Chapter 16: Raphtalia

185 79 61
                                    

Matapos ang aming laban sa pinuno ng mga Blade Grass ay napagpasyahan naming pumunta sa isang lalawigan.

Ang tawag ay Cantout Place.

Ito ay parte pa rin ng Northeastern Path sa mapa.

Habang kami ay naglalakad, napansin kong unti-unti ng nakakamove-on si Shidou.

Which is a good sign para hindi siya mawala sa amin.

Nagpatuloy kaming naglakad hanggang sa makapunta kami doon sa lugar ng Cantout.

"Nandito na tayo guys, papunta na tayo sa exciting part," sabi ko.

"Master Ayane, wala yatang tao dito, puro demihumans. Half pusa at half tao," pansin nga ni Kazuma.

"Bakit? Takot ka ba, Kazuma? Ano, sagot?!" Sabi ko.

"Hindi master. Bakit naman ako natatakot? Napakaamo ng kanilang mga mukha," sabi niya.

Dito ay nakita nalang namin ang baliw na si Kyaru na pinagtripan ang isang demihuman.

Hinila nito ang buntot ng isang tambok, malaki ang dibdib, at cute na isang demihuman na babae.

Mukha na itong teenager pero napaiyak nito ni Kyaru dahil sa kabaliwang ginawa niya.

Natawa na lamang si Kyaru at sinabing, "Tignan niyo siya, ang cute diba? Ang sarap talagang maging hindi matino!" Halakhak pa niya.

"Hoy! Kyaru. Ano nanaman kasi ang kabaliwang naisip mo para gawin sa kanya iyan? Tsaka, kilala mo ba siya?" Tanong ko na naiinis.

"Hoy, Kyaru, apologize to her, now!" Sigaw rin ni Shidou.

Dito ay bigla kaming nakarinig ng lindol at biglang dumilim ang aming paligid.

Dito ay napanganga na lamang kami ng makita namin ang isang higanteng taong-pusa. Parang ito ang kanyang tatay.

Hindi nga nito napansin ni Kyaru dahil sa patuloy niyang panunukso sa babaeng demihuman.

Pero napansin din nito ni Kyaru ng lumingon ito sa kanya at dito nanlaki ang kanyang mga mata.

Kaya itinigil nito ang kanyang masamang ginagawa.

At, agad itong natakot sa dambuhala.

"Raphtalia!? Bakit?! Sino ang nagpaiyak sa iyo?!" Tanong nito na napakadeep voice.

"Daddy, hinila ng bastos na ito ang aking buntot. Sabi pa nga niyang malaki daw melon ko. Napakawalang hiya ng taong iyan!" Sigaw nga niya.

"Ano?! What the packing tape! Walang sinuman ang bumabastos sa anak ko!" Sigaw nito at yumanig pa ang lupa sa lakas ng kanyang boses.

Napanginig nalang kami at natakot.

Dahil sa inis ng dambuhala ay tinanong pa niya sina Kazuma at Shidou kung kasamahan nila si Kyaru, pero tumanggi sila.

Nakahanap tuloy si Kyaru ng kanyang ikakapahamak pati na rin kami. Haist.

Hanggang sa tinanong niya ako ng naiinis talaga, kitang-kita ang nag-aalboroto niyang mukha.

"Hoy! Ikaw tisay na babae? Kasamahan niyo ba itong bastos na lalaking ito?!" Medyo kinabahan ako pero nawala rin naman agad.

Syempre tumanggi ako para sa aking proteksyon at sinabing, "Hindi no, ba't ko naman kilala iyan? Eh, inosente akong tao." Bait-baitan kung sinabi.

"Master? Mga kasama, ba't niyo ako ipinagkaila? Baliw naman kayo tulad ko ah?" Kawawang tanong nga ni Kyaru sa amin.

"Ikaw lang ang baliw. Kawawa ang babae kanina tapos hinila mo pa ang buntot niya. Ikaw dambuhala, parusahan mo na siya sa ginawa niya kung gusto mo!" Sabi ko.

"Tama siya itay! Para sa aking hustisya," sabi naman ni Raphtalia.

Humalakhak nga ng malakas ang dambuhalang demihuman at sinabing, "Any words?"

"Mga sinungaling kayong lahat. Sige, sipain mo na ako pangit na dambuhala!" Halakhak pa na sabi ni Kyaru.

"Haist. Ang tapang nito, walang hiya!" Sabi kong napakamot sa ulo.

Sinipa nga niya ng malakas si Kyaru at habang lumilipad siya ay nagawa pa nitong mang-asar.

"Ang hina ng sipa mo pangit!" Sigaw niya.

Narinig ito ng dambuhalang demihuman dahil matalas ang pandinig nila gaya ng pusa.

Dito ay tumalon siya at himalang nahabol pa niyang lumipad si Kyaru.

"What?!" Sigaw ni Kyaru sa ere.

"Ano? May sasabihin ka pa ba?!" Pagkatapos sinuntok niya pababa ang pagmumukha nito ng napakalakas.

Bumagsak nalang si Kyaru on the ground at sa lakas ay nakabuo ito ng massive destruction sa lupa na parang bulalakaw!

Nakita nalang namin si Kyaru na hilong-hilo at gumagalaw ng kaunti.

"Ano, hihingi ka na ba ng tawad sa aking anak?" Tanong ng dambuhalang demihuman.

"Oo na po. Patawad sa aking ginawa sa iyong anak," sabi nitong nanghihina.

"Buti naman. Natauhan ka rin bastos!" Sabi niya.

"Buti natauhan na siya itay. Hayaan mo nalang siya diyan itay. Masaya na ako sa ginawa mo!" Sabi ni Raphtalia.

Dito ay masayang lumapit si Raphtalia sa kanyang tatay at yinakap.

"Daddy, salamat dahil nakuha mo agad ang hustisya para sa akin. Ang saya ko."

"Tama na iyan anak at huwag masyadong madikit. Kumikiskis oh!"

"Sorry po itay.  Pero mamaya po itay, may ireregalo nanaman ako, masosorpresa ka talaga."

"Yeah! Excited na ako!" Reaction ng kanyang ama.

"Matutuwa ka talaga itay!" Sabi naman ni Raphtalia.

Ang sweet nga ng mag-ama at unti-unti silang naglakad papalayo.

Pero mas nainis ako ng binantaan pa kami ni Raphtalia bago sila umalis.

"Kayo! Kung sasaktan niyo rin ako, masasaktan kayo sa daddy ko! Gaya sa kanya. Halika na daddy."

"I'm coming na my dear. I am excited for your gift." Sabi ng kanyang ama.

Ay, talaga. Nabwisit tuloy ako. Pero nangtimpi lang talaga ako sa mag-amang iyon.

Iyong babae, ang sarap sampalin. Napaka-attitude! Iyakin naman.

Ganon din sa mukha nina Kazuma at Shidou, parang nanggigigil.

Nang makalayo na sila ay sumigaw ako ng mainahon, "Matapilok sana kayo!"

Pagkatapos ay ginamot ni Kyaru ang kanyang sarili at sinabing, "Ang bwakaw niyo, bakit kayo nagsinungaling sa akin master?"

"Baliw, ayaw lang naming madamay. Normal lang na gawin namin sa iyo iyan no. Buti, ikaw lang ang talagang pinansin ng malanding babaeng iyon, at hindi kami pinilit na isa ka talaga sa kasamahan namin. Kaya, hindi kami nadamay sa kolokohan mo. Sa susunod, maging matino ka naman, hindi lahat ay kalokohan. Baliw ka talaga," sabi ko.

Humalakhak nalang bigla si Kyaru at sinabing, "Oo na nga master. Para sa ikabubuti natin."

"Wow ah, buti naman, ngayon ka lang yata tumino." Sabi ko.

"Master, matino na ba ako sa sinabi ko?" Tanong niya.

"Matino, pero iyang mukha mo kasi hindi kasi matino eh." Sabi kong biro.

Matapos ang kalokohang nangyari, patuloy nga kaming naglakad hanggang makapunta kami sa tapat ng gusali ng merchant.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
"Don't fight a strong guy kasi malakas iyon."

Ano kaya ang susunod na mangyayari sa kwento?

Abangan ang susunod na kwento...

The Rise Of The Pervert HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon