Chapter 19

265 10 0
                                    

SIGGY gritted his teeth with frustration dahil hindi pa rin siya maka-move on sa pagbisita ni Uncle Adison kanina, he was not really expecting that! Inamin na rin sa kanya ni Destiny na may nangyari na sa mga ito and now ginagamit pa ng dalaga ang lalaki para lumayo siya. Pagkatapos niyang maglinis sa kusina ay pumasok siya sa kuwarto para naman ayusin ang sarili, he shaved his face and then took a shower.

"Think, Siggy. Kilala mo si Destiny at alam mo kung paano siya lumaro." He shampooed his hair thoroughly. He both have to gain something kung mawawala siya sa landas nito and he wants it to be for the better. Kailangan lang niya ng assurance na kakagat si Destiny sa gusto niya. Talagang iniiwasan siya ng dalaga dahil nagawa nitong lumabas sa apartment, alam niyang dala nito ang sasakyan dahil kinuha nito ang car key na nakasabit sa keyholder. Least favourite city ni Destiny ang New York City dahil crowded at kung saan man ito pupunta ngayon ay tiyak na doon sa kakaunti ang tao. Nang matapos siyang maligo at magbihis, pumasok siya sa kuwarto ni Destiny kung saan naroon ang safe.

Pinagkatiwala sa kanya ni Destiny ang ebidensiya ng madilim na nakaraan nito, now he doesn't know what to do with it. Hindi niya ilabas ibigay ang mga iyon sa awtoridad dahil wala siyang karapatang manghimasok. If Destiny do not want to open the investigation, sino siya para makialam. Hell, basted na nga siya at namemeligro pa ang posisyon niya bilang executive assistant ng dalaga.

Wala na sigurong sense para mag-stay pa siya rito, mabilis siyang nag-empake ng mga gamit, hindi pa naman kumpirmado kung sesante na siya o hindi. Mas mabuti pa na magtrabaho na lang siya para hindi siya tuluyang mabaliw sa kaiisip. Habang sakay ng taxi ay tumawag siya sa isang airline company para i-check kung may available flight ngayong araw.

"Unfortunately sir, we don't have anything for chance passeng-"

"I'm looking for first class," putol niya sa representative. Hindi siya rude na tao pero wala siya sa wisyo para maging mabait sa mga panahong ito.

"Let me check again, sir. May I put you on hold?"

"Yes." Tatlong minuto siyang naka-hold hanggang sa balikan siya ng babae at sinabing may available flight mamayang alas-tres, binigay niya ang company credit card information para mabayaran ang ticket. Nag-send rin siya ng email sa receptionist sa opisina ni Destiny na babalik na siya. Fuck everything! This must be the start of his destruction.

PAGPASOK pa lang ni Destiny sa isang high-end na salon and spa na w-in-elcome na siya ng receptionist at tinanong kung mayroon siyang appointment. She said yes and the lady escorted her to one of the VIP section kung saan may sariling silid para sa services. She badly needed all the treatments dahil sa stress, kahit na mukhang well-hydrated ang balat niya ay ramdam niya ang pagkakaiba ngayon.

Umupo siya sa salon chair at inabutan ng champagne ng hair dresser.

"I want my hair this," itinuro niya ang collarbone, "short." The female hair stylist took a pair of gloves and started doing her hair. Pagkatapos ng gupit ay nag-ready siya para sa luxury facial treatment hanggang sa manicure, pedicure with foot spa. Binuno niya maghapon niya sa pagre-relax at nakatulong iyon sa katawan niya. Habang kumakain ng macaroons sa katabing coffee shop ay naisipan niyang tawagan si Adison, isang daang porsyentong pampapawala ng stress if she's gonna get laid tonight.

"Hey, babe!" Tuwang-tuwa ang boses nito nang sagutin ang tawag niya.

"Are you free tonight?" Ibinaba niya ang strawberry and cream macaroon sa platito at tiningnan ang itim at mahabang coffin-shaped nails, pinalagyan niya iyon ng gold sparkles bilang disenyo.

"I'm yours all night, babe. It's almost time for dinner, I can pick you up."

"I have my car with me, just tell me where our meeting place." Sinabi nito ang hotel na kinaroroonan nito. It's four in the afternoon at tiyak na aabutin siya ng isang oras o mahigit bago makarating sa hotel dahil sa matinding traffic, simula na ng rush hour.

Nasa The Ritz-Carlton Hotel midtown Manhattan ang binata kaya doon siya pumunta, hindi niya inasahan na nasa lobby si Adison para salubungin siya. The five-star hotel emits elegance with a touch of modernity. Adison walked towards her with so much confidence and it affected her pati na rin ang ilang mga kababaihan roon. A blue cashmere sweater and a simple jeans, paired with brown loafers ang suot nito at nagmukha na namang modelo ang binata. Nang makalapit ay hinawakan nito ang dulo ng buhok niyang bagong gupit.

"Pretty." An admiration on his eyes clearly showed. Para hindi hinugutan ng hininga nang halikan nito ang tuktok ng ulo niya at pinaikutan ng braso ang beywang niya. "I reserved a table for us in Contour." Ang Contour na tinutukoy nito ay ang restaurant bar and lounge sa loob ng hotel. As they went inside, the hostess assisted them regarding the reservation and the waitress in an elegant black uniform led the two of them to the table. Halos puno ang restaurant lalo na't happy hour at na-amaze siya kung paano nagawang magpa-reserve last minute ni Adison, well, money talks.

They were seated beside a glass window with a view of South Central Park in Manhattan. Komportable rin ang velvet dining chair na pinaresan ng bilog na dining table na gawa sa marble. Warm ang ambience ng restaurant, rinig niya ang mellow jazz music mula sa kabilang bahagi kung saan mayroong live band. Binigyan sila ng waitress ng tig-isang menu at iniwan sila saglit para pumili ng o-order-in. Thankfully, she did not eat much earlier in the cafe. She will indulge for tonight, literally and figuratively.

"I'm still in awe that you are with me for dinner." Hindi na nagtagal pa sa pagpili si Adison ng pagkain nito at isinara ipinatong ang menu sa lamesa.

"Would you like to order something to drink?" Binalikan sila ng waitress.

Nginitian siya ng binata at tumango. "The privilege is yours, my lady."

"Gin and tonic, please, make it two." Hindi niya binitawan ang eye contact with Adison. She specifically asked for those drinks because the acidity of the liquor will enhance their tastebuds to prepare for the actual meal. Pagbalik ng waitress dala ang gin and tonic ay handa na silang um-order. She chose truffle mushroom flatbread and burrata-a grilled ciabatta, isang uri ng tinapay na pinatungan ng heirloom tomato with extra virgin olive oil and balsamic vinegar. As for the main course, roasted chicken served with potato, grilled brussel sprouts, and pancetta, glazed with the roasted meat's juices. Medium rare rib-eye steak with the side of asparagus ang order ni Adison. They paired the meal with a bottle of Gaja Sito Moresco red wine from Piedmont. Para sa dessert, chocolate cake ang napili niya while Adison preferred a New York Cheesecake.

Her OCD was up and down, dahil mas relax na siya ay hindi na niya ni-requests a waitress na magsuot ito ng gloves habang nag-se-serve. Ayaw rin niyang isipin ni Adison na napaka-extreme siya. Shocking to say ay nagiging conscious siya sa harap ng binata. The dinner was quiet but lovely, pangiti-ngiti lang silang dalawa, at nagkukwentuhan.

"The chopper is ready for you," sambit ni Adison habang naglalakad sila palabas ng restaurant. Nakaakla ang kamay niya sa braso nito.

"Who told you that I'm going home tonight?" She's stating a fact. Wala siyang balak na umuwi sa penthouse ngayong gabi. Tiningnan niya ang cellphone, it was already eight in the evening. Himalang walang text or missed call mula kay Siggy, he's giving her space, na dapat lang ay ibigay nito.

Narinig niya ang mahinang pagtikhim ni Adison at lumabas ang pilyong ngiti sa mga labi nito. Tumapat sila sa nakasarang pinto ng elevator, Adison pressed the button at ilang segundo lang ay bumukas iyon. Walang ibang pasahero sa loob. Sumara ang pinto at pinindot ng binata ang number fifteen. Walang nagsasalita sa kanilang dalawa but she can feel that Adison was hot and bothered, ganoon rin siya. Muntik pa siyang mapaungol nang haplusin nito ang likod niya pababa hanggang balakang.

Hihilahin na sana niya ito para bigyan nang halik nang biglang bumukas ang pinto, may dalawang babaeng sumakay. Mga socialite base sa first impression niya, the blonde and brunette ladies were wearing high-end brands from head to toe at hindi na lantarang binibigyan ng malisyosong ngiti si Adison. Too bad, his attention was strictly directed to hers, patuloy ito sa paghaplos sa likod niya. Maybe she's exaggerating but it felt like hours and they are still six floors away from his suite. Hindi nakatulong ang pagpisil-pisil ni Adison sa balakang niya sa init ng katawan niya.

Sa wakas ay narating na nila ang fifteenth floor, bumaba rin ang dalawang babae, at sa katabing suite pala naka-check in ang dalawa. Kitang-kita niya ang inggit sa mga mata ng dalawang babae. Too bad, bitches, this hot guy is mine. 

Chained DestinyWhere stories live. Discover now