Chapter 19: Rabbititi

173 75 62
                                    

Pinapasok kami ni Sachi sa kanyang bahay at pinaupo.

"Pagpasensiyahan niyo na itong bahay ko, medyo magulo talaga," nahihiyang sabi nito.

Pero napansin kong ang kinang-kinang ng kisame at napakaayos naman ng loob ng kanyang bahay.

"Parang okey naman Sachi ah, ang linis nga eh," bait-baitan kong sabi sa kanya.

Haist, ayaw kong pakawalan ang masamang ugali ko kasi bata lang naman siya eh. Tiniis ko lang ang hindi ko pasensiyado.

"Um, Sachi, hindi ka ba malungkot na mag-isa ka lang dito?" Tanong ko.

Ngumiti sa akin si Sachi na parang anghel at sinabing, "Hindi po ate, may mga villager naman dito na tumutulong sa akin pero..." Nalungkot nalang bigla si Sachi.

Tapos tumunog ang malungkot na musika kung saan saan.

/Video not mine but you can hear it.../

"Bakit Sachi? May problema ba? Naku! Wala akong ginawa sa iyo ah?" Tanong kong nababahala.

Umiyak si Sachi at sinabing, "Alam niyo, miss na miss ko na talaga sina mommy at daddy. Sa totoo lang talaga kapag mag-isa ako ate, malungkot talaga ako ng sobra-sobra, lagi akong napapaluha. Bakit ba kasi sila nawala ng maaga sa akin? Gusto ko pa silang makasama ng matagal." Tapos pinunasan nito ang kanyang mga luha.

Ipinagpatuloy pa nito ang kanyang emotional na pananalita, "Hindi ko kayang mag-isa, ate. Ang hirap mag-isa. Tapos, inaapi pa ako ng katulad kong mga bata. Ang saklap, ang saklap ng buhay ko. Parang gusto ko ng sumuko sa buhay na ito."

Narinig ko lahat ng sinabi sa akin ni Sachi at biglang tumulo ang aking mga luha ng hindi ko alam.

Naramdaman ko talaga ang kanyang kalungkutan sa pagiging mapag-isa sa kanyang buhay gaya ko noon kaya napaluha ako ngayon.

"Huwag mong sabihin iyan Sachi!" Sabi ko sa kanya habang ako rin ay lumuluha.

"Ate?"

"Huwag na huwag mong sasabihin iyan Sachi. Pareho lang tayo ng karanasan noong bata pa ako, Sachi. Iba lang ang pagkawala ng ating magulang."

"Ibig sabihin ate, nawala rin ng maaga ang nanay at tatay mo!?" Tapos pinunasan nito ang kanyang mga luha.

"Oo! Namuhay akong mag-isa at hindi ako sumuko para mabuhay sa mundong ito. Kaya please, sana ganon ka rin. Huwag kang sumuko sa buhay Sachi."

"Ate! Hu-hu!"

Yinakap namin ang isa't-isa at umiyak...

"Hoy, Master Ayane, comedy ba ito o dramahan?" Agaw eksena ni Kazuma.

"Tumigil ka nga diyan Kazuma. Panira ka ng momment eh! Hindi mo alam ang aming naranasan!" Sabi ko.

"Okay. Sorry."

Kumalas nga kami sa pagkakayakap sa isa't-isa.

"Pasensiya na ate kung napaiyak kita, hindi ko alam na pareho tayo ng karanasan eh." Sabi ni Sachi sa akin.

"Wala iyon. Nevermind nalang. Pero, simula ngayon, hindi ka na mag-isa. Kasama ka na namin palagi dito sa iyong bahay ah?" Tanong ko sabay ngiti.

"Ano? Totoo ba ang narinig ko ate?" Tanong niya at napalitan agad ang kanyang emosyon.

"Oo Sachi. Alam mo, nagwakas ang aking pag-iisa ko noong 8 years old ako. Noong nawala ang aking mga magulang ay 4 years old pa lamang ako noon." Sabi ko.

"Sino na ba ang nakasama mo noon ate noong 8 years old ka na?" Tanong niya.

"Si kuya Tanjiro. Ang tagal kasi ng biyahe niya noon dahil nag-aral siya sa abroad. Pinag-aral siya ng aking tatay matapos itong makapagtapos rin sa kanya. Pero nakiusap ang aking tatay na alagaan niya ako bago siya mamatay sa pamamagitang ng kanyang telepathy magic. Napakabuti ni kuya dahil tumigil siya sa pag-aaral para alagaan ako. Kaya ngayon, ganon din sa iyo, kasama ka na namin palagi para hindi ka na malungkot. Diba masaya iyon Sachi?" Tanong ko.

"Opo ate. Ang bait niyo talaga ate," ngiti nito sa akin.

"Talaga...!" Sarkastikong sabi ko.

Hindi lang naman ang makasama si Sachi ang iniisip ko dahil para hindi na kami magrerenta ng bahay. Makakatipid pa kami. Alright!

"Um, gutom na ako ate," sabi nga sa akin ni Sachi.

"Hindi problema iyan, may pagkain ka ba sa iyong imbakan at ako ang magluluto?" Tanong ko.

"Wala na ate. Naubos ko na. Pero, pwede naman tayong mangaso sa Sluotique forest na bahagi ng Cantout." Sabi niya.

Lumabas nga kami ng kanyang bahay at simamahan kami ni Sachi para mangaso.

Ang swerte raw namin dahil nakaharap namin kaagad ang leader ng mga Rabbit sabi nga ni Sachi sa amin.

"Ate, ang swerte natin. Iyan ang pinakamasarap sa kanila!" Sigaw niya.

Agad kong inilabas ang aking level eyeglass at nakita ko ang kanyang information.

Isang pinuno ng Rabbit, level 37.

"Sige, mahina lang pala ito eh. Level 44 na ako." Sabi ko.

"Ate, mag-ingat ka po." Payo ni Sachi sa akin.

"Salamat. Pero huwag kang mag-alala. Kasama ko naman ang mga kuya mo." Sabi ko.

Biglang nagsalita ang pinuno ng Rabbit na malahalimaw.

"Mga mahihinang nilalang! Pangahas kayong talunin ako. Hindi niyo matatalo si Rabbititi!"

"Anong sabi mo! Isang sipa kalang, tiklop na!" Sigaw ko.

"Why you?!" Sigaw ng halimaw na rabbit.

"Ako na bahala ate sa halimaw na iyan! Sel-fa Ka-boom-a Wa-sak-ka!" Sigaw ni Sachi na parang gumagamit ng magic attack.

"Sachi, gumagamit ka rin ng magic?!" Sigaw na tanong ko.

Bigla nalang sumabog ang halimaw na iyon at nakuha namin ang limang higanteng piraso ng Rabbititi.

"Opo ate. Sorry, hindi ko pala nasabi, gumagamit pala ako ng magic. Bihira lang sa aming mga demihuman ang gumagamit ng magic. Kaya lagi akong tinutukso ng mga katulad kong bata dahil bukod sa lampa ako, may magic rin ako. Kaya halimaw ang tingin nila sa akin." Sabi sa akin ni Sachi.

Nginitian ko siya at sinabing, "Hindi ka halimaw Sachi, inggit lang ang mga batang iyon sa iyo dahil wala silang magic powers. Mabait ka na nga, mabuti ka pang nilalang."

"Salamat ate," sabi nito sa aking nakangiti rin.

"Psst, Master Ayane, ba't ang bait-bait mo ngayon?" Bulong ni Kyaru sa akin.

"Tahimik, Kyaru!" Sabi ko.

"Joke lang iyon master. Iba ka talaga," sabi ulit niya.

Agad kaming bumalik sa bahay ni Sachi at ako ang nagluto ng karneng aming nakuha sa halimaw na Rabbititi.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Don't cry, just cry."

Masarap kaya ang aking luto?

Abangan ang susunod na kabanata ng nobelang ito. Salamat...

The Rise Of The Pervert HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon