Chapter 41: Tanjealust

71 22 4
                                    

Paglampas namin sa mahamog na lugar na iyon ay nakita namin ang mga naglalakihang mga kabute.

Mas malaki kaysa sa mga nauna.

Dito namin inalughog ang lugar at hinanap si Tanjiro.

Pero, magaling talagang magtago si kuya Tanjiro dahil hindi namin siya nakita.

Hinanap namin siya sa isang masukal na kabutehan at nakita namin dito ang isang matandang naka-armor na loli na parang witch.

Dito ay agad akong nagtanong sa kanya at sinabing, "Mawalang-galang na po, may nakita po ba kayong lalaki dito na mas matanda kaysa sa akin?"

Tumawa ang bruha na iyon at sinabing, "Wala. Parang naliligaw yata kayo mga apo?"

"Hindi po," sabi ko.

"Halina muna kayo dito sa bahay ko at ihahanda ko kayo ng makakain," sabay halakhak nito sa amin.

Bumulong sa akin si Shidou at sinabing, "Parang masama ang kutob ko sa matandang iyan, Master Asura."

"Oo nga, Shidou. Ako rin eh." Sabi ko.

Dito ay sinabi ko nalang sa matanda na, "Salamat po pero, may hinahanap pa po kami. Pasensiya na sa abala."

Dito ay nainis sa amin ang matanda at sinabing, "Walang sinuman ang tumatanggi sa akin! Ako si Jealust, ang pinakamagandang bruha sa balat ng lupa!"

Dito ay biglang nagpalabas ng apoy na awra ang matanda at sinabi sa aming nagngingitngit na, "Kung ayaw niyong pumayag, labanan niyo ako!"

Dito ay napatahimik na lang kami.

Pagkatapos sinabi sa akin ni Akemi na, "Ate Asura, nararamdaman kong marami siyang mana na itinatago.

"Huwag kang matakot Akemi, kaya na namin iyan. Hindi lang tayo pumayag, nagalit na!" Sabi ko.

Dito ay patuloy ang paglakas ng apoy ng awra ng matanda.

Nakita ko ang kanyang information at siya ay isang Bad Fire Witch Armored Lolicon Ancestor, level 70.

Humalakhak ito ng manipis at sinimulan nitong atakihin si Misaka gamit ang kanyang magic wand.

Buti nalang ay agad nitong sinanggahan ni Shidou si Misaka.

"Salamat itay!" Pasasalamat nito tapos hinalikan nito si Shidou sa pisngi. Ang sweet talaga ng future anak namin.

Nahihiya namang sinabi ni Shidou sa kanyang, "Ang awkward, pero walang anuman anak."

Dito ay agad ko siyang sinugod para putulin ang kanyang magic wand.

Pero agad na sumulpot sa kanyang harapan si kuya Tanjiro at sinabing, "Tigil!"

"Kuya Tanjiro?!" Nagulat nga ako ng sobra.

"Sabi kong tigil!" Naiinis na sabi nito sa akin.

"Hoy! Ikaw kuya! Diba't may misyon ka pa?" Tanong ko.

Dito ay nakita kong malaki ang pinagbago ni Tanjiro simula noong umalis siya sa akin. Parang pumangit na siya at malapit na niyang kamukha ang bruha.

Dito ay sumagot si Tanjiro at sinabi sa aking, "Oo! Napuksa ko na ang Devil Prince! Isusunod ko na sana ang Devil King kaso ikaw ang problema!" Sigaw nito sa akin.

"Bakit ako?!" Sigaw ko.

Humalakhak ito sa harapan ko na para ng nababaliw.

"Isusunod ko na sana ang Devil King kaso naalala kita. Gusto sana kitang balikan kaso, kaso may mahal ka na palang iba at tsaka may anak ka na! Matagal ko na kayong iniistalk no!" Sigaw na naiinis sa akin ni kuya Tanjiro.

Dito ay natanto kong nababaliw na talaga si Tanjiro at sinabing, "Hoy kuya Tanjiro, hindi ko siya boyfriend at saka wala pa akong anak. Galing sa future si Misaka at anak namin siya!" Sabi ko.

Dito ay mas lalong nainis si Tanjiro at sinabing, "Iyon! Ang ibig sabihin, magiging kayo talaga ng lalaking iyan at hindi ako!"

"Kuya Tanjiro! Mahal kita at hindi kita ipagpapalit! Pwede pa namang baguhin ang lahat eh dito sa present!" Sabi ko.

"Sinungaling ka Ayane! Este, Asura na pala! Hindi mo talaga ako mahal!" Sigaw sa akin ni kuya Tanjiro.

"Mahal na mahal kita kuya," sigaw ko sa kanya.

"Hindi, singungaling ka talaga. Mahal na mahal kita tapos ipinagpalit mo lang ako! Kaya naman, ipinagpalit na rin kita sa bruhang ito. Siya na ang mahal ko at hindi na ikaw!" Tapos turo nito sa akin.

Tapos may namuo sa aking isipang sad na tug-tog.

"Video not mine but you can hear it."

Sa aking narinig ay napaluha na lamang ako at sinabing, "Kuya Tanjiro, ikaw pala ang sinungaling eh. Ipinagpalit mo na pala ako sa iba."

"Tama na iyan mommy. I don't want to see you crying." Sabi ni Misaka sa akin.

Dito ay naiyak talaga ako ng sobra at niyakap nalang ako ni Akemi at Misaka.

Nagpatuloy ang pananalita ni Tanjiro at sinabi nitong, "Ang aming loveteam ay Tanjealust! Hindi na kita kailanman gusto, Asura!"

Dito ay isinigaw kong, "Wala akong pake, you're a liar kuya at psycho! Umasa pa naman ako! Tsaka, ang pangit ng jowa mo! Hmm!"

Dito ay patuloy silang humalakhak habang ako ay umiiyak...

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
"Love is mapaglaro minsan, but it cannot play games."

Magmomove-on na rin ba ako?

Abangan ang next chapter. Salamat.

The Rise Of The Pervert HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon