CHAPTER 2

12.5K 396 8
                                    

Umiiyak lang ako habang hinahabol parin kami ni Roux, medyo malayo na ang gap namin sa kaniya dahil sobrang bilis ng pagpatakbo niya ng kotse. Pakiramdam ko sasabog na ang kotse niya dahil sa bilis ng pagpapatakbo niya.

"Shut the fuck up!"at galit na angil niya dahil wala akong tigil kakangawa at lumilingon ako sa kotse ni Roux at  umaasang maabutan niya ako. Ayoko sa lalaking ito, demonyo siya! I hate him!

"You're looking for him huh?" Nanlaki ang mga mata ko nang bigla naang niya inapakan ang preno.  Napakapit ako sa seatbelt ng mabilis niyang pinaikot yung kotse nya sa mismong gitna ng daan.

At nakaharap na kami ngayon sa highway kung saan papalapit ang kotse ni Roux and I'm sure mababangga kami kapag nagkataon.

Sinubukan kong buksan ang pinto ngunit nakalock ito, napalakas ang pagkabog ng dibdib ko nang makita kong may hawak sang mahabang baril at nakatuon ito sa direksiyon ni Roux.

"Say goodbye to your groom! "

"No!" Nakita ko kung paano tumalon at lumiyab ang kotse ni Roux nang bumagsak ito. No! Siya nalang ang makakapagligtas sakin, nakatulala lamang ako sa kontse niya at hindi ko mapigilang umiyak.

Hindi ko alam kung buhay pa siya o__ no, hindi pwede. Hindi ko siya gusto noon pa man ngunit nananalangin ako na sana buhay pa siya at iligtas ako sa mga kamay ng beast na ito! May nakita akong kotse na papalapit and I know it was Dad.

Ngunit mabilis niyang pinaharurot ang kotse niya papalayo. I can't take this anymore. This is too much, he's a devil! Ang sama sama niya!

Dinala nya ako sa isang bahay, this time marami nang guards na nakabantay. Hinawakan niya ako sa braso at hinila papasok ng bahay niya.

"Hayop ka! I hate you! I hate you! Pakawalan mo na ako mamamatay tao ka! " umiiyak na sabi ko.

"Shut up! And yes I am! And you are the next in my death list. But not now because I know that asshole is still alive. At dapat ikakamatay niya bago ka niya makuha sakin, ayaw mo ba? Sabay kayong mawalan ng hininga?"

Napatakip ako sa mukha ko dahil bigla na lamang akong nawalan ng pag-asa. Hindi ko maintindihan kung bakit nadamay ako sa alitan nila. Pagkatapos kong masaktan kay Randall ay ito na naman.

"Ikaw ang magiging kabayaran ng ginawa niya sa kapatid ko. Buhay ang tinangay niya kaya buhay rin ang isisingil ko sa kaniya."

"Hindi ko sabi siya kaano-ano! Pinilit l-lang akong ikasal sa kaniya" humihikbi kong paliwanag sa kaniya baka sakaling pakinggan niya ako. Kinagat ko ang pang ilalim na labi ko upang pigilan ang paghikbi ko ngunit matalim lang siyang nakatitig sakin.

"As I said, pinilit kaman o hindi wala akong pakialam. As long as hinahabol ka niya at halos mamatay siya para lang makuha ka ay mas lalo kitang hindi papakawalan!"

"No, nagmamakaawa ako sayo. Please huwag mo akong idamay rito" muli kong pagmamakaawa sa kaniya. Ngunit matigas ang mukha niyang nakatitig lamang sakin, ni hindi ko nakita ang awa sa mga mata niya.

"Shut up, dahil ang mahalaga sa buhay niya ay kukunin ko. Just like you, mahalagang tao rin ang tinangay ng gagong 'yon sakin kaya gantihan lang" malamig na boses na sabi niya.

"At kahit anong iyak mo pa, hindi ka makakawala sakin. Miss Coke right?" Napaatras ako nang maramdaman ko ang kamay niya na hinahaplos ang balikat ko.

Basta nalang ako kinilabutan sa ginawa niya. Agad ko siyang tinulak nang hapitin niya ako sa baywang papalapit sa kaniya. Napakabog ang dibdib ko dahil sa kabang nararamdaman ko ngayon.

Nakatitig lamang siya sakin kaya kitang-kita ko ang kakaibang emosyon sa kulay abo niyang mga mata.

"Bitawan mo ako!" Galit kong sabi ngunit ngumisi lamang siya sakin kaya mas lalo akong kinabahan.

DEVIL'S WRATH 3: Zachary ZaresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon