Chapter 2: Reine

918 229 215
                                    

Nang iminulat ko ang aking mga mata ay nakita ko ang asul na kalangitan.

"Aww! Nasaan na ako? Nasa impyerno na ba ako? Hmm. Parang hindi ah?" tanong ko sa sarili ko.

Tumayo ako at pinagmasdan ko ang lugar na ito. Nakita kong isa pala itong paraiso.

"Ba't kaya ako napunta rito? Siguro, I am a good person, ngek! Mabuti ba?" Pagdududa ko sa sarili ko.

Hanggang may lumapit sa akin na kamukha ni Aphrodite.

Maganda and her body is so sexy, parang model, parampa-rampa. Pak! Ganern! Ganon!

Kaya naman, agad akong lumapit sa kanya at itinanong kong nasa langit na ba talaga ako.

"Hoy ikaw miss? Pwede bang magtanong?" Sabi ko sa kanya.

"Sure... Pogi," sabi naman niya sa akin. Napataas tuloy tenga ko sa "pogi" niyang sabi.

Sa isip ko talaga'y nasiyahan ako na tinawag niya akong pogi.

"Salamat sa pagtawag mo ng pogi sa akin. Pero, sa ngayon, tanong ko lang, nasa langit na ba ako?" Tanong ko.

Natawa nalang ang babaeng kamukha ni Aphrodite.

"Patawa ka, pogi... Wala ka sa langit. Ang feeling mo naman." Tawang sabi niya sa akin.

"Huh?! Eh, nasaan ako?" tanong ko.

Pero, pinagpatuloy niya akong tinawanan.

Naasar nga ako sa tawa niya kaya pinitik ko ilong niya.

"Aray! What's wrong with you?" Tanong tuloy niya sa akin.

"I just pitik your nose, 'di ka kasi nakikinig sa tanong ko!" Pout na sabi ko.

"I don't care! You hurt me! Pi-no-chi-o ka-na" sigaw niya na parang gumamit ng magic.

"Anong klaseng ritwal iyan!?" Sabi kong gulat.

Iyon nga, lumaki bigla ilong ko.

"Hoy! Ibalik mo ilong ko!" Sigaw ko.

"Just say, sorry!" Inis na sabi niya sa akin.

"Okay, sorry!" Sabi ko.

Dito ay nalaman kong laruan lang pala ang nalagay sa ilong ko.

"Ikaw, magandang dilag, nakakaasar ka na."

"I like you, you are so funny!" Tawang sabi niya.

"Eto nalang, who you?" Tanong ko.

"Hindi mo talaga ako kilala no?" Tanong niya.

"Haist, hindi ka pa nga nagpakilala sa akin eh," puntong sabi ko.

Napapa-wow nalang siya sa akin.

"You are kidding me right?" tanong niya sa akin.

"Sige na, magpakilala ka na, kamukha ni Aphrodite! Don't be ashamed like a monkey," sabi ko.

"What? I'm not a monkey! Hindi ako si Aphrodite dahil mas maganda ako don! Ako lang naman si Reine, ang Reincarnator to Another World."

"Ano? Ulitin mo nga? Sorry, I just need crowbar for my ears."

"Ang sabi ko, you are deaf na talaga. Haist, I am Reine the Reincarnator," sabi ulit niya sa akin ng malakas.

Ngunit, nagkukunwari talaga akong hindi narinig ang kanyang sinabi.

Pero, may biglang pumasok sa aking isipan.

Kung nasa Another World na ako, ibig sabihin talaga ay patay na ako.

"Hoy, miss. Ibig sabihin, patay na talaga ako?" Tanong ko.

"Yup. Sa bilyo-bilyong tao sa Earth, ikaw lang ang unique sa pagkamatay," sabi niya.

"Alam ko na, iyong ano..." 'Di ko na itinuloy.

"Hindi! Isa lang iyon sa mga sanhi. Ang totoo talaga nasobrahan mo kaya nacardiac arrest ka. Haist," sabi niya sa aking naka-sad face.

Dito ay nalungkot talaga ako ng sobra.

"Tama na ang pang-aasar please. I did not accept it! Gusto ko pang mag-asawa at magkaroon ng isang dosenang anak!" Sigaw ko.

Dito ay napaluha nalang ako at napaluhod sa damuhan.

Napaiyak ako ng sobra at napatayo agad ako at niyakap si Reine.

"I don't accept it, really," iyak ko sabay patak ng aking mga tears.

Dito ay sinabi niya sa aking, "Don't cry na crying baby, this is your fate, Bimbo."

Dito ay nagtaka nalang ako kung bakit ako kilala ni Reine.

"Pero may tanong ako. Stalker ka ba Reine? Ba't mo ako kilala. Pati ang kamatayan ko, alam mo?"

"Uulitin ko. I am Reine, ang Reincarnator to Another World. Alam ko kasi may kapangyarihan ako na "Serchum." Ito ay pananaliksik ng lahat ng ginawa mo sa Earth hanggang ikaw ay mamatay. Kasi, ako nga ang muling bubuhay sa iyo, pero sa Another World, so don't cry anymore kasi you have been reincarnated soon sa Another World. Iyan ang trabaho ko dito. Tsaka, nakita ko na ang record mo sa Earth, naka-pdf file sa akin. It is funny pero totoo. High-tech, alam mo na, 'di ako papatalo sa Earth. Tsaka doon, nakapakafamous kong nilalang sa inyong libro tapos hindi mo ako kilala. Nabasa ko na lahat ng buhay mo but the truth is your life goes pathetic."

"Oo na, pathetic kung pathetic. Reine, buti pa ikaw, ang sarap-sarap ng buhay mo dito..." Sabi ko.

"Tama, may fountains, may swimming pool and may aircon pa."

"Oo na. Sana all talaga," sabi ko.

Dito ay mayroon ulit siyang sinabi sa akin tungkol sa aking reincarnation.

"Pero huwag kang mag-alala, Bimbo. Mas masarap buhay mo sa Another World kaysa dito. Hopefully, magbago ka na and change for being perv. Tsaka, sana huwag ka na ring patambay-tambay doon."

"Tama! I will change it all," sabi ko.

Dito ay ginanahan ulit ako at nagtitiwala ako sa sarili kong may silbi na ako sa Another World.

Pagkatapos non ay namasyal muna ako doon.

Pero nagulat nalang ako na wala akong paa. Ngayon ko lang napansin.

"Ang paa ko! Nasaan na?! Naku naman oh!" Sigaw ko.

Tinawanan nga ako ni Reine at sinabing, "You have humors talaga rin no! You are a ghost so you are supposed to be like that. Palutang-lutang. Booh!"

"Ay. Oo nga. Ang kitid talaga ng isip ko, pasensiya na, akala ko tao pa ako."

"It's okay. Sayaw ka nalang diyan ng running man."

Dito ay sinubukan kong sumayaw ng running man pero ang problema, wala talaga akong paa.

Sabay kendeng-kendeng nalang sa usok na buntot ko kahit sa tingin ko,  nakakatawa.

Pati si Reine, pinipigilan tuloy ang pagtawa hanggang sa di niya ito nakayanan at humalakhak siya ng malakas.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
"I lost my life kasi nakalimutan kong huminga."

Ano kaya ang pipiliin kong Reincarnation na katauhan sa aking pamumuhay sa Another World?

Hays, abangan nalang susunod na chapter. Sana naman, napatawa ko kayo. Salamat...

The Rise Of The Pervert HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon