Chapter 20: Mangboy

166 67 54
                                    

Sa oras na ito ay nagluluto ako ng karne ng rabbit. Syempre, hindi ko alam kung paano magluto nito.

Buti nalang ay may libro si Sachi tungkol sa kung paano ito lutuin.

Binanatan ko nga ang aking pagluluto na parang isang Chef.

May paapoy-apoy pa nga sa palayok eh tapos inihahagis ko pa ang mga karne sa palayok.

Pero nasobrahan ko lang ang pagsayaw-sayaw tapos hawak ko pa ang palayok kaya nahulog ko tuloy ang ilang karne. Nagpapabilib kasi ako eh, iyan tuloy.

Buti nalang nasalo ni Kyaru sa pamamagitan ng kanyang mga kamay kaya hindi ko na kasalanan iyon.

Ayon, nagkapasa ang mga kamay niya at sobra siyang napatalon sa sakit.

Pero, ginamit niya ang kanyang kapangyarihan at sinabing, "Heal."

Kaya gumaling naman siya at agad akong tinawanan.

Matapos kung lutuin ay naamoy ko ang aroma ng prinitong karne ng rabbit.

"Ate Ayane, luto na ba iyan? Gutom na kasi ako eh." Sabi ni Sachi.

"Maghintay ka nga batang paslit," sabi kong nadulas. Nakalimutan kong nagbait-baitan ako kay Sachi.

"Ano po iyon ate?" Tanong niya.

"Ah? Este, luto na Sachi, pwede na tayon kumain," ngiting sabi ko.

Napatalon nga sa saya si Sachi at buti, hindi niya malaman ang bad side ko.

Kumain kami ng masaya pero hindi ako masaya dahil kina Kazuma at Kyaru.

Napakabastos nilang kumain. Bakit ko nasabi? Grabe! Isang subo lang tapos nguya at lunok.

Natawa na lamang ako ng mabilaukan silang dalawa.

"Iyan ang mga napala niyo mga..." tapos agad kong itinigil ang aking pananalita.

Muntik ko ng nakalimutan, nagbaitbaitan pala ako.

Kaya nagchange of mind ako at sinabing, "Hala! Tulungan natin sila Sachi!"

Dito ay agad kaming kumuha ng dalawang baso ng tubig. Tapos, pinainom namin sila.

"Salamat po master Ayane." Sabi ng dalawa.

Suminyal ako sa kanila na talagang nainis ako sa kanilang asal.

Nang matapos na kaming kumain ay biglang yumanig ng malakas.

Agad naming narinig ang mga naghihiyawang mga demihumans sa labas.

"Sachi! Ano kayang nangyayari sa labas?" Tanong ko.

"Hindi ko po alam ate Ayane. Tignan natin!" Sigaw niya.

Lumabas agad kami sa bahay nila Sachi at nakita namin ang nanggugulong halimaw.

Nakita namin na winawasak nito ang mga bahay ng mga villager ng demihumans na walang kahirap-hirap.

"Tulungan niyo kami! Tulungan niyo kami." Sigaw nilang lahat.

Agad kong isinuot ang aking level eyeglass.

Agad kaming lumapit sa mapaminsalang halimaw na iyon.

Binato ko agad ang kanyang ulo na bakal ng napakalaking bato at nakita ko ang kanyang buong anyo.

Humalakhak bigla ang halimaw na kulay purple ang buong anyo na may sungay.

Tapos, naka-armored na kamukha ng isang Bull pero naglalakad na parang tao. Tapos, may samurai pa!

Matapos ang paghalakhak ng halimaw na iyon ay sinabi nitong, "Sa tingin mo ba babae, hindi kita napansin!"

Dito ay nanginig ako ng napansin niya ako.

Nakita ko ang info. ng halimaw.

Nakaramdam agad ako ng takot dahil hindi ito pangkaraniwan.

Ayon sa aking level eyeglass. Siya ang isa sa mga Boss na dapat naming talunin para raw makalaban namin ang wizard na si Anous Voldigord!

Ang Boss at Strongest Monster ng Northeastern Path. Siya ay level 45.

"Natatakot ka na ba, babae!" Tapos humalakhak ito ng malakas at pati ang aking mga tenga ay malapit ng mabasag sa lakas.

"Bakit naman ako matatakot sa iyo, ang hina mo shunga. May dating kalang dahil naka-armor ka!" Tapang kong sabi.

"Master Ayane, nararamdaman kong malakas ang halimaw na iyan kahit mababa ang level!" Sigaw sa akin ni Shidou.

"Wala akong pake Shidou!" Tapos agad kong sinugod ang halimaw ng padalos-dalos pero gumalaw na pala ito ng napakabilis para itulak sina Kyaru, Kazuma at Shidou papalayo.

"What the? Nasaan na sila?" Sigaw na tanong ko.

Humalakhak agad ang halimaw at nasa tapat na pala niya ako sa bilis.

Tapos agad nitong sinabi na, "Hindi kayo makakatakas sa akin. Dahil ako si Mangboy! Ang Purple Armored Flash Bull! Ang pinakamalakas na halimaw dito sa Northeastern Path! Ako ay isang Speaker Killer! Ba't ko nasabi!? Galit ako sa mga speaker dito sa Cantout dahil natatapiyasan nito ang aking malakas na bunganga!" Tapos, halakhak pa nito.

"Speaker killer ka pala, Mangboy ah?! Wala akong pake!" Matapang kong sinabi pero nanginginig talaga ako.

Sa kanyang bilis ay hindi ko namalayang sinuntok niya pala ako sa tiyan.

Dahil sa sakit ay namilipit ako na nakahiga sa damuhan at malapit na akong mawalan ng malay.

Nakita ko siyang lumapit ito kay Sachi ng malabo.

"Hindi! Huwag mo siyang saktan Mangboy!" Sigaw ko.

Humalakhak ito ng malakas at sinabing, "Huli na ang lahat! Kung hindi mo sana ako binato, hindi sana nadadamay ang bata."

Dito ay nakita kong ginamit ni Sachi ang kanyang magic.

Pero sa kasamaang palad, hindi ito umubra at pinitik lang nito ang kanyang katawan ng malakas hanggang sa humandusay ito sa damuhan.

Sa nangyaring iyon ay nakaimik pa ako at napaluha, "Sachi, I'm sorry. I'm really sorry. Naging padalos-dalos ako. I failed to protect you."

Dito ay nawalan na rin ako ng malay.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
"If you think, then you have brain."

Ito na ba ang katapusan naming lahat?

Abangan ang next chapter ng kwentong ito. Salamat.

The Rise Of The Pervert HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon