CHAPTER 17

5.7K 236 22
                                    

Wala akong tigil sa kakaiyak, nasasaktan ako ng sobra.  Napakatanga ko para lang mahulog nang ganun kadali sa kaniya! Dapat kasi hindi na ako naniwala pa sa mga galaw at lambing niya!

Gusto kong magwala dahil sa mga narinig ko, mula 'yon mismo sa bibig niya at alam kong 'yon ang katotohanan. Halimaw nga siya! He's not a human!

Ilang minuto na ang nakalipas at hindi ko na alam kung gaano katagal na akong umiiyak dito. Napayakap ako sa unan at naninikip parin ang dibdib ko.  Why do I have to suffer like this? Is this really my fate? Ang masaktan na lang lagi at magdusa?

Bakit sa dinami-rami ng tao, bakit ako pa? Wala akong ibang gustong hinihiling kundi ang ikasal din ako sa taong mahal ko. Ang lalakeng magpapatibok ng puso ko. The man who I love.

Peru nagkagusto ako sa maling tao, ilang maling tao paba ang makikilala ko bago ang tama? Deserve ko ba ito? Ganun naba ako kasamang anak? Agad akong nagpahid ng mga luha nang marinig ang pagbukas ng pinto. Signals that someone has entered the room. Agad aking pumikit at nagtulog tulugan.

Naramdaman kong gumapang siya sa kama at tumabi sakin. Pinulupot niya ang malaking braso niya sa tiyan ko at mabilis akong pinaharap sa kaniya.

"I know you're awake, I saw you moving earlier"

Hindi ko siya sinagot, nanigas ako ng hinalikan niya ako sa mga labi ko at amoy na amoy ko ang alak na ininom niya. Hindi naman siya lasing, but maybe a little tipsy. Ngunit wala na akong pakialam pa! I hate him!

"Tsk! Coke... baby I know you haven't slept yet!"
Hindi ko parin siya pinapansin kahit na hinuhubaran niya na ako.

Ang kapal lang ng mukha niya para gawin ito sakin pagkatapos kong marinig ang lahat ng kawalanghiyaang sinabi niya!  Gusto kong manginig sa galit at pagsasampalin siya. But I can't, I can't vent all my anger for him. Para akong dinudurog.

Wala siyang tigil kakahalik sakin hanggang sa hindi ko na kinaya at naitulak ko siya. Napatitig siya sakin nang nakakunot ang noo.

Nag-iwas ako ng tingin at hindi ko napigilan ang butil ng luha kong umalpas sa mga mata ko.

"What's wrong my Coke?"

My coke niya mukha niya! Napakaplastik niya! Hindi ako sumagot at itinago ang mukha ko sa kaniya.

"What happened to you? Don't make me worry about you! What is it?"
Napailing ako at hinila ang kumot.

"I said what's wrong with you?" He said using his warning tone. Parang sasabog na ako sa sobrang inis sa kaniya. Muli nyang pinulupot yung braso niya sa tiyan ko nang hindi parin ako umimik.

"Baby, please talk to me"

"M-Masama ang pakiramdam ko"
Pinaharap niya ulit ako sa kaniya at pinagpantay ang mga mukha namin.

"Why? What do you feel? Saan masakit sayo? Should I call a doctor, hmn? Nasusuka ka ba or nahihilo?"

Nasusuka ako sa pagmumukha mo Zachary hayop ka! Ang sarap niyang singhalan ng ganun!

"M-Medyo masakit ang puson ko" hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang prangkahin siya sa mga narinig ko. Siguro dahil sobrang nasasaktan lang ako at ang gusto ko nalang mangyari agad ay ang makawala na dito. Makawala mula sa mga mapanlinlang nyang kamay.

"Why? Sobrang sakit ba? Like what kind of pain? Tsk..tell me baby. I am afraid of losing our child"

Gusto kong matawa sa sinabi niya, anak ko lang ang takot niyang mawala at dahil doon nag-init nalang bigla ang mga mata ko at pumait ang lalamunan ko. Sumasakit din ang ilong ko na simbolong iiyak na naman ako.

DEVIL'S WRATH 3: Zachary ZaresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon