Chapter 17

255 9 0
                                    

TAMA ang naging desisyon ni Siggy na huwag nang tumuloy umuwi sa Pilipinas. Nang marinig niya ang pag-click ng pinto ay lumakas ang kabog ng dibdib niya. Sinadya niyang patayin ang ilaw para hindi maghinala si Destiny na naroon pa rin siya. Nang bumukas ang pinto kasabay ng pagliwanag ng living room ay nakita niya ang dalaga, kita sa mukha nito ang pagod at kapansin-pansin na hindi nito masyadong iginagalaw ang kaliwang braso nito. Totoo nga yata ang balita na sinaksak nito ang sarili para lang mapaalis ang reporter.

"I though you left." Nasaktan siya sa pagtataray nito. Ramdam niya ang distansya nilang dalawa pati na rin ang pader na lalong pinataas ni Destiny. Umupo ang dalaga sa kaharap na single-seater sofa. Lalong bumigat ang pakiramdam niya nang magsimula itong magtapat, tinangka niyang lumapit pero pinigilan siya nito. He seen her in sorrow, in pain and in sadness pero hindi man lang ito lumuha until now.

"Did you purposely hurt yourself?" Gusto niya ng kumpirmasyon. Hindi ito sumagot. "I take your silence as a no. Are you okay?"

"I can't face you now." Nakayuko ang dalaga. "How can I? Lahat ng ginawa ko sa'yo ay para lang mapunan ang kailangan ko. I didn't think about how you would feel. You need to move on, hindi mo kailangang ma-stuck sa sa akin. I even fucked Adison while I'm messing with you. You can't be with me, Siggy. I'll just destroy you and I don't want that to happen."

Naalala niya ang tagpo sa yate, kung paano magtinginan sina Destiny at Adison. Destiny never looked at him like that. May adorasyon sa mga mata ng dalaga sa tuwing tiningnan siya nito at hanggang doon lang iyon. He removed the thoughts on his head, mas importante ang kalagayan ni Destiny kaysa sa pagkabigong nararamdaman niya ngayon.

"File a case. You need justice, Destiny. You have the power to get that justice."

"I am Destiny Lauchengco and that's the reason why I can't seek justice." Naging matigas na ang ekspresiyon nito bagamat may bakas ng luha sa mga pisngi. "Once I exposed my weakness, greedy predators will come after me and my company at kapag nangyari iyo ay hindi lang ako ang maapektuhan. Maraming taong nakasasalalay sa akin para sa pang-araw-araw nilang buhay. At kung bubuksan pa ang kaso, sa tingin mo ay mahahanap pa kung sino ang dumukot sa akin? I can't even remember that man's face!" The other side of Destiny, too much humanity in her blood. Mas iniisip ang kapakanan ng iba kaysa sa sarili.

Huminga siya ng malalim at tumayo. Tahimik na pumasok siya sa banyo para punuin ng tubig ang bath tub. Nilagyan rin niya ng essential oil ang tubig. Akala niya ay handa na siya sa komprontasyon at sa katotohanan pero hindi pala. Nilakasan lang niya ang loob kanina habang nagkukwento si Destiny pero hindi na niya mapigilan kaya lumayo muna siya. Nang mapuno ang tub ay bumalik siya sa labas. Compose na agad si Destiny, wala na ang mga luha sa mga mata pero namamaga naman iyon.

"Take a bath then rest," halos hindi siya makapagsalita. Sinunod siya ng dalaga at pumasok sa banyo. Kinatok niya ang pinto ng banyo. "Do you want something to eat?"

"Fucking hell, Siggy! Can you please stop being so nice!" Matapos ang thirty minutes ay lumabas na ng banyo ang dalaga. Nakabalot ang katawan nito ng bathrobe, tumutulo pa ang basang buhok nito. Dumiretso ito sa kuwarto para magbihis. She stayed there for another twenty minutes hanggang sa pinuntahan siya ng dalaga sa kusina. He's preparing late dinner for both of them.

"You don't have to do this, Siggy."

"I'm still your assistant."

"You're fired." Natigil siya sa pagbubukas ng pasta sauce at tiningnan ang dalaga. Walang ekspresiyon ang mukha nito na siyang dahilan ng pagsikip ng dibdib niya.

"Do you know how much I'm hurting right now?!" Bulalas niya na maging siya ay nagulat. Hinilot niya ang sentido at napansin niya na tumutulo na naman ang mga luha niya. Sumasakit na ang dibdib niya at unti-unti siyang pinanlalambutan ng mga tuhod. "H-hindi ba puwedeng mag-stay ako?!" Umupo siya sa sahig, kahit anong pahid niya sa mga luha ay hindi nauubos. Tiningala niya ang dalaga, she's looking at him, there's not even a hint of emotion showing on her beautiful face of hers. "You're always pushing everybody away and that's the reason why you're alone. Destiny, please... don't do this to me..." Lumuhod ang dalaga sa harap niya at mabining hinaplos ang pisngi niya. Kahit nanlalabo ang mga mata dahil sa luha at nakita niya ang concern sa mukha nito. Dinama ni Siggy ang palad ng dalaga, she's warm.

"I know you are hurting..." her voice almost a whisper. "I can feel it and that's why I have to push you away. Hindi ka dapat nasasaktan dahil sa akin..." Tumayo si Destiny, nawala na ang init ng palad nito sa balat niya. She never said another word, pumasok ito sa kwarto at hindi na lumabas. All he can do is cry in silence. Nang maubos ang luha ay pumunta siya sa rooftop ng building para magpahangin. Mayroong pool roon at lounging chairs para sa mga residents.

New York is dubbed as 'The City the Never Sleeps' at totoo iyon. Kitang-kita ang liwanag sa buong paligid dahil sa mga establishments roon, marami pa ring taong naglalakad sa Times Square, bukas pa rin ang mga bar and resto at halos hindi na makita ang mga bituin dahil sa light polution.

Umupo siya sa gilid ng pool at isinawsaw ang mga paa sa tubig. Importante ba ang nararadaman niya ngayon kaysa sa nararadaman ni Destiny? She just confided her past, bared her vulnerabilities, and he had a nerve of talking to her like that.

ALA-UNA na ng madaling araw pero kahit anong gawin ni Destiny ay hindi siya dinadalaw ng antok. Pagod na pagod ang pakiramdam niya dahil ilang gabi na rin siyang walang tulog pero ayaw namang makisama ng utak niya, sa tuwing pipikit siya ay kung anu-ano ang naiisip niya. Hindi rin naman gumagana ang sleeping pills kaya heto siya, mas nangingitim ang ilalim ng mga mata.

Hindi na nagdurugo pa ang braso niya na nilinisan niya kanina noong maligo. Kinuha niya ang cellphone sa ibabaw ng nightstand, may message roon mula kay Adison. Nangungumusta ang binata. She decided to reply at wala pang isang minuto ay sumagot ito.

I'm really happy that you responded. What time is it in the Philippines? Are you at work?

I'm in New York. She hit send.

Muntik na niyang mabitawan ang cellphone nang mag-vibrate iyon. Adison is calling! Kinakabahan niyang sinagot ang tawag.

"You're in New York?" bungad na tanong nito. Parang kinikiliti ang tainga niya dahil sa boses nito.

Pinangako niya sa sarili na hindi sasagutin ang anumang tawag at messages ni Adison but this calls for a desperate measure. Is she making another mistake again.

"Destiny?" Untag nito.

"Y-yes. I have to go, medyo antok na rin ako." Hindi na niya hinintay na sumagot ang binata, she ended the call. Kailangan niyang ayusin muna ang problema nila ni Siggy. Gaya ng nakagawian ay hinayaan niyang bukas ang lamp sa bedside table.

Chained DestinyWhere stories live. Discover now