CHAPTER 13

300 13 2
                                    

HUMIHIGOP ng kape si Destiny habang nagbabasa ng balita sa Ipad. Nasa garden siya ng bahay, she decided to take the afternoon off dahil wala siya sa mood harapin ang mga papeles sa lamesa. Nasa opisina pa rin si Siggy. Natigil siya sa pagbabasa nang may marinig na tunog ng bell sa labas, she can hear children shouting. Na-curious siya kaya pumunta siya sa front gate para tingnan kung ano ang nangyayari.

May mga batang nagkakagulo dahil sa ice cream cart. It was a hot afternoon kaya masarap kumain ng ice cream para sa mga bata. Pinanood niya hanggang sa mabigyan lahat ng ice cream ang mga bata, after her curiosity was sated, nag-decided na siyang pumasok nang may tumawag sa pangalan niya.

It was the ice cream vendor. Matandang lalaki, nakasuot ng asul na uniform ng ice cream brand with matching baseball cap. May payong ang bisekletang minamaneho nito kung saan nakakabit ang freezer para sa paninda.

"Hindi mo na siguro ako natatandaan," sambit ng lalaki at binuksan ang freezer. "Natatandaan pa kita, hija. Ikaw itong nangunguna dati sa labas kapag naririnig mo ang bell ko." Kumuha ito ng strawberry-flavored popsicle. "Dito ka na pala nakatira." The old man handed her the popsicle pero tiningnan lang niya ito.

"Nasa loob ang wallet ko," sagot niya sa matanda. Then a vague memory of a six-year old version of her flashes on her mind. Sumisigaw siya sa nanny niya na paparating na ang ice cream cart at nagtatakbo siya palabas para salubungin ang tindero. Twice a week dumadaan ang ice cream cart sa kanila kaya excited siya tuwing Saturday at Wednesday.

"Libre na ito. Matagal rin kitang hindi nakita. Tanggapin mo na." There's a warm smile on his face, hindi niya matandaan ang tunay na pangalan nito pero alam niya na Mr. Ice Cream ang tawag niya rito noon. Inilusot niya ang kamay sa gate at tinanggap ang popsicle. Nagpaalam na ang lalaki sa kanya habang siya ay nakatingin lang sa bigay nito.

Bumalik siya sa garden, hindi niya namalayan na binubuksan na pala niya ang ice cream at sinimulan niyang kainin iyon. It was cold and sweet.

BINUKSAN ni Siggy ang pressure cooker at hinalo ang pinakuluang karne ng baka, nagluluto siya ng kare-kare, requested ni Destiny. Out of all the expensive dishes in the world ay kare-kare ang paborito nito. Nagtaka siya dahil alas-tres pa lang ay nagsabi ito ng uuwi na, pinasama siya nito sa bahay para lang ipagluto ito ng kare-kare. Nasa lamesa ang dalaga, nakaharap sa laptop, nag-o-online shopping.

"You're turning thirty." It was a statement for her. Magta-treinta na ang boss niya at hindi halata sa hitsura nito.

"Uh-huh. Why do you ask?"

"Any plans on getting married?" Inilagay niya ang peanut butter.

"Marriage is not for me. Ikaw?"

Tumalikod siya para itago ang mapaklang ngiti. She's too honest about not being married. Why are you asking her? Aalukin mo ba ng kasal? If Destiny will permit, hindi siya aalis sa tabi nito. Mas pipiliin niyang maging assistant nito habang buhay kaysa matali sa iba. Guess that he really loves her. Love? You love her? Muntik pa siyang mapaso sa realization na iyon. The first time he saw her, not in the office but years ago, her face smudged with mud and tears, her eyes that stares so deeply in his soul, something struck him during that time.

"I want a big family." Malaki ang pamilyang kinalakihan niya, wala man siyang kapatid ay marami naman siyang pinsan.

"Sounds nice. Is it done yet?" Isinara nito ang laptop at sinilip ang kare-kare niyang nagsi-simmer. Sa huli na niya ilalagay ang mga gulay.

"Not yet. Magluto ka ng kanin." Ibinigay niya rito ang rice cooker. Destiny never cook anything in her life.

"Do you want my house on fire?" Itinulak nito sa kanya pabalik ang rice cooker. Natawa siya sa isinagot nito. Kumuha siya ng bigas sa dispenser at hinugasan. If would be nice to grow old with her. Kung ayaw nitong magpakasal ay ayos lang sa kanya, he can live with that. Habang hinihintay ni Destiny na maluto ang ulam ay nagbasa muna ito ng libro, hindi siya nito iniwan sa kusina.

"How about having children?" If they are going to have a baby, he's so sure that their princess will be smart and beautiful like her mom. You want a baby girl huh?

"Hindi ko maalagaan ang sarili ko, bata pa kaya?" She put down the book. "Why are you asking so much? Magpapakasal ka na ba?"

"No. I'm just curious. I'm sure that you look stunning in a wedding gown." Huli na para bawiin niya ang sinabi. Matamang tumingin sa kanya ang dalaga, there's a sad look on her eyes na agad ring nawala. Tumayo ito at binuksan ang cupboard, she took out two plates and utensils, set it down on the table. Kumuha rin ito ng wine sa rack at dalawang wine glass. She poured herself a glass and drank it.

"Bago ko makalimutan, your uncle sent the invitation already." Mabilis niyang kinuha ang invitation letter na nasa ibabaw ng counter table para sa birthday party ni Maximo. Ibinigay niya ito sa dalaga at binasa naman nito ang laman. "Are you coming?"

"I'll drop by." Luto na ang kare-kare niya at magana namang kumain si Destiny.

THE hotel's large function room was screaming with elegance, bukod sa mga makikintab na dekorasyon at chandelier sa kisame ay nagkikislapan rin ang mga tao dahil sa karangyaan. May kakabit na garden ang function hall kung saan may mga ilang bisita ring nakikihalubilo sa iba. Naka-abrisete sa kanya si Destiny na takaw-pansin sa suot nitong long-sleeved mermaid gown na kulay silver, the front looks decent pero backless naman. Sleek ponytail, cat eyes make up, and nude brown lips completed her look. Hinanap nila ang lamesa kung nasaan ang tiyuhin nito. The both greeted the old man 'happy birthday' at nakipagkwentuhan sa mga bisita nito. He handed Destiny a glass of champagne and she smilingly accepted it.

"Do you want to dance?" tanong niya ng pumalinlang ang matamis na musika. Bukas ang dancefloor para couples sa gustong magsayaw but knowing her, hindi ito sisiksik sa maraming tao. Dinala niya ito sa garden at humanap siya ng spot na walang tao. The garden lights were dimmed, making her beauty shine more. He guided her hand to his shoulder, maingat niyang hinawakan ang beywang nito and then they dance with the music.

Ayaw niyang matapos ang gabing ito. He leaned closer to her ear and bravely mutter the words that he's meaning to say all this time. 'I love you.' He heard her gasped. Tumigil ito sa pagsayaw at bahagyang lumayo sa kanya. She removed her hand on his shoulder and let go of his other hand.

"You don't mean that." Her mouth was trembling and regret was all over her eyes.

"I'm not kidding!" Ginagap niya ang kamay nito.

"You can't, Siggy!" Binawi nito ang kamay. She shook her head with disbelief. "I've been reckless, too reckless." Bulong nito pero narinig niya.

"I don't need your answer right now. I want you to know what I feel. I can wait." He understand. If it's Destiny, he will always understand.

"I like you Siggy, but I cannot love you." Those words struck his heart.

"It's too soon to say that. Is Laude?" Umiling ito. "Vana? Or is it Adison?"

"I can't Siggy!" Lumayo pa ito sa kanya. It feels like she distanced herself away from him that he cannot eventually reach her. "I cannot love myself, paano ako magmamahal ng iba?" She's about to cry but there's no tears coming from her eyes.

"I will wait. Kung anuman ang bumabagabag sa'yo, you can tell me." He stepped forward, reaching her. Masyado ba siyang naging mabilis? Maybe he got too excited at natakot niya ito. Naaalala niya walang seryosong naging karelasyon si Destiny, she's not ready for commitment. Maiintindihan naman niya, he can wait.

Lumapit pa siya rito hanggang sa mayakap niya ang dalaga. She did not resist.

"Bring me home." Tahimik lang sila buong biyahe. Sa halip na gumaan ang pakiramdam dahil nakapagtapat na siya ay lalo pang bumigat. Pagdating sa bahay ay pinapasok siya ni Destiny, he was told to wait in the living room and when she came back, she holding a black box on her hand. Ibinigay nito sa kanya ang susi.

"If you really want my answer, here it is." 

Chained DestinyWhere stories live. Discover now