CHAPTER 15

6.5K 202 9
                                    

Hindi nga siya nagbibiro na dadalhin niya ako sa isang isla. Pakiramdam ko tuloy mas lalong wala ng taong makakahanap pa sa kin.

I missed dad but, I admit that I want to be with Zach. Di ko alam ba't ganito ang nararamdaman ko, parang nabaliwala nalang lahat ng sakit at hapdi na naramdaman ko.

And I realized that when we made love last night. Binigay ko ang sarili ko sa kanya ng buong-buo. Hindi ako nag alinlangan, at pakiramdam ko handa na akong tanggapin kung ano uri siyang tao.

The way he care for me, alam kong mahal niya ako, kaya siguro ang bilis kong nahulog sa kaniya. Helicopter ang ginamit namin kaya mabilis kaming nakarating. Hindi ko alam kung saang lugar niya ako dinala. Sobrang ganda ng isla which is may napakalaking white mansion na nakatayo sa pinakamataas na parte ng lugar.

Nasa hallway palang papasok ng gate ay napakarami nang nakablack suit na mga tauhan niya. Talagang hindi ako makakatakas kung sakali, meron akong kaunting pag-alinlangan sa kaniya ngunit agad ding nawawala kapag nilalambing niya ako.

At ako na yata ang pinakatangang babae na nabubuhay ngayon, inaamin ko 'yon dahil noong una sinabi kong gagawin ko ang lahat makakawala lamang sa kaniya. Ngunit bigla nalang nagbago ang lahat, kasi wala naman akong choice kung hindi niya rin naman ako pakakawalan eh.

"Do you like here baby?" Napalingon ako sa kaniya nang yakapin niya ako mula sa likod.

Kitang-kita mula sa malayo ang malawak na karagatan kapag dumungaw ka sa terrace. Kahit nga nasa loob lang ng room, dahil glass wall naman.

"So? Ayaw mo dito?" He asked me again.

"Maganda naman dito, pero bakit parang ang layo naman? P-Pano pala kapag nanganak na ako?"

"Dito, it's not a problem okay? Leave it on me, don't worry about it. So Are you hungry?"
Sabay himas niya sa tiyan ko na may kaunting umbok. Umiling ako sa kaniya at napatawa ako na siyang nagpatitig sa kaniya sakin.

Kakakain ko lang kasi tapos tinanong niya na naman ako kung gutom ako. Parang tataba ako sa ginagawa niya, ang bilis tuloy umumbok ang tiyan ko.

And I still cant believe it, hindi ko maimagine na buntis ako, na lulubo ang tiyan ko at manganganak sooner. Napakainit ng katawan niya kapag nadidikit sakin or ako lang ang nakakaramdam nito? He kissed my cheeks at maya-maya ay lumipat na sa bibig ko.

I can't help but to moan softly. Parang sasabog ako sa tindi ng kaba na nararamdaman ko sa tuwing ginagawa niya ito sakin.

"Do you trust me my Coke?" He said when he broke the kiss. Ang totoo hindi ko rin alam yung sagot sa tanong niya. Napatango nalang ako, hindi ko din kasi alam ang susunod na mangyayari.

"Really? So no matter what happen, you won't leave me baby?" Nag-init naman ang mukha ko dahil sa sinabi niya. Magagawa ko pa kayang iwan ang tulad niya gayung inalay ko na nga ang sarili ko sa kaniya. Napayakap nalang ako sa kaniya.

"I won't Zach. Sayo lang ako, all yours" naramdaman ko nalang na hinalikan niya ako ng paulit-ulit sa buhok ko.

At aaminin ko kinikilig ako sa ginagawa niya. Siguro nakulong na ako sa mga trap niga, and I can't stop myself for liking him. Damn this devil! He really managed to make me fall for him.

Lumipas ang dalawang linggo at aaminin ko saglit kong nakalimutan kung sino ako, napuno ako ng kasiyahan na ngayon ko lang naramdaman sa tanang buhay ko. Imagine that? Sa isang tulad niya pala ako makakaramdam ng tulad nito. Akala ko kasi habang buhay ko na siyang kamuhian. He never leave me any seconds at tila para siyang buntot na nakatali sa akin.

God! Hindi ko maiwasang mapangiti kung gaano siya ka possessive pagdating sakin. Akala ko nga kasi kaiinisan ko ang ugali niyang 'yon. Napakacaring niya rin, ni hindi ko akalain na may ganito pala siyang side.

DEVIL'S WRATH 3: Zachary ZaresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon