CHAPTER 26

5.5K 186 2
                                    

Basta nalang akong napatulala habang nakatitig sa mukha ng bata kanina, kahit anong pagpupumilit niyang pumasok ay hindi sila pinayagan ng mga body guards.

Natagpuan ko nalang ang sarili kong umiiyak sa loob ng isang silid...heto na naman, isa na naman ba itong simbolo sa pagiging misteryo ni Zach? Ayokong maniwala agad dahil gusto ko paring kumapit sa mga pangako niya.

Pero bakit nasasaktan ako ng sobra? Mas masakit pa noong inakala kong legal wife niya talaga si Agatha. Naniniwala ako sa kaniya dahil hindi daw alam ni Agatha na fake lang yung kasal nila noon.

Iyon pala may anak sila! Bakit noong una niyang pumunta dito ay hindi niya bitbit ang bata? Gusto kong magduda ngunit yung mukha kasi ng bata, nakikita ko yung mga mata ni Zach sa kaniya. Napaiyak ako nang maalala ang kulay ng mata ng bata...kulay abo.

Zach has a gray eyes and messy hair na kuhang-kuha niya, pati yung mga kilay. Gusto kong malaman ang katotohanan! Ayokong niloloko niya ako! Masakit sakin ang lahat ng ito, kahit pa sabihin na ako ang huli at mas nauna siya kesa sakin.

Pero bakit una palang hindi sinabi ni Zach sakin para naman mapaghandaan ko hindi yung ganito! Bakit ang dami ko pang hindi alam tungkol sa kaniya? Samantalang ako halos lahat ng meron ako at kung sino ako ay alam niya!

Tapos siya? Ang dami niyang nililihim sakin! Hindi na ako mapakali at namamaga na ang mga mata ko kakaiyak. Hinanap ko yung phone and I dialed his phone number. I greeted my teeth when I heard the operator of the phone, hindi ko siya macontact.

Napatitig ako sa screen at maya-maya ay tumunog ito, unsaved number ngunit agad ko ring sinagot dahil alam kong siya yung tumatawag.

"Good afternoon sir, maaari po ba kayong pumunta ngayon dito? Hindi po namin mapigil ang pag-iyak ni ma'am Cathy. Hinahanap nita po yung anak niyang si Coke. She's trembling like she's scared for something, I think nakaalala___"

Bigla nalang naputol yung linya, napakabog ng sobrang lakas yung dibdib ko. Cathy? That's my mom's name. And binanggit niya rin yung pangalan ko? Napatulala ako at hindi ma process sa isip ko yung mga naririnig ko.

Paano nangyari 'yon? No! Don't tell me nasa kaniya si mom? All this time? Napaluha ako at nataranta..ang gulo ng isip ko ngunit unti-unting may bumabangong galit sa loob ko. Napakuyom ako nang maisip na baka kasabwat siya sa pagpatay kay mommy?

Hindi ko kasi maintindihan kung bakit ganun? Yes, hindi pa confirmed na si mom nga iyon but I heard my name! I really heard it! Hindi naman siguro coincidence lang 'yon, na may anak siyang Coke din ang pangalan, hindi ba?

Napapahid ako ng mga luha ko, kung sakali mang si mommy nga talaga yung tinutukoy ng nagsasalita sa kabilang linya...bakit? Bakit nasa kaniya si mom? Itinago niya ba ang ina ko sa loob ng dalawang taon?

Napakademonyo niya kung ganun! Para ano? Para gawing pamain sa kaaway niya? Para na naman ba sa paghihiganti niya?

Natigilan ako dahil kung anu-ano ang iniisip ko. Ngunit hindi ako mapakali hangga't hindi ko malalaman ang totoo. Hindi ko mapigilang manginig habang nag-iisip ng paraan para malaman ang totoo,nasaan na siya ngayon kung ganun?

Kinabahan ako nang maalala na umiiyak siya at nanginginig na tila takot na takot. Hinahanap niya daw ako, hindi ko maiwasang isipin na ako nga talaga ang hinahanap niya at si mom talaga 'yon.

Naisip kong tawagan yung huling tumawag ngunit naisip kong baka malaman niyang hindi si Zach ang kausap niya. Tinext ko nalang siya na ibigay niya sakin yung location.

Naghintay ako sandali at napaigtad ako ng nagvibrate yung phone.

📥: Nandito sa Aurora sir, sabi mo kasi ilipat namin siya sa black mansion. Nandito na po ang private doctor and also the psychologist, they told me to bring her daughter. Baka sakaling kumalma siya.

DEVIL'S WRATH 3: Zachary ZaresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon