contact Colt and Volt. The same as Lu"

Umalis na silang tatlo at nabato ako sa puwesto ko ng tumitig sya sakin. 

"What the hell is tensing between you and my stepbrother?" galit na tanong niya sakin. Napaatras ako ngunit mabilis niyang nahawakan ang braso ko.

"Huwag na huwag kang magsinungaling sakin because I can read the two of you while staring at each other! Tell me Coke! "

"W-Wala, Please hindi ko siya kilala" pagsisinungaling ko, tinitigan niya ako ng malalim at hindi niya nilubayan ang mga mata ko kahit isang segundo.

"Siguraduhin mong nagsasabi ka ng totoo, dahil hinding-hindi mo magugustuhan ang gagawin ko if I find out that you're lying to me."

Hanggang ngayon hindi parin humuhupa ang kaba ko. Natatakot ako sa maaari niyang gawin kapag nalaman niya na nagsisinungaling ako. 

Kailan ba matatapos lahat ng kahayupang ginagawa niya sakin? Kailan ako makakawala sa puder niya? Gusto ko nang umuwi. I need my dad, I need him. Pero di ko alam kung mahahanap niya pa ako, alam kong mahahanap niya rin ako dahil nandito lang naman kami sa Pilipinas. Pero di ko din alam kung saang lugar 'tong pinagtataguan niya sakin.

Si Randall nalang ang tanging pag-asa ko. Kailangan ko siyang makausap, kahit pa na pinagtabuyan niy ako, kahit pa na galit ako sa kaniya. I have to forget this anger for sake of my freedom. They were stepbrothers and I can't believe it! Ang dami ko palang hindi alam tungkol kay Randall kahit na tumagal kami ng dalawang taon. 

At galit parin ako sa ginawa niyang pagtaksil sa akin! Pero malakas ang kutob ko na may alam si Dad at Roux kung bakit basta nalang niya ako iniwan.

Alam kong itinago ko rin ang engagement namin ni Roux ngunit sasabihin ko naman talaga sa kaniya ang katotohanan eh at hindi rin ako papayag na masira kami. At malakas ang kutob ko na may alam siya tungkol doon kaya basta nalang din niya ako hiniwalayan. 

Gustong-gusto ko siyang kausapin noon ngunit tumanggi siyang makipag-usap sa akin. At hindi narin siya nagpapakita pa sa bahay noon. Oo, at lumipas na ang nangyari noon ngunit ang sakit na pinaramdam niya sakin at narito parin sa puso ko. May sama ng loob parin akong tinatago sa kaniya. 

Hindi ako lumalabas ng kuwarto at parang mamamatay ako sa sobrang lungkot at sakit ng nararamdaman ko. I hate that monster! Hindi ko akalain ang lahat ng ito. I thought he was one of every woman's dream.

Marami rin siyang kaaway at may tutugusin raw sila na Kelvin ang pangalan. Wala naman akong pakialam kung ano man ang tunay niyang pagkatao, ang sa akin lang naman pakawalan niya na ko.

Pinahiran ko ang mga luha ko habang nakatitig sa glass window. Madilim ang langit ibig sabihin ay uulan. Naalala ko si Mommy apat na taon na ang nakalipas. Nag-away sila ni Dad noon at basta nalang siya umalis. Umuulan nang mga panahong iyon at naroon ako sa bahay ng bestfriend ko. Kaya di ko alam ang dahilan kung ba't sila nag-away. 

Kasi kapag tatanungin ko si Dad nililihis niya ang usapan. Ayaw niya na raw pag-usapan iyon dahil masakit iyon para sa kaniya ngunit 'yon ang ikinasama ng loob ko sa kaniya. Na kung bakit di niya masabi kung ano ang totoo. Hindi na bumalik pa si Mommy, at sobrang nasaktan ako dahil hanggang ngayon di ko parin alam kung nasaan siya.

Kung buhay paba siya, kung okay lang ba siya? Anak niya ako diba? Ang sabi niya mahal niya ako pero bakit hindi niya ako binalikan?. Sinubukan kong hanapin siya ngunit hindi ko siya natagpuan. Ang sabi ni Dad, hinanap niya rin si Mom ngunit nabigo siya. Baka nga sumama na ito sa iba at iyon isa sa bagay na hindi ko matanggap nang sabihin niya 'yon.

Pero ganoon nalang ang sama nga loob na naramdaman ko para sa kaniya dahil hindi inabutan ng taon ay naghanap ulit siya ng iba. And it's tita Rosy, at siya ay ina ni Roux.  Simula noon di na ako umuwi ng bahay, at nagpakalayo-layo ako ngunit hinanap ako ni Dad and he forced me to marry the son of his wife, kaya naiinis parin ako kapag maalala ang lahat ng 'yon. Pinilit niya akong ipagkasundo kay Roux.

Ngunit nang mapagod ako sa pakikipagsagutan sa kaniya ay tinanggap ko ang kasal kahit hindi ako masaya. Gusto ko lang sana magpakatanga dahil narin sa ginawa ni Randall sakin. Ngunit nagbago ang isip ko at sinubukang tumakas ulit. Pero di ko alam kung ba't ganoon nalang sila sakin. Bantay sarado pala ako ng hindi ko alam! So I have no choice but to marry that jerk!

Hanggang sa dumating sa mismong wedding namin si Zachary at kinidnap niya, gusto ko na sanang magpasalamat sa ginawa niyang pagsira sa kasal namin ni Roux ngunit pakiramdam ko mas malala pa pala ang pagdurusa na mararanasan ko sa mga kamay niya.

Pagod na ako sa lahat ng ito, gusto ko na ng kalayaan pero ayaw ng kalayaan sain. Naiinis ako sa lahat ng bagay nangyayari sa buhay ko!

Sinampal ko ang sarili ko ng makailang ulit nang maalala ang katangahang nagawa ko sa nakalipas na linggo. Binigay ko nalang basta-basta ang sarili ko sa kaniya at pakiramdam ko napakawalang kwenta ko na.

Napahikbi ako at mahinang tumayo, nanghihina ang katawan ko dahil hindi na naman ako lumabas upang kumain. Naghanap ako ng pwedeng isaksak ngunit wala akong mahanap. 

Nangako ako noon nahahanapin ko si Mommy kahit anong mangyari, pero ngayon nawalan na ako ng pag-asa. At isa pa papatayin niya rin ako sabi niya tulad ng ginawa ni Roux sa kapatid niya diba? Ako raw ang magiging kapalit ng buhay ng kapatid niyang pinatay ni Roux, kaya mabuti pang ngayon ko na tatapusin ang buhay ko.

Napapikit ako ng mariin at inalala ang sinabi ni Mommy. "Always remember my princess. Mom will always love you" 'yan ang lagi niyang sinasabi sakin. Napatakip ako sa mukha ko at muling umiyak. I miss her so much...

Ngunit natigilan ako nang bigla nalang pumasok sa isip ko ang narinig kong usapan nina Dad at Roux. That crime.. What about that crime? Nagpahid ako ng mga luha at umayos ng upo. Bahala na, pero bago man ako mamatay sa kamay ng demonyong 'yon ay kailangan kong mahanap si Mommy.

But how? Nakakulong ako sa bahay na ito at di ko alam paano tumakas. Napakaraming bantay ang kumakalat sa labas ng bahay niya at halos lahat ng mga pinto rito sa bahay ay may passcode. At natatakot akong tumakas sa pangalawang pagkakataon.

Napaigtad ako ng malakas na bumalya ang pinto. My lips shivered as I saw his face, galit siya habang naglalakad papalapit sakin. Napakabog ng sobrang lakas ang dibdib ko nang huminto siya sa harap ko.

"How many times do I need to tell you? Don't you ever dare to disobey my orders!" galit na angil niya.

"Hindi ka na naman kumain?  Gusto mo nang mamatay? Hali ka rito"

Nanlaki ang mga mata ko nang hilahin niya ako papuntang terrace, sobrang lakas ng ulan. Nagulat ako ng bigla nalang ako nabasa. At tinalian niya ako kaya hindi ako makaalis.

"Your groom is still alive, and he's now searching for you. But he couldn't get you away from me. He was mistaken for choosing me to be his enemy. Tangina, gusto kitang saksakin para makaganti ako sa ginawa niya sa kapatid ko! But you need to suffer more. Ayaw mo nang kumain? That's not a problem, stay here!"

#DW3: SORRY FOR THE LATE UPDATE, PLEASE VOTE THIS CHAPTER THANK YOU 😘

DEVIL'S WRATH 3: Zachary ZaresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon