Chapter 30: Akemi

102 38 8
                                    

Ngayon ay nagluluto sina Kyaru at Shidou sa loob ng kweba habang ako ay naghihintay.

"Tapos na ba iyan, Kyaru at Shidou?" tanong ko.

"Hindi pa master," magkasabay nilang sinabi.

"Ang tagal! Buti may mahika tayo para gumawa ng apoy. Kung wala, mahihirapan talaga tayo." Sabi ko.

"True ka diyan master!" Halakhak na sabi ni Kyaru sa akin.

Matapos nilang maluto ang mushroong iyon ay agad nga kaming kumain.

Habang kumakain si Kyaru ay isinubo-subo nito ang mushroom.

Lack of good manners sa pagkain!

Kaya agad ko sinabing, "Hoy! Kyaru. Respetuhin mo naman iyang pagkain natin! Um. Tsaka, ganito kasi ang gawin mo."

Tapos itinuro ko sa kanya kung paano ito gawin.

Diniladilaan ko nga ang kabuteng iyon na parang ice cream dahil sa sarap ng katas nito.

Dito ay sabing kong, "Ang sarap ng katas, Um..."

Dito ay may reaction sa amin si Shidou, "Tumigil na nga kayong dalawa. Parehong mali ang pamamaraan niyong kumain!"

Dito ay agad kong nginuya ang mushroom na iyon at sinabing, "Naubos ko na po Shidou. Huwag ka ng mainis."

Hinaplos-haplos ko ang kanyang ulo para maging mainahon.

Nang naubos namin ang aming tanghalian ay agad kaming lumabas ng kweba.

Agad kong sinabing, "Tara na mga kasama! Tuloy ang laban!"

Nang malampasan namin ang madilim na gubat na iyon at nakapunta kami sa maaliwalas na parte ay nakita namin ang mga quick sand o kuminoy.

"Master Asura. Mag-iingat po tayo. Baka lumubog tayo sa putik na iyan." Paalala ni Shidou sa akin.

"Sige, Shidou." Sabi ko.

Pero, napansin nalang namin na kawawa ng lumulubog si Kyaru doon sa kuminoy ng hindi namin inaasahan.

"Tulong! Tulong master!" Sigaw sa amin ni Kyaru.

Dito ay agad akong nainis sa kanya at sinabing, "Haist. Ba't mo kasing naisipang pumunta diyan, Kyaru?"

"Walang lang master Asura. Trip ko lang!" Sabi pa nito.

"Kyaru, hindi mo ba alam na napapahamak ka diyan? Wala ka talagang braincells!" Sigaw ko.

Dito ay nakita kong naawa si Shidou at sinabi sa aking, "Master, tulungan na natin si Kyaru. Kawawa naman siya oh?"

"Help! Help! Please!" Sigaw pa rin ni Kyaru at halos ulo na lamang ang kanyang nakikita sa kuminoy.

Agad akong nagresponse sa sinabi ni Shidou at sinagot.

"Shidou, hayaan na natin siya. Trip lang daw niya eh. Kasalanan rin niya kung bakit siya napunta diyan." Sabi ko.

"Pero master?" Tanong nito nakikiusap.

"Okey. Fine, fine, Shidou. Sa susunod kasi Kyaru, isipin mo muna kasi ang posibleng mangyayari kapag pupunta ka diyan." Sabi ko.

"Opo, master! Malapit na po akong maangkin ng kuminoy!" Sigaw niyang anxious.

"Sige, Kyaru. Lalangoy na ako diyan para sa iyo!" Tumalon ako papunta sa kumuniy at natanto kong hindi iyon ang magandang ideya.

Sinabi sa akin ni Shidou na, "Master? Bakit ka tumalon? Hindi iyan swimming pool!"

Dito ko narealize at sinabing sa aking sarili na, "Pati pala ako, walang utak! Bwisit."

Dito ay biniro pa ako ni Kyaru na malapit ng lumubog ang baba.

"Master Asura. Pareho pala tayong walang utak," pabiro nito.

Lumulubog na nga kami ay nakuha ko pang paluhin sa ulo si Kyaru sa sinabi niya.

Dito ay sinubukan kaming iligtas ni Shidou pero hindi siya makaisip ng paraan sa kanyang pagkataranta.

Isinisigaw nalang nito ang aming pangalan at walang magawa.

"Master Asura! Kyaru! Hindi! Ano ang gagawin ko? Ano ang gagawin ko?!" Sigaw nitong nag-aalala na.

Sa pagkataranta ni Shidou ay may napansin akong umiilaw sa aking dibdib pero lubog na ito ng putik.

Lumakas ang liwanag na iyon at agad kong naalala ang sinabi ni we don't talk about Bruno tuloy ang naisip ko.

Dito sa kuminoy ng Eastern Path tutubo ang butil na puso ni Sachi.

Medyo kinabahan lang ako dahil baka tumubo ito sa dibdib ko at wasakin nito ang aking katawan.

Pero, iba ang nangyari. Nag-adjust ang butil na iyon sa aking dibdib at pumunta ang butil sa pinakagitna ng quick sand.

Kaya, nainsulto ako dahil parang hindi nito gusto ang dibdib kong malaki.

Nagulat nalang kami ng bigla itong lumaki at naging malaking halaman ng parang niyog.

Nakita ko sa aking eyeglass ang information nito.

Ito ay ang Revival Cococute Tree.

Tapos, bigla itong namunga ng isang lumalaking bunga ng mahiwagang niyog!

Ito ay ang Revival Fruit of Cococute Tree.

Lumaki ng lumaki ang bunga at unti-unti ring napipisti ang puno nito.

Nahulog ang bunga at nabitak sa ibabaw ng kumunoy. Dito namin nakitang nagliwanag ang loob ng bunga.

Dito ay nakita ko ang anyo ni Sachi na nagniningning sa loob ng bunga.

Napansin kong hindi na siya isang demihuman kundi isa ng lumilipad na fairy.

Kahit siya na ay fairy ay katulad pa rin nito ang kanyang laki noong demihuman pa siya.

Dito ay agad kaming iniligtas ni Sachi sa kuminoy habang kami ay kanyang inililipad sa ere.

Nagulat ako na ang lakas na niya dahil nahugot niya kami sa kumunoy at nabuhat niya kami ng walang kahirap-hirap.

Agad nitong sinabi sa akin habang kami ay nasa ere na,"Ate Asura, masaya akong makita ka ulit."

"Ako din Sachi." Naluha tuloy ako sa tuwang makita siya.

"Oops, oo nga pala ate. Ngayong narevive ulit ako. Bilang fairy, hindi na Sachi ang aking pangalan." Sabi nito

"So, gaya-gaya ka na rin Sachi na nagpapalit pangalan?" Pabirong tanong ko.

"Hindi naman sa ganon ate. I mean is sinusunod ko lang ang aking damdamin ang bago kong pangalan sa anyo kong ito. Tawagin mo akong Akemi, ang "The Fairy of Mana." Sabi niya.

"Sige na nga. Iyon talaga ang pangalan mo ayon sa aking level eyeglass." Sabi ko.

"Oh, ang eyeglass mo na mismo ang nagsabi ate." Ngiti niya.

Dito ay agad kaming ibinaba ni Akemi under the ground.

Si Kyaru ay walang malay sa oras na iyon dahil sa pagkalubog sa kuminoy pero sinasampal na siya ni Shidou kaya wala ng problema.

Dahil sa pagkamiss ko kay Sachi este Akemi ay agad ko siyang yinakap ng mahigpit at tuwang-tuwa sa kanyang pagbabalik.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
"At the end of the day, gabi na."

Ano kaya ang pwedeng gawin ni Akemi?

Abangan ang next chapter ng kwento. Salamat.

The Rise Of The Pervert HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon