Chapter 16

250 9 2
                                    

SUNUD-SUNOD na mura ang pinakawalan ni Siggy nang ma-realize na walang tao sa penthouse ni Destiny. Nang makalapag sa airport ay dumiretso siya sa Time Square pero walang Destiny roon. Bumaba siya ang tinanong ang front desk kung dumating ba si Destiny pero wala itong record log. She's not in New York! Gusto niyang suntukin ang sarili dahil sa padalos-dalos na desisyon. Clearly, ayaw pa siyang kausapin in Destiny and he's an insensitive prick not knowing any better. Nakalagay sa files ni Destiny na isa siya sa mga tenant ng penthouse kaya binigyan siya ng receptionist ng spare key.

Umakyat siya ulit, pumasok sa loob, at ibinagsak ang katawan sa malambot na couch. White and grey ang interior ng penthouse, walang woman's touch at parang isang bachelor ang nakatira. Bumangon siya at pinaghanda ang sarili ng kape. Kahit anong pagod niya ay hindi siya dinadalaw ng antok.

Binuksan niya ang luggage at kinuha ang laptop, CD at medico-legal. He googled Destiny's name, same old. Wala siyang makita sa internet patungkol sa nangyaring kidnapping sa dalaga noong fourteen years old ito. It's a huge possibility that his boss had someone erased the traces of the incident fifteen years ago, ganoon ito ka-powerful bilang isa sa mga pinakamayaman sa Pilipinas.

Destiny, what to do with you?

Biglang nag-ring ang cellphone niya, isang overseas call at hindi naka-register ang number sa business phone niya.

"Hello?"

"Segundo Arevalo," boses ng babae ang nasa kabilang linya.

"Speaking. Who is this?" Pamilyar sa kanya ang boses pero hindi pa rin niya maalala kung sino ito.

"Totoo ba ang tsismis na sinaksak ng isang reporter ang boss mo?" Kumunot ang noo niya sa tanong ng nasa kabilang linya. Isa yata itong paparazzi mula sa Pilipinas.

"What do you mean? Paano mo nakuha ang number na ito?" Hindi na dapat siya nagtanong dahil masyadong resourceful ang mga tsismosong reporter, kahit na i-block niya ang mga ito ay nakakahanap pa rin ng paraan para ma-contact siya.

"Hay naku, Mr. Arevalo, bakit huli ka na sa tsismis eh tungkol sa boss mo ang balita. Nasaan ka ba?" May pangungutya pa ang boses nito.

"Saan nangyari ang insidente?" Curious na tanong niya.

"Wow, hindi nga kayo magkasama! Sabi ng source ko ay sa Nueva Vizcaya raw. Walang sense pala ang pagtawag ko sa'yo." Naputol na ang tawag at nagkumahog siya sa paghahanap ng return flight sa Pilipinas. Kung nakarating sa Nueva Vizcaya si Destiny ay malamang na pupunta ito sa Isabela. Matagal na nitong sinasabi ang tungkol sa farm na gusto nitong bilhin. May nakita siyang byahe mamayang alas-otso ng gabi, iyon ang kinuha niya.

Habang nasa executive lounge ng airport at naghihintay ng boarding ay nagtatalo ang puso ang isip niya kung handa ba siyang makita si Destiny--no, kung gusto ba siyang makita ng dalaga. Obviously not dahil tinakasan siya nito. Gusto lang niyang malaman kung okay lang ba ito, gusto niya itong makita, hindi siya magtatanong ng kung ano-ano. Iniwan niya sa penthouse sa New York ang mga ebidensiya, mayroong safe sa loob ng kuwarto ni Destiny at doon niya itinago.

Dahil sa wi-fi access ay hinanap niya ang balita na sinabi ng reporter kanina. May mga blind item nga pero walang mga pangalan ng mga nasangkot. He sent an email to the president of the company at agad naman itong sumagot, wala nga raw sa opisina si Destiny at naka-leave. Mabuti na lang at hindi ito nag-usisa kung bakit hindi sila magkasama.

SIGURADO si Destiny na alam na ni Siggy kung nasaan siya, medyo lumaki ang issue na sinimulan niya at na-mention pa ang pangalan ng lugar kung saan nangyari ang insidente. Kilala niya ang ugali ni Siggy, kapag may nangyari sa kanya ay tiyak na sisiguraduhin nito ang lagay niya. Natuloy ito sa New York at alam niyang pabalik na ito sa Pilipinas. Pagkatapos na pagkatapos malibot ang buong farm at nagkapirmahan na ng deed of sale ay humanap ay humanap siya ng flight pabalik sa Manila ay didiretso siya sa New York. Ayaw muna niyang makausap ito. Everything went smoothly hanggang sa makarating sa NAIA. Hindi niya alintana ang pagod ng katawan, hindi rin siya nakatulog buong biyahe.

Habang binubuksan ang pinto ng penthouse ay doon lang siya nakaramdam ng gutom, magpapa-deliver siya ng pagkain ay magbababad sa bath tub. She felt sore all over. Ayaw rin niyang tumingin sa salamin dahil alam niyang may eye bags na siya. It was ten in the evening at buhay na buhay pa rin ang siyudad. Itinulak niya ang pinto at kinapa ang switch ng ilaw. Masakit pa rin ang sugat sa braso niya na nilalabanan lang niya ng pain killer.

She stood frozen when she saw a familiar figure sitting on the couch. Naka-white shirt at pajama si Siggy, nakatingin ito sa kanya. Mukhang kanina pa ito naghihintay. Kita niya ang relief sa mukha nito.

"I thought you left." Pinatatag at pinataray niya ang boses. She closed the door and removed her shoes.

"Almost. Na-realize ko lang na hindi kita maaabutan sa Isabela kaya hinintay na lang kita rito. Do you want something to eat? May left over pizza sa fridge." Naiirita siya dahil sa malumanay na boses nito na para bang wala siyang ginawang kasalanan rito. Why do you have to be so kind, Siggy?! "I will fix your bath as well." Akmang tatayo ang binata nang pigilan niya ito. Umupo siya sa single-seater sofa paharap rito.

"Can't you see that I'm pushing you away?" seryosong tanong niya sa binata. Pinagkrus niya ang mga braso. He's gorgeous as ever kahit na may stubbles sa mukha nito. Parati itong nag-aahit at malinis tingnan, ngayon ay nagmukha itong maangas.

"Alam ko but I can't stay away." Sincere ang boses ni Siggy at lalo siyang nahihirapan. "Hindi kita kayang saktan kaya maghihintay ako sa'yo."

"But I am hurting you." Doon na pumatak ang mga luha niya. "I used you for my convenience. I did not expect that you will have feelings for me at gusto ko mang tanggapin at suklian ang pagmamahal mo ay hindi ko kayang gawin. The evidence of my past is a proof that I am not able to love someone." Siggy kept his distance. "I haven't watched that video but I know kung ano ang laman. It was the day that I escaped. That man decided to film me, us. I can't remember kung paano ako nakatakas, I just see myself running away, far away from those filthy people. I want to shout and say that they did something so bad to me, but I can't. There's no words coming out of my mouth for three years. I secluded myself because I am dirty." She's trembling and when he initiated to come near her, she stopped him. 

Chained DestinyWhere stories live. Discover now