Chapter 21 (Edited)

330 11 1
                                    

A LOUD clacked of Destiny's Louboutin's was heard through the lobby of Lauchengco Towers as she walked on the marbled floor of the building. Kita niya na umiiwas ng tingin ang mga empleyadong nakakasalubong nila, it was five in the afternoon at oras na ng uwian. Kasunod niya si Siggy na sinundo siya mula sa airport. Hindi na siya nag-abala pang pumunta sa bahay dahil mag-aaksaya lang siya ng panahon. Salamat kay Adison dahil pinahiram nito sa kanya ang private plane nito, hindi na niya kailangan pang maghanap ng available flight. Lampas dalawampung oras ang flight mula New York hanggang Pilipinas, kaya nakatulong sa kanya na solo lang siya sa eroplano. Nakatulog siya kanina paano.

Sumakay sila sa elevator, bumaba siya sa floor niya habang dumiretso naman si Siggy sa rooftop kung saan kalalapag lang ng helicopter na sumundo sa espesyal niyang bisita. Binati siya ng receptionist but she ignored the poor lady, pumasok siya sa opisina at umupo sa executive chair. Hinilot niya ang namimintig na sentido habang nakatingin sa dyaryo sa lamesa.

Hindi nila nalaman kung kanino nanggaling ang screenshot, mukhang burner phone lang ang ginamit at itinapon ang sim card. The government should start having those sim cards registered to avoid this kind of shit happening. Bumukas ang pinto ng opisina, pumasok si Siggy kasunod si Hope Montecillo. She took a deep breath to calm herself.

"The company that you are working for published this under your name." Kinuha niya ang dyaryo at inangat iyon. Pinigil niya ang sarili na ibato ang newspaper sa babae. She's fuming right now and this lady must be cautious with her words. Hindi pala ito natauhan noong bisitahin siya nito sa hotel and labeled her as crazy.

"Totoo naman ang sinasabi ng article na 'yan, right?" Lalo siyang nainis nang magtaas pa ito ng noo sa kanya.

Tinaasan niya ng kilay si Hope at tumayo. "You know that I can sue you for defamation. Wala kang pruweba para sabihin ang mga bagay 'yan. Pretty interesting na gumawa ka pa ng marketing strategy para magkaroon kayo ng maraming subscriber using my name." Dinutdot niya ng makailang ulit ang newspaper dahil sa panggigigil. "Do you have any idea how I hate press at ngayon siguradong puputaktikhin ako ng mga kagaya mo! Isa pa, paano nagkaroon ng idea ang boss mo para ma-approve ang article na ito? Did you influence him about your obsession with me? You and your company is ruining my reputation! Tell your boss that you have write another damn story to clean up this mess!" She never raised her voice that much na halos mapatid ang ugat sa leeg niya, until now dahil sa babaeng kaharap. Both Siggy and Hope flinched upon hearing her shout.

Pinagkrus ni Hope ang mga braso bago nagsalita. "The article has been published and it can't be easily erased. I-delete mo man yan sa web, marami nang kumuha ng screenshot nito. We're no longer in the nineties. Ms. Lauchengco, you finally gave me what I'm asking for. You're emotions answered all of my speculations. Hindi ka mag-re-react ng ganito kung hindi totoo ang nakasulat sa blind item na 'yan."

Nanlisik ang mga mata niya kay Hope, nagtangis ang mga bagang niya at kating-kati siyang bigyan ito ng sampal. "Siggy," hindi niya nilingon ang binata sa tabi niya. "Get me something to drink. A hard liquor will do." Halos magkadikit na mga mga ngipin niya habang inuutusan si Siggy. Tumalima naman ito at kumuha ng whiskey sa decanter at ibinigay sa kanya ang baso. Inisang lagok niya ang alak. The alcohol flowed down to her throat and that helped her to relax a little.

"I'm not confirming anything, Ms. Montecillo. Masyado ka lang nag-a-assume. Stay out of my life or else, you will lose everything in your life," saad niya sa mababa ngunit delikadong boses. "I can make you homeless within twenty-four hours, no job, no money, no life. For the rest of your waking hours. Don't make yourself regret crossing paths with me." Nilingon niya si Siggy at tumango ito. Binuksan ng binata at pinto pero bago lumabas si Hope ay tumingin ito sa kanya with determination. Nang makaalis ang babae ay bumagsak si Destiny sa executive chair. Nanginginig ang buong katawan niya. She reached for her locked drawer, put the key in, and opened it. Kinuha niya roon ang isang leather box at inilabas ang rolled joint at lighter tsaka pumasok sa banyo. Binuksan niya ang exhaust fan pati na rin ang bintana.

She lit her blunt and inhaled the weed. Ilang segundo niyang inipon iyon sa baga bago ibinuga. Naubos na niya iyon bago pa makabalik si Siggy. Lumabas siya ng banyo at umupo sa couch nang bumukas ang pinto.

"What are you going to do now?" tanong ni Siggy. Naroon na naman ang concern sa boses nito.

"Better to stay quiet. Hire a private investigator to keep an eye on her, pati na rin sa boss na nagsulat ng blind item." Biglang nag-click sa utak niya si Deiandra Capistrano, she also knew something about her past. May posibilidad na nagkausap si Ms. Montecillo at Ms. Capistrano tungkol sa kanya. "Remember Deiandra?"

"'Yung babaeng kasama ni Detective Dela Vega?" Paniniguro ni Siggy.

"Yes. Have someone to keep an eye on her as well. Saan mo tinago ang medico legal at CD?" She massaged her forehead with her thumb and index finger. Nagsisimula na siyang maging euphoric and relaxed because of the marijuana. Mukhang mas mataas ang tama sa kanya dahil uminom siya ng alak kanina.

"Nasa New York. Sa loob ng safe."

Tumango siya at tuluyang ibinagsak ang ulo sa sandalan.

"Did you smoke again? I can smell you, Destiny." Napalitan ng pagkainis ang boses ng binata. "I'm bringing you home. Take a rest." Hindi na siya tumutol. Sinuotan siya nito ng shades dahil siguradong namumula ang mga mata niya. Nang marating ang lobby at hinarang sila ng receptionist, mukhang aligaga.

"Ma'am, may mga reporter po sa labas." Umatras sila nang makita ang mga flash ng camera.

"Fuck," sambit niya. "Did Ms. Montecillo used the chopper?"

"Yes."

"Fuck," mura niya ulit. Inutusan ni Siggy ang mga security guard na pumalibot sa kanya papunta sa parking lot. Paglabas nila ay nagkislapan agad ang mga camera, maiingay ang mga reporter at kung anu-ano ang mga tinatanong. May mga mikroponong nakatapat na halos sa mukha niya. Gusto niyang hablutin ang mga iyon at itapon sa mga mukha ng mga reporter.

"Ms. Lauchengco, ikaw ba ang tinutukoy sa blind item? Totoong na-kidnap ka noong bata ka?"

"Bakit tinago ng pamilya ninyo ang nangyari sa'yo?"

"Stop asking me those nonsense." Mas binilisan pa niya ang paglalakad, binuksan agad ni Siggy ang pinto ng sasakyan at nang makasakay sa backseat ay tsaka lang siya nakahinga ng maluwag. Kinuha niya ang bote ng alcohol at ini-spray-an ang buong katawan. Why can't people just leave her alone? Kahit na buksan pa ang ang kaso ay wala nang ibang ebidensiya maliban sa medico legal at video, ni hindi niya maalala kung sino ang dumukot sa kanya at kung sino ang lalaki na gumawa sa kanya ng kalapastanganan. 

Chained DestinyWhere stories live. Discover now