Chapter 14

275 10 2
                                    

UMUWING tulala si Siggy, luckily for him, he have stocks on alcohol at home. Puwede siyang magpakalasing dahil wala namang pasok bukas. This one-sided love really hit him bad. Masyado siyang nag-expect na pareho lang sila ng nararamdaman ni Destiny. Yakap ang kahon ay umupo siya sa carpeted floor sa living room, hawak ang alak sa kabilang kamay. He's not a drinker kaya siguro siyang knock out siya kapag naubos niya ang isang bote.

Is he not enough for Destiny? Bigla na namang sumagi sa isip niya ang eksena sa yate, Adison and Destiny, together.

Nakatulugan na niya ang pag-iyak at kalasingan. He woke up with a pounding head the next morning. He looked like a mess. Bumangon siya at napansin ang kahon na ibinigay ng dalaga. Hinanap niya ang susi sa bulsa. He opened it and there's an envelope inside. Kinuha niya ang laman ng envelope, it was a yellowish document. Medico Legal. Kumabog ang puso niya nang makita ang pangalan ng pasyente. May laman pa ang box, isang cd. He took his laptop and inserted the cd.

Malabo at medyo madilim ang video pero kita niya ang isang maliit na kama. May nakasiksik doon. May pumasok na lalaki at biglang nagsalita ang nasa kama. Kilala niya ang boses na iyon, a young voice but still he knows. Nakita niya kung paano posasan ang babae sa kama. Biglang nag flashback sa kanya ang pagbisita ni Detective. The guy started doing nasty stuff to her at sumisigaw ang babae. Halos hindi makagalaw si Siggy.

Narinig niya ang lalaki na paulit ulit na sinasambit ang pangalan ni Destiny...

Para siyang nahulasan sa napanood. Nanginginig na binuksan niya ang envelope at nakita ang medico legal na binanggit si Maximo and it states that there's a multiple laceration in her vagina, marami ring pasa sa katawan. He remembered, she was kidnapped for almost four months. May OCD at ayaw magpahawak sa iba. Hindi na niya tinapos ang video dahil hindi kaya ng sikmura niya. He started Googling the kidnapping incident pero wala siyang makita sa internet. There's a possibility that Destiny have them erased, she has money and power, everything is possible for her.

Nanginginig na kinuha niya ang cellphone, ilang minuto rin niya bago nahanap. He dialled Detective Dela Vega's number at sumagot naman ito.

"I need your help." Tiningnan niya ang medico legal. "May files ka ba tungkol sa kidnapping incident noong December 31, 2005?"

"Maraming kidnapping incident during that time. And I can't give you any information unless you have a piece of evidence to open again the case." Natigilan si Siggy sa sinabi ng detective. Destiny entrusted him with the cd and the medico-legal.

"N-nevermind. Thank you." He ended the call. Something must be done at kailangan niyang kumbinsihin si Destiny na magsampa ng kaso laban sa taong nagpahirap rito.Tulala siyang naligo. Pinuntahan niya ang dalaga sa bahay nito, nakailang doorbell na siya sa gate pero walang nagbubukas. Sinubukan niyang i-enter ang kanyang access code sa keypad ng gate pero denied iyon. Tinanggalan na rin siya ng access ni Destiny sa bahay nito.

Luminga-linga siya sa paligid bago inakyat ang mataas na gate. Nang makababa ay tinungo niya ang malaking entrance door at pinihit ang seradura. It was locked. May another passcode na kailangan para mabuksan ang main entrance, sinubukan ulit niya ang code niya pero denied pa rin. Kinuha niya na cellphone sa bulsa at tinawagan ang dalaga. His number was blocked. Huminga siya ng malalim.

"Sir Siggy, wala ho si Madam," sumulpot ang hardinerong si Mang Boy na nanggaling sa garden.

"Alam ninyo ho ba kung saan pumunta?" pinigil niya ang sariling maiyak. Magang-maga na ang mga mata niya dahil sa kaiiyak mula pa kagabi.

"Hindi ho eh, pero may dalang maleta." Nagpaalam na siya sa matanda. Lalo siyang nakadama ng panlulumo. Tiningnan niya ang schedule ni Destiny sa kanyang phone. Naroon pa rin ang schedule nito until December. Wala nakalagay sa calendar na may out-of-town meeting ito. Nakahinga siya ng maluwag nang makita na may access pa siya sa business at personal email nito. Isang email mula sa Philippine Airlines ang nakita niya, it was an electronic ticket going to New York. Alas-sais ang flight at malamang kanina pa ito nakalipad, it was past nine in the morning already.

May penthouse ito sa New York, nagmadali siyang umuwi at humanap ng available flight ngayong araw. Luckily ay may natsambahan siya. He needed to talk to her.

DESTINY started na engine after the phone call she received from a detective. Pinasundan niya kagabi si Siggy hanggang kanina. Ayon sa detective ay nasa airport na raw ito papunta sa New York. Sinadya niyang bumili ng ticket kagabi nang makaalis ito dahil alam niyang pupuntahan siya ng binata once na malaman nito ang sikreto niya. Nasa isa sa mga condo niya nagpalipas ng oras si Destiny, nang makasiguro wala na si Siggy ay tsaka siya babiyahe papuntang Isabela.

Mahigit anim na oras ang gugugulin niya sa pagmamaneho para makarating sa isang farm na matagal na niyang balak bilhin. Ayaw niyang mag-eroplano dahil gusto niyang makapag-isip-isip habang tinatahak ang daan. Naka-off rin ang gps niya dahil ayaw niya ng istorbo. Ibinilin na niya sa presidente ng kumpanya na mawawala siya ng ilang araw pati na rin si Siggy. Her company will not go down the drain kahit ilang araw siyang wala.

Ang tanging ebidensiya kung ano ang nangyari more than ten years ago ay ibinigay na niya kay Siggy. Pinapagkatiwalaan niya ang binata kaya niya ginawa iyon. Nang matapos ang therapy niya sa ibang bansa ay nag-hire siya ng isang tauhan she to dive into deepweb to have those footage deleted at pinahanap rin niya ang medico legal dahil hindi siya naniniwala na tuluyan nang nawala ang kopya noong nagkasunod sa clinic kung saan siya pina-check up. The guy found a copy from deep web, too at pinubura rin niya iyon.

No one can make Destiny Lauchengco fall to the ground, even her past. Hindi siya papayag na yurakan ulit ang pagkatao niya. Totoong hindi niya maalala kung sino ang kumuha sa kanya noon pero sariwa pa rin ang nakakadiring pakiramdam sa tuwing ginagawan siya ng masama ng lalaki. Literal na nanayo ang balahibo ni Destiny dahil sa alaala. Umiling siya ng marahas para tanggalin ang memorya sa isip. Nag-drive thru siya sa Starbucks para bumili ng kape.

"Destiny, will you be okay here?" tanong ng kanyang ama nang makalapit ito sa kanya. Nasa bahay sila ng isang mayor at may meeting roon ang daddy niya. Sa halip na makipahalubilo sa ilang kaedaran niya sa garden ay pinakiusapan niya ang daddy niya pati na si mayor kung pwedeng library na lang siya. Laking tuwa niya nang pumayag ang mga ito.

"I will be fine here, Dad," sagot niya at sinimulang basahin ang librong kinuha sa shelf.

"It must be nice to have a daughter like her," nasa pinto pala si mayor.

"Yes, I am proud of my daughter." Tinapik naman ng daddy niya ang balikat niya. Nagpaalam na ang dalawa sa kanya at masaya siyang nagbasa ng mga libro sa buong durasyon ng meeting ng mga ito sa kabilang silid na opisina ng mayor.

"Ma'am?" nagbalik sa kasalukuyan si Destiny nang marinig ang boses na iyon. Inaabot na pala sa kanya ng barista ang kapeng binili. Inilabas niya ang braso sa bintana ng kotse at kinuha ang coffee cup. Bumili rin siya ng croissant. Nang makuha ang order ay bumiyahe na ulit siya.

Lately ay napapansin niya ang pagbisita ng mga memories noong kabataan niya at kadalasan ay nagkakaroon siya ng panic attack lalo na kung masamang alaala ang nagpapakita sa kanya. Her personal phone rang. Kilala niya ang numerong iyon, it was Adison. Hinayaan lang niyang mag-ring ang cellphone. After four hours of driving, nag-check in siya sa isang hotel para makapagpahinga. 

Chained DestinyWhere stories live. Discover now